2) Target

38.5K 825 26
                                    

Binasa ko ang profile ng nasa folder at kumunot ang noo habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking nasa folder. Somehow he's familiar. Si Deviant na nasa gilid kanina ng pinto ni Death Stalker ay lumabas na. Hinayaan kaming dalawang mag-usap dahil alam niyang private information ang paguusapan naming dalawa ni Death.

"James Trinidad, he's the successor of JT's Company, can you make it Black pearl?" Napaka seryosong tanong ni DeathStalker sakin pero ngumiti ako sa kaniya.

"Tinatanong mo talaga ko n'yan, Death?" Inirapan ko s'ya at inilipat ko ang tingin ko sa larawan na hawak-hawak ng kamay ko. "Paanong pag-patay ba ang gusto mo? Slowly?" Binigyan ko ulit ng ngiti si Death.

Pinadulas ko ang daliri ko sa larawan ng lalaking ito. Isang matipunong lalaki na may matatamis na ngiti, pero alam kong sa likod ng mga ngiti na 'yun ay may halong kasamaan din. Sa panahon ngayon, kahit kadugo mo maaring maging kaaway mo. Napaka-tanga mo kung magpapagamit ka. Kaya hindi ako nagpapaniwala sa mga taong kung makangiti ay akala mo kung sinong mababait.

Isang ideya agad ang pumasok sa isip ko habang binabasa ang profile ng taong sunod kong papatayin.

"Black pearl," Pagbabanta ni Death sakin, mukhang nabasa n'ya sa mga muka ko kung ano ang gusto kong gawin.

"What? You don't like my idea?" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya para hawakan ang kan'yang pisngi.

"I'm warning you.." Sabi n'ya ulit, natawa ko sa ekspresyon na nasa mukha niya kaya mas naengganyo akong asarin siya.

"Look at you Dea—" Hinatak n'ya ako palapit sa kan'ya at naramdaman doon ang higpit ng hawak n'ya sa kamay ko. Ang mga mata niya ay sobrang lapit sa mga mata ko. Nararamdaman ko rin ang mainit niyang hininga na malapit din sa bibig ko.

Nilabanan ko ang sarili ko na tignan kung gaano kalapit ang bibig niya sa'kin. I fought everything in me to keep myself looking at his eyes. Mga mata niyang gustong pasukin kung ano ang totoong nararamdaman ko, and somehow I won dahil nagawa ko pang ngumiti sa kaniya.

Sumulyap siya sa bibig kong umangat ang gilid dahil sa aking ngiti. Something changed in his eyes pero mabilis din iyong nawala, pakiramdam ko tuloy ay nasa imagination ko lang. Ibinalik niya ang tingin niya sa mga mata ko.

"Kahit kailan hindi ko hiniling na magkaganyan ka—" madiin ang bawat salitang binitawan niya. Ang kaninang nakangiti kong labi ay sumimangot. Mabilis din ako umalis sa harapan niya at inalis ang kamay niyang hawak-hawak ang palapulsuhan ko.

Hinimas ko ito dahil sa higpit nang pagkakahawak niya. Nakita ko rin kung paano bumaba ang tingin niya mula sa'kin papunta sa mga kamay ko, but I didn't bother to look at him again. Tinignan ko na lang ang palapulsuhan kong hinawakan niya kanina, at naisip ko...

Naramdaman ba niya ang bilis ng tibok ng puso ko kanina?

"But you turn me into one, Death," madiin kong sagot sa sinabi niya sa'kin.

Gusto kong ipaalala sakaniya araw-araw na ang taong nakikita niya ngayon ay kagagawan niya. Kahit na hindi naman. Gusto kong maramdaman niya ang pagsisisi sa tuwing dumadating ang balita na natapos ko ang misyon ko. Gusto kong sisihin niya ang sarili niya... sa isang bagay na hindi siya ang may kagagawan.

"Kill him within this week." Utos n'ya agad sa'kin. Gusto kong iangat ang tingin ko sakaniya para tignan ang mga mata niya dahil sa iniutos niya.

Hindi niya madalas pinapakielaman ang mga desisyon ko sa target ko at hindi siya kailanman nagbigay ng time limit kung hanggang kailan ko lang pwedeng gawin ang misyon ko.

Black PearlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon