Pahina #17

4 2 0
                                    

TEOFILA

" Binibining tragedy. " tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Hinarap ko si Pancho na malawak ang  pagkakangiti sakin.

" Anong ginagawa mo dito? " mataray at nakataas kilay kong sabi sa kaniya.

" Ang sungit mo naman, mine. Haha. " malawak ang ngiti nito sakin na inismiran ko lang. Anong akala niya bati na kami? Hell no! Matapos niya kong talikuran at snobin ng dalawang linggo mahigit ngingitian lang niya ko. Huh! Who you ka sakin. Hindi ko siya pinansin at humigop ako sa tasa na may lamang kape. Ala singko ng umaga ngayon kaya himala nga at nag deliver ng gatas ang hambog. Eh saktong nasa sala ako at nagbabasa ng libro at humihigop ng mainit na kape.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa pero ramdam ko ang paglapit niya at paghila niya ng upuan sa tabi ko. Feeling at home talaga ang kumag. Pero hindi ko pa din siya pinansin dahil bwisit ako sa kaniya. Tumikhim ito.

" Oh aking binibini, ako sana'y pansinin,
   Ako'y nalulungkot, hiling ko sana'y dinggin,
   Ako ay patawarin sa kasalanang nagawa,
   Hindi ka ba naawa sa gwapo kong mukha? "

Tula nito na nagpatawa sakin ng bahagya pero agad ko ding binawi dahil baka isipin nito bati na kami.

" Uy, ngumiti siya. Tara sama ka sakin, binibining tragedy. " sabi niya at sinundot ang tagliran ko kaya napa-igtad ako.

" Pancho! " sita ko ng ulitin niya ulit ng paulit-ulit hanggang sa nauwi sa kilitian. Anak ng!

" W-Walangya ka, Pancho! T-tama na. " putol-putol na sabi ko dahil sa pinaghalong hingal at tawa. Hawak niya parehas ang magkabila kong palapulsuhan habang hinihingal pa din ako.

" Ano. Bati na ba tayo? Tara sama ka na sakin please? Tara mag date. Namiss kita sobra. " pagpapa cute nito sakin at pinangko ako. Aalma pa dapat ako pero dahil nanghihina pa sa kilitian na nangyari nagpaubaya na ako. Mabuti at maayos ang suot ko at nakaligo na din ako. Hindi nga lang ako nakapag suklay pero ayos lang.

" Saan mo ba ko dadalhin? " tanong ko dito.

" Sa hotel. Tara gawa tayo ng project. " natawa ito sa sinabi niya. Ano naman kaya ang nakakatawa doon?

" Anong project? May nakakatawa ba? Saan ka ba galing at mukhang nabahiran ng masamang impluwensya yang utak mo? " tanong ko dito.

" Project, mine. Tara gumawa ng bata sami---aray! Ang bigat ng kamay mo, binibining tragedy. Nakalas yata buto ko sa balikat. " inda niya ng hampasin ko siya ng malakas.

" Puro ka kalokohan, Pancho. "

Ibinaba niya ako sa tapat ng bisikleta kung saan nakaparada ito. Inalis niya ang lock at sumakay doon. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa pag-angkas.

" Tara sa favorite place mo. " sabi niya na medyo naguluhan ako. Saan nga ba ang favorite place ko. Dalawa yon eh. Doon ba sa rice fields o doon sa sunflower farm. Nagsimula siya sa pagpedal kaya iniyakap ko na ang mga braso ko sa beywang niya.

At ayon nga nakarating kami sa rice fields. Bakit dito? Hindi ba dapat doon sa sunflower farm?

" Bakit tayo nandito? " tanong ko. Hindi sa nagrereklamo ako ah pero bakit dito?

" Wala lang. Naalala ko kasi na dito ang lugar kung saan una tayo nagkita. " paliwanag niya na may malawak na ngiti sa labi at nag-init naman ang pisngi ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

" Heh. Bolero. Bakit nga kasi nandito tayo? " tanong ko ulit sa kaniya.

" Date nga, binibining tragedy. Saglit lang ha hintayin mo ako dito may kukunin lang ako. " paalam niya at iniwan ako.

TRAGEDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon