34~He's back, and fine.

912 39 28
                                    

Chapter 34.

Limang araw na din pagkatapos kong makilala si Mama. Dito pa din ako nakatira sa bahay niya at sa loob ng napaka-ikling panahon, ang dami kong nalaman sa kanya, sa kanila ni Papa, sa naging buhay niya nung siya na lang mag-isa, ung relationship niya kay Tita Rina, at syempre kay Arthur..

Speaking of, walang paramdam si Arthur simula nung gabing nagfreak-out ako sa harap nilang lahat. Oo. Freak-out ngang maitatawag ang ginawa kong yun, ngayon ko lang narealize. Napakadami kong naintindihan nung umalis ako sa bahay… mga pagkakamali ng iba sa akin, at syempre, ung mga naging pagkakamali ko sa kanila.

Hindi lang din si Arthur ang walang paramdam. Si Kylie, si Lee, si Selena, wala din. Even my bestfriend Andrea, wala din. Minsan sumasagi sa isip ko, bakit hindi nila ako kinukulit? Bakit hindi ako binabaha ng ‘sorry’ messages at calls? Bakit di ko maramdaman na hinahabol ako? Hindi ba dapat ganun ang lagay ko ngayon kasi nga nagsinungaling sila sa akin? Di ba dapat they’re begging for my forgiveness? Pero sa kabilang banda naiisip ko din na, bakit naman nila yun gagawin? After ko silang ipagtabuyan at sabihing wag na nila akong kakausapin, bakit kailangan ko pa mag-expect na lalapitan pa nila ako?

Ang gulo ko noh? Pero ang dami ko talagang narealize.. I should’ve think twice.. pero hindi din naman nila ako masisisi kasi galit ako noon.. Hindi ako makapag-isip ng maayos at tama. Hay.

Si Arthur.. hindi niya na ba ako naiisip ngayon? Kaya niya na bang wala ako? kaya niya na wala na ako sa buhay niya? Kasi ako hindi eh.. siguro nung araw na un napakatapang kong sabihin na ayoko na sa kanya, pero nagsisisi na ko ngayon.. Napatunayan kong hindi ko pala kaya.. If I could just turn back the time.. pero naisip ko ulit, kung hindi un nangyari, things won’t be like this.. hindi ko makikilala si Mama.

Ang dami kong naiisip! ganto ata pag brokenhearted eh </3

“Anak, nagustuhan mo ba ung mga pinamili natin?” napatigil ako sa pagmumuni-muni ng tanungin ako ni Mama.

Heto kami, kakatapos lang kumain ng dinner at kumakain na ng ice cream.. Galing kami sa mall at namili ng mga damit, bag, girly stuff! Sa totoo lang, dapat maglulunch lang kami sa labas kanina, kaso napunta kami sa mall at sabi niya bibilan niya daw ako ng regalo dahil birthday ko na bukas.. Tuwang-tuwa si mama at hindi ko maikakaila na masayang-masaya din ako.. although I felt something missing.

“Oo naman Ma. Nga po pala, kailan po natin ibibigay kay Papa ung mga binili natin para sa kanya?” tanong ko.

Pati kasi si Papa binilan namin. Actually, kinulit ko si Mama. I told her a lot of things about Papa. Yung mga ayaw, gusto, favorite at kung ano ano pa mula sa pagkain, bagay, tao, hayop, pangyayari. haha. Parang Pinoy Henyo lang. Sinabi ko un para naman pag nagsama-sama na kami, hindi na mahihirapan si Mama. Yes, I’m still hoping they’ll come back to each other’s arms and we will be a happy family. Marami ng panahon ang nasayang sa kanilang dalawa, at hindi ako papayag na hindi ko sila mapagbati.

“Ah anak.. You can give it to him pag dinalaw mo siya..” a bittersmile flash on her face.

“Ma, hindi ako ang magbibigay nun.. Ikaw po..” nakangiting sabi ko.

Reserved for YOU ♥Where stories live. Discover now