4) Back Out

31.3K 654 12
                                    

Pinagmasdan ko ang wineglass na hawak-hawak ko na kumikinang dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Ipinatong ko ang mga binti ko sa upuan na nasa harapan ko at tumingala sa madilim na langit para pagmasdan ang kawalan.

Ang buhok ko ay sumayaw sa hangin, sinasabayan ang bawat ritmo ng hangin. Ang hawak kong baso ay iniangat ko para ilevel sa paningin ko. Nakikita ko doon ang repleksyon ng kabilugan ng buwan. Napagdesisyunan kong tumambay sa balcony ng unit ko para pagmasdan ang langit. Which what I do when I have many things to think about.

"And James Trinidad knows every damn detail inside. Even its hiding place."

Ipinikit ko ang mga mata ko at ibinaba ang wineglass sa lamesa na nasa tabi ko. Hinawakan ko pa ang noo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko sa mga bagay na iniisip ko.

Kahit kailan ay hindi ako binigyan ng target ni Annihilation dahil malinaw sakaniya na may usapan kami nila Death Stalker tungkol sa bawat misyon na gagawin ko. Ito ang unang pagkakataon na siya ang nagbigay ng pangalan. Wala pa itong koneksyon maliban sa bagay na malapit si James Trinidad kay Glenn.

And if it's all about the pouch, bakit ako ang inatasan ni Annihilation? Bakit hindi si Death Stalker? O hindi naman kaya ay si Deviant? Pupwede rin naman si Killer Doll na 'di ko alam kung nasaang lupalop ng mundo. Why do I think there's something else?

Tinanggap ko ang misyon dahil nakita ko ang bigat ng tingin ni Death Stalker nang sinabi ko sakaniya ang balak ko para maisagawa ang misyon ko.  Even if it's just a split second, nakita ko ang epekto sakaniya.

Huminga ako ng malalim at iminulat muli ang mga mata ko para pagmasdan ang kagandahan ng madilim na langit.

Nagring ang cellphone ko na nasa lamesa. Tamad ko iyong tinignan dahil sa ringtone pa lang alam ko na kung sino ang tumatawag. Hinayaan ko itong magring at nang natapos ay namatay rin ang ilaw ng cellphone ko. Wala pang limang segundo ay nagring itong muli.

What does he want?

Inabot ko ang cellphone dahil alam kong hindi siya titigil sa pagtawag hangga't 'di ko sinasagot. At kapag ito ay nakalimang ring na 'di ko sinasagot ay may kakatok na sa pinto ng unit ko.

Pinindot ko ang answer button bago itinapat sa tenga ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ko ang ginagawa kanina. Ang pagmasdan ang langit.

[Are you home?] malumanay niyang tanong mula sa kabilang linya.

"Hmm," sagot ko bilang oo. Narinig kong bumugtong hininga siya mula sa kabilang linya na naging dahilan para may tumusok sa puso ko.

Walang nagsalita sa loob ng ilang segundo o minuto. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal walang nagsasalita. Tinignan ko pa ang screen at nakita kong tumatakbo na ng apat na minuto ang tawag bago ko ibinalik sa tenga ko ang cellphone ko.

"Anong kailangan mo, Myeong Soo?" Walang gana kong tanong sakaniya kahit na nagpupuyos na ang damdamin ko.

[I want you.... to back out, Yuri,] tumalim ang tingin ko sa langit dahil sa narinig kong sinabi niya.

This isn't just about the pouch. Kung si Deviant ay kating-kati akong samahan sa misyon na 'to at kung ganito ang inaakto niya, malamang may kakaiba nga dito.

"Annihilation told you to give me this mission, Myeong Soo," idiniin ko ang pagbigkas sa pangalan niya para malaman niya kung gaano ako kagalit ngayon. "At hindi mo siya tinanggihan."

Black PearlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon