32. Away from Home.

779 22 6
                                    

CHAPTER 32.

Wala na ba akong nakalimutan? Mmm.. Wala na naman siguro. Mga importanteng gamit lang naman ang dapat kong dalhin..

Naisip ko to kagabi, at siguro, tama lang na gawin ko ito. Way na rin to para hind imaging mabigat ang lahat. Hindi ko rin kayang tumira kasama si Papa ng wala kaming kibuan.

Isang maleta at isang bag pack ang dala ko. Bumaba na ako at nakita ko si Papa na nakaupo sa sala. Napatingin siya saken, tapos sa mga dala ko. Tumayo siya at lumapit saken, kinuha niya kagad ung maleta sa kamay ko..

“Anak –“

“Papa please. Makinig ka muna.” I said with a pleading voice.

Huminga siya ng malalim at hindi na sumagot, hudyat siguro na pinapabayaan niya akong iexplain kung ano man ang nakikita niya ngayon.

“Papa, I think it will be better this way. You know.. me, finding myself.. alone..” panimula ko. Pinipigilan kong umiyak. Ugh! Hindi ba mauubos tong luha na to? We’ve never had this kind of conversation.. tapos sa gantong pagkakataon pa. “Mag-iingat ako Pa. Kaya ko naman mag-isa eh. In this way, makakapag-isip po ako ng mas maayos.. Realized things.. and be better..”

“Anak, you don’t have to be better. You are already at your best. You are perfect..” at alam kong pinipigil niya din ang  luha niya. “I’ll let you go.. in one condition.” dagdag niya.

Ha? Hindi ko alam na papayag ng ganun kadali si Papa. Akala ko pahirapan pa to.

“Anu po yun?” tanong ko.

Umakyat siya sa taas, I think sa kwarto niya, and in a minute or two, nasa harap ko na ulit siya.

“You will take this.” sabay abot niya saken ng isang maliit na box.

Ano ito? Binuksan ko na kagad at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa laman ng box at kay Papa.

“I’ll let you go, be alone and independent in a short time, but you have to take and use that.” sabi niya.

Seriously?!

“Pero Papa, may pera naman po ako.. May ipon po ako.. I do-“

“That is actually my birthday present for you.. For your 18th birthday.. Pero I’ll give that to you in advance.. Hindi ko alam kung babalik ka dito sa birthday mo..” malungkot niyang sabi.

Naalala ko… Less than a week, birthday ko na pala..

“Pa..”

“Take your time anak. Just come home kapag ready ka na o gusto mo na.. Lagi naman bukas ang bahay natin.. And I want to say sorry, for everything.. For keeping away things to you. Alam ko hindi mo pa naiintindihan ngayon, but surely you’ll realized that things happen for a reason.. Take care anak. Please, take care..”

“Thank you Pa, for trusting me..”

“No, anak. I didn’t trust you enough. Kung pinagkatiwalaan kita noon pa lang, hindi ko na sana tinago lahat ng to. Also, may address na nakaipit kasama dyan sa credit card mo. Puntahan mo yan.” sabi niya.

“Credit card ko? Wow Pa.. I can’t believe may credit card na ko.. Hahaha!” pagpapatawa ko sa kanya.

“Haha. Yes it’s yours. It’s under your name. Wag mong hahayaang magutom ang sarili mo. Tumira ka sa maayos na lugar. Kahit labag sa loob ko to, pakiramdam ko wala akong karapatang pigilan ka anak..”

“Papa, I will come back. Hindi naman po ako naglalayas eh.. I just need some time alone. And.. and to be okay..” hindi ko alam kung ano pang dapat kong sabihin.

Reserved for YOU ♥Where stories live. Discover now