Hindi nakasagot si Jana. Napayuko na lang siya.

"Are you sure?" Tanong ni Miguel habang nagmamaneho. Tumango lang si Josh bilang sagot. Bumaling naman siya sa akin. "You? Where do you want me to drop you, Snow?"

"Here." Wika ko.

"What? Why here?" Gulat na tanong ni Miguel.

"Because I want to. Isa pa, baka mag-adventure na lang kami ni Josh. Di ba?" I asked for Josh' approval and he quietly agreed.

Walang nagawa si Migs kundi ihinto ang sasakyan sa gilid ng high way. Panay ang pag-ikot ng mata ni Jana. Kating-kati na rin akong tusukin iyon ng kung ano mang bagay na matulis. Iniirapan niya rin ako sa tuwing titignan ko siya. Kung talagang mahal niya si Josh, bakit hindi siya gumawa ng paraan para makuha 'yung mahal niya? Hindi 'yung panay pagtataas lang ng kilay ang ginagawa niya. Ewan ko lang kung ano ang mararating noon.

Nagkakatitigan kami ni Josh pagkababa.

"Bakit ka sumunod sakin?" He asked. Sobrang init ng panahon. Wala kaming dalang payong.

I rolled my eyes. "Bawal?"

Hindi siya sumagot. Instead, he fetched for his phone. Kinuha ko rin ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Ver. Buti na lang at may signage sa paligid kaya alam ko kung saang lupalop kami. Nagpasundo ako.

Naglakad ako patungo sa isang waiting shed at doon ko naisipang maghintay. Sumunod naman siya sa akin. Wala pang 30 minutes ay nakarating din si Kuya Ver. I asked Josh if he wants us to drop him somewhere but he refused. Bahala siya.

"Are you sure you're okay here?" Tanong ko. "Alam mo, wala akong konsensiya. Hindi ako madadala sa pagpapakipot mo kaya kung gusto mong sumabay, sumabay ka na!"

Napailing siya. "I'll just stay here. I wanna think." Sabi nito.

"Bahala ka. Basta wag kang magpapakamatay ha. Si Jana lang 'yun, Josh. Marami pang iba. " Sabi ko saka pumasok sa kotse.

**

Pagkatapos ng opening ng Foundation Day ay hindi na ako pumasok. Pakiramdam ko ay mabobore lang ako doon. Isang linggo akong hindi pumasok at nagulat ako sa bumungad sa akin monday morning. Pagpasok ko pa lang classroom ay rinig ko na ang bangayan ng dalawa.

"Bakit mo ba ako sinusundan?! Have I told you that pink doesn't looks good on you?" Sigaw ng babae.

"I am not. Bakit mo ba pinapakialaman ang suot ko?" Sagot nung lalaki.

Nagtataka akong umupo sa upuan ko. Wala pa yung babaeng nasa gitna namin ni Jewel kaya kinausap ko siya. "Anong nangyayari? Bakit nag-aaway 'yang dalawa?" I asked pointing at the two who's already shouting things at each other.

She shrugged. "Ewan ko kung ano 'yung pinag-awayan nila. They started last tuesday. They're fighting over little things. Yung suot ni Jana, 'yung pabango ni Josh. Hindi rin sila nagpapansinan. Close na sila noon pa.So far, ito 'yung pinakamalalang away nila." Saad ni Jewel. Nagpapasalamat ako na madaldal siya dahil kung hindi, di ko malalaman ang mga bagay na ito. Kaya pala hindi na sila nagtataka na magkasama sina Josh at Jana palagi dahil ganon na pala sila noon pa.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now