21~CONVERSATION

1.5K 37 23
                                    

PLEASE READ BEFORE VOTE.

*LEE’s POV*

Nakakainis. Bakit pa siya pumunta dito? Ang usapan ako ng bahalang magsabi ng totoo kay Ate Catherine. Na ako ang kikilos. Gusto kong dahan-dahanin lahat dahil alam kong mabibigla siya. Gusto ko malaman kung ano ang nangyari sa kanya nung naaksidente siya, how she survived, and the rest.. Isa pa, gusto ko munang magpakilala sa kanya. Ayoko na maging stranger sa kanya, gusto ko maalala na niya ko.. pero hindi pa ngayon.. not now.

“Anong pinapabili ni Kylie?” tanong ni kuya Arthur.

Isa pa si kuya Arthur. Isa pang inosente. hindi ko alam kung may pakialam pa ba siya sa nakaraan niya, nakaraan namin. Kung alam niya ba ung nangyari nung umalis siya, nung araw na naaksidente si Ate Catherine.. Anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya?

“Chocolate rolls..” sagot ko sa kanya.

Kapag pinagmamasdan ko si Kylie kumain dito, un ang lagi niyang kinakain. Ok. Oo na. Sinusundan ko siya nung mga nakaraan araw -_-

TEKA NGA! Naguguluhan na ko! Hindi ko alam kung anong iisipin ko; Problema ko ba sa nakaraan namin? o ung present ko ngayon, si Kylie? Nakakainis naman! Kung kelan tinamaan ni kupido eh tska naman nakikisabay tong problema -_-

“Chocolate? Hindi kumakain un ng matamis. Ito bilin mo sa kanya.” sabay turo saken ng, ano ba tawag dito, malay ko.

Ayun na lang kinuha ko dahil un ang sabi ng KUYA niya. Syempre mas close sila kaya mas kilala niya si Kylie. Pero di talaga ko pwede magkamali, kumain talaga si Kylie ng chocolate rolls eh -__-

“Ikaw Selena? Ano sayo?” tanong ni kuya Arthur kay Selena, kay ate Selena.

Ang hirap magpanggap na hindi mo kilala ang isang tao, ang taong kasama mo. Ano ba kasing pumasok sa isip mo ate Selena. Ang linaw ng usapan eh -_-

Napatingin naman saken si Ate Selena. Ramdam niya siguro na nakatingin ako sa kanya.

Biglang niyang inalis ung tingin niya saken at tumingin sa mga pagkain.

“Ahmm, ito na lang Arthur. Salamat..” sagot niya kay kuya Arthur.

“Okay. Ako na magbabayad nito. Saglit lang..” sabay alis ni kuya Arthur.

Naiwan kaming dalawa.

Ngayon may time akong kausapin siya.

“Bakit ka lumapit sa kanila?” tanong ko sa kanya pero sa malayo ako nakatingin para hindi kami mahalata.

“Aksidente kong nakita si Arthur.. nung isang araw.. tinulungan niya ko..” sagot niya habang nakatingin din sa malayo.

“This will be the last ate. Hindi maganda na makipagclose ka sa kanila. Baka maalala ka nila or what..” sabi ko. Kung ako hindi matandaan ni ate Catherine, normal lang un dahil sobrang bata ko pa noon. Pero si Ate Selena , na halos kasabay nilang lumaki, siguro naman kahit konti maaalala niya pa din naman kung bibigyan  ng clues.

“I know Lee. I just miss my bestfriends so much. Trust me.” ngumiti siya tapos umalis na papuntang upuan namin.

Hindi ko mabasa si Ate Selena.

Ayoko lang na makialam siya dahil wala akong balak saktan si ate Catherine. Wala akong balak makasakit ng kahit na sino. Wala akong balak manira ng kahit anong relasyon.

Sumunod na ko sa kanya at umupo sa tabi ni Kylie.

“Bakit ang tagal mo?”

Sus. Namiss naman niya ko kagad J

Reserved for YOU ♥Where stories live. Discover now