Tumawa si Hail at ngumuso. "Give me a chance to prove myself, then, Loraes. I can prove you how serious I am to court you."

Ngumiwi ako sa pandidiri sa mga salita niyang hindi ko mapaniwalaan.

"Seriously!?" sabay na sambit ni Girbaud at Zoren nang matanto ang pinaglalaban ni Hail Verceles.

"Wala kang pag-asa sa akin, Hail. Humanap ka na lang ng ibang maloloko mo, magsasayang ka lang ng oras sa akin." malamig kong sinabi at nahihiyang lumakad palabas ng tent.

Narinig ko ang tawag ni Girbaud pero mabilis na ang lakad ko, nalula ako sa dami ng taong nakakalat habang nag-uusap pa rin tungkol sa katatapos na racing game. I wore my clear eyeglasses while walking past the crowded place, kapit ko ang strap ng bag sa aking balikat. I really need to go home now, nasa bag ko naman na ang parte sa pagkapanalo sa racing kaya hindi ko na kailangan magtagal pa. Besides, Girbaud and Zoren knows I can't go home so late today. Tiningnan ko ang oras sa aking pulsuhan, alas singko na ng umaga kaya pala kulay lila na ang kalangitan at kailangan kong unahan iyon bago lumiwanag dahil madalas na gising ng Lola ko ay alas sais y media.

Sumunod agad si Hail sa akin, nang lingunin ko siya ay nagtaas na siya ng dalawang kamay at umiling. He advanced his steps to walk in front of me, facing me while grinning in his natural mocking red lips.

"Bakit ang hirap mo namang abutin, Raes? Bigyan mo naman ako ng chance kahit isang beses lang."

Umiwas ako ng tingin at suminghap. He's hopeless, isn't he? Ano bang espesyal sa akin at ganito niya akong kulitin? Is it because I look so fresh as a virgin girl even with my manang look?

"Seriously, Hail?"

"Seriously, Loraes Sovereign." he smirked and nodded.

"I need to go home before six, can you please get off my way now?" marahang pakiusap ko at lumihis ng hakbang pero sinundan niya.

"Chance muna, Loraes. Chance to court you and prove myself through it." aniya, pinagsiklop ang kanyang mga kamay na tila nagdadasal.

"I don't like you, why would I give a chance to someone I don't like? Paasa iyon kung ganoon, Hail." nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya'y ganoon din.

"Madelaine said you have rules to like a man, tell me those rules..."

I smirked privately. Wrong move, Hail. My rules are for me only, I want it to see in a man who doesn't know the rules. And this Madelaine is an ass, huh? Hindi halatang boto siya sa kaibigan niyang ito at sinabi pa talagang may rules ako? Sino ba ang mas best friend niya sa amin?

Rule number one, a man who wants to prove himself through courting but I'm afraid some boy could make it to rule number two... because it's not really easy to court me so I know he'd get tired eventually. Although, I haven't been courted by anyone yet. Kaka 18 ko lang at hindi talaga ako ligawin na babae dahil madalas akong magsungit sa mga lumalapit.

I don't believe they're getting their way to me to prove themselves through befriending me, I can see their eyes... I am just a certain challenge for them to play with. Pinagpupustahan, hindi lang sa panliligaw kung hindi pati na rin sa makakalapit sa akin. I'm not actually a man hater but they are really provoking me to hate the guts of men around. They are playful in all color, may kunwaring seryoso gaya ni Hail, may dinadaan sa biro upang hindi halata, may sinasadyang magmakaawa kahit hindi naman talaga gusto at may nagpapanggap na suplado upang maiba siya sa lahat.

I remember many!

Ngumisi ako at napailing, tinapos ko ang usapan namin ni Hail sa pagbibigay ng tsansang peke sa kanya. Sa paraang iyon ay nakatakas naman ako, neknek niya! Wala siyang pag-asa sa akin, bahala siyang umasa at magsayang ng oras para mapatunayan ang sarili niya. Hindi ako basta-bastang babae na nadadala ng kagwapuhan ng isang lalaking nasa harapan, kahit hindi ako kagandahan at sabi nila ay walang fashion taste, hindi ko pa rin ibababa ang sarili ko sa kwenta ko bilang babae.

Villareal #5: Rayless DaybreakUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum