3) Prey

33.9K 751 16
                                    

"Yuri!" Nilingon ko ang tumawag sakin. Isang babae ang tumatakbo papunta sa'kin at nahulog pa ang libro niya sa harapan ko. Yumuko ako at kinuha ang librong nahulog at iniabot sakaniya.

Sharmaine Garcia.  Her name is written on the first page of the book.

"Bakit?" Nakangiti kong tanong sakaniya nang kinuha niya ang libro na nasa kamay ko.

Ang maputi niyang kutis ang naging dahilan kung bakit naging visible sa paningin ko ang pamumula ng pisngi niya. She has those brown doe-eyes. Matangos ang ilong at mapupulang labi. Halos magkasing-tangkad kaming dalawa, at compared sa katawan ko ay mas matured ang katawan niya. Halata ito sa uniform na'min.

Madalas ko siyang kaklase simula nang pumasok ako sa eskwelahan na 'to, at napapansin ko rin ang pasulyap-sulyap niya sa'kin sa loob ng ilang taon. Hindi ako manhid para 'di maramdaman 'yun. At madalas niya rin akong nilalapitan kapag kailangan niya ng kapartner.

But in this school, I am no assassin. I am Kwon Yuri kung saan nakikita nila akong palaging nakangiti (kahit na napapagod na ako). The Kwon Yuri that once existed.

"Ah, kasi..." Pinagmasdan ko lang siyang nahihiya sa gustong sabihin. "Tayo na lang partner para sa thesis ha!"

Pinagmasdan ko ang mga mata niya kahit na nakangiti ako sakaniya. I don't know what she wants, pero kahit kailan ay hindi ako naging malapit sakaniya kahit na ilang beses niya akong ina-approach.

I drew a line between me us a long time ago. I don't want to be her friend. Ayokong mapalapit sa kahit na sino because I know what I am, and what I can do. Time will come na babalik sa'kin lahat ng ginagawa ko, I'm not dumb to not know that Karma's a bitch. What I'm doing right now will come back right at me in the future, pero wala akong pakielam. Not now dahil may importanteng bagay akong kailangan gawin. May mga buhay na kailangan kong tubusin dahil bulok ang sistema sa bansang ito.

"Sure," malambing kong sabi sakaniya. Lumaki ang ngiti niya at tumango ng maraming beses sa harapan ko. Kumaway ako sakaniya at tinalikuran na siya para makapaglakad na muli. Nginingitian ko ang bawat estudyanteng bumabati sa'kin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki kaya sinadya kong ihulog ang wallet ko habang nagkukunwaring may hinahanap sa loob ng bag ko.

Why he's here is one thing I have to find out. Ayon sa data niya ay sa all-boys school siya nagaaral at wala akong nahanap sa details niya na connection dito sa school ko.

"Miss, naiwan mo," nilingon ko ang taong humabol sa'kin para iabot ang wallet ko. Nakangiti kong inabot 'yun at nagpasalamat sakaniya,

"Thank you po," ngumiti lang ang lalaki sa'kin dahil sa sinabi ko pero napatitig ako sa mga ngiti niya.

Umangat ang tingin ko sa mga mata niya at kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang brown niyang mata na nakatingin sa'kin. Seeing him in person if very different on looking at his pictures.

Kumalabog ang puso ko dahil kilala ko ang mata niya. Kilala ko ang mata niya!

"You're welcome," sagot niya sa'kin bago nagpaalam at umalis na sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin at nang nawala siya sa paningin ko ay nag-materialize si Death Stalker sa dulo ng hallway kung saan nawala si James Trinidad.

Katulad ko ay naka-uniporme rin siya ng school. Matalim ang tingin niya sa'kin dahil sa reaksyon ko sa first encounter namin ni James.

Naglakad ako papunta sa dulo ng hallway, not to approach Death, pero para habulin si James Trinidad. Ngunit nang nagtagpo ang landas namin ni Death sa dulo ng hallway ay may binulong siya sa'kin.

Black PearlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon