5) Still

28.9K 668 22
                                    



Inihatid ako ni Deviant sa private basement ng building ng hotel kung saan ako nakatira. Tinignan ko siya ng masama habang lumalabas ng sasakyan niya at padabog ko itong sinara.

"Yuri--"

"Shut up, Deviant," pigil ko sakaniya dahil nagagalit talaga ako ngayon. At kung hindi ako titigilan ni Deviant au baka batuhin ko siya ng dagger na nakatago sa hita ko.

"May dahilan kung bakit ka ipinasundo ni Death," pagpupumilit niya at sinalubong niya lang ang tingin ko sakaniya. Ang mga mata niya ay malalim at may magagandang hugis na hindi tulad nang kay Death, hindi ito singkit.

"Hindi mo hinintay matapos ang gagawin ko? Talagang pumapel ka," sagot ko sakaniya. Tinulak ko siya palayo sa'kin at nagsimulang maglakad. Binilisan niya ang paglalakad niya para masabayan ako sa paglalakad. Nang pumasok ako sa elevator ay mabilis din siyang pumasok.

"Makinig ka muna sa'kin, Yui."

"Tangina?" Nilingon ko siya dahil sa itinawag niya sa'kin. At talagang napamura ako. What the hell did he just call me?! Who the fuck...

"Yui--" mabilis kong kinuha ang dagger na nasa hita ko at idinikit iyon sa leeg niya. Ang isang kamay ko ay nasa kaliwang balikat niya to pin him on the wall, habang ang isang kamay ko ay hawak ang dagger na ngayon ay nakadikit sa leeg niya.

"Who do you think you are, Deviant?" Madiin kong tanong sakaniya. At wala akong pakielam kung may code sa organisasyon namin na bawal naming galawin ang isa't-isa, kayang-kaya ko siyang saktan ngayon sa galit na nararamdaman ko.

"Hindi ko intensyong sirain ang ginagawa mo kanina, nautusan lang akong kuhanin ka. At sinabi ay ASAP," pagpapaliwanag niya at para siyang walang pakielam sa kinapupuyos ang damdamin ko ngayon!

He just called me on my fucking nickname and he's acting like it's no big deal?! Wala akong pakielam kung isa siya sa mga nakakakilala sa'kin bago ako sumali dito! Wala siyang karapatan na kausapin ako na parang wala lang ang lahat. We were not friends!

Nagawa pa niyang iharang sa mukha ko ang cellphone niyang may text ni Kim Myeong Soo!

'Go and get Black Pearl. ASAP.'

Pumikit ako ng mariin bago hinawi ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko. Ibinalik ko ang dagger sa hita ko at pinindot ang numero kung nasaan ang unit ko.

"May kailangan daw pag-usapan kaya gusto nilang pumunta ka kaagad sa hideout. Pinasundo ka dahil alam naman naming lahat na 'di ka pupunta kaagad."

"Stop talking to me, Deviant," saway ko sakaniya.

Sumasakit talaga ang ulo ko kapag nakakasama ko sina Deviant at Death, that's why I'm trying my best to avoid them both in one situation! Isang tao na 'di ko maintindihan kung anong gustong sabihin, at isang tao na parang pinaglihi sa kabute sa sobrang gaslaw!

"Umalis ka na," sabi ko sakaniya nang bumukas ang elevator at naglakad na ako palabas para maglakad papunta sa unit ko. But I can hear his footsteps behind me. He's still following me.

Huminto ako at nilingon siya dahil mukhang wala siyang balak na umalis agad. Ano bang gusto niya? Bakit ba sa tuwing nandito siya ay wala siyang ginawa kundi bwisitin ako ng sagad?

Black PearlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon