19) Pandora's Box

19.1K 422 12
                                    

Hi!

This story has been transferred to Dreame! Kindly check my "about me section" for the link of the story. You can continue reading the story on that platform.

Thank you so much for supporting this story! Thank youuuu!~

~ ARA"Yuri.."

"Kuyaaaaaa!~" magiliw kong tawag sa pinsan ko na ngayon ay pasan-pasan ako. Tumawa ako dahil nilingon niya ako na may ngiti sa mga labi niya.

"Medyo bumigat ka ata ah?" Ngumuso agad ako dahil sa sinabi niya na tinawanan niya ng marahan bago niya inayos ang pagkakapasan sa'kin.

"Eh kasi sabi ni Daddy, tumangkad na raw ako," pagpapaliwanag ko sakaniya pero pinilit ko siyang payagan na ibaba ako. Marahan niya akong binaba sa sahig pero mabilis niya akong hinarap para tignan ang mukha kong pakiramdam ko bakas ang pagkakapahiya ko.

"Tatangkad ka talaga dahil 14 years old ka na, Yui," malambing niyang sabi sa'kin. Nang tinignan ko siya sa mga mata ay naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko.

"M-matanda na ba 'yun?" Mabilis akong yumuko at pinagmasdan ang mga kamay kong pinaglalaruan ang bawat isa. Nang hindi iyon naging sapat ay lumipat ang mga kamay ko sa palda ko at pinakiramdaman ang texture noon.

Napasinghap ako nang naramdaman ko ang mainit niyang palad sa ibabaw ng mga kamay ko. Hinawakan niya iyon ng marahan at nagawa pa niyang lumuhod sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin ko para maglevel ang paningin naming dalawa at nakita ko roon... ang init at punung-puno ng pagmamahal na para sa'kin.

"No matter what age you are in, Yui," malambing niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga mata ko. "You'll always be my princess."

Nanlaki ang mga mata ko roon na naging dahilan par sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. Iniangat niya ang kamay niya at hinawakan pa niya ang kaliwang pisngi ko.

"You'll always be my precious cousin."

"Kuya..."

"I won't get tired of protecting you."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at narealize ko kung ano ang nakita ko. Kung ano ang napanaginipan ko. Kung sino ang nandoon. At kung ano ang nangyari...

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inilapat ang palad ko sa dibdib ko para maramdaman ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito na parang tumakbo ng milya-milya.

Huminga ako ng malalim at pumikit para subukang burahin ang kung ano mang napanaginipan. Kung ano man ang nabubuhay na pakiramdam na pilit kong binabaon sa limot ngunit hindi ko mapagtagumpayan. Dahan-dahan lang tumulo ang mga luha ko sa pisngi ko. Dumami ang mga luha na tumulo na wala akong magawa kundi ang yakapin ang mga binti at yumuko roon para iiyak ang sakit at bigat na nararamdaman.

Napapanaginipan ko nanaman ang isa sa mga taong sobrang importante sa'kin dahil malapit na ang kaarawan ko. Ang isa... sa mga taong nawala noong birthday ko.

Kumunot ang noo ko nang narinig ko ang cellphone ko sa side table ko na nagriring. Iginilid ko ang mukha ko para tignan ang cellphone kong nagbibigay liwanag sa madilim kong kwarto dahil sa patuloy nitong pagring. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko kayang sagutin at makipag-usap sa taong tumatawag ngayon. Alam ko kung sino iyon at hindi ko kaya...

Hindi ko kayang ipaalam sakaniya kung ano ang napanaginipan ko ngayong gabi dahil alam ko... alam kong may ideya pa rin si Kim Myeong Soo na patuloy ko pa ring napapanaginipan ang pinsan ko kapag malapit na ang birthday ko.

Black PearlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon