Pahina #5

6 3 0
                                    

TEOFILA

Napahinto ako sa paglakad ng dumaan ang nakakatakot na kidlat sa langit. Badtrip! Takot ako don!

" Oh bakit? May problema ba? " nilingon ko si hambog. Nakalimutan ko kasama ko nga pala siya. Napahinto din pala ito kagaya ko. Sinuri niya ako na may halong pag-aalala sa mata. Ngayon ko lang napansin na light brown pala ang kulay ng mata nito. Napatagal ang titig ko don at nung kumurap ito...

Agad akong lumingon sa ibang direksyon para iwasan yung tingin niya. Nakakailang kasi saka masyado siyang malapit.

" W-Wala. Natakot lang ako sa kidlat. " mahinang sabi ko. Nakakahiya! Strike three na ko. Ang yabang ko kung umasta tapos takot ako sa kidlat at isa pa tinitigan ko yung mata niya ng matagal!

Ilang sandali ang lumipas bago ito gumalaw. Isinara nito ang payong.

" H-Hoy. Anong ginagawa mo? " tanong ko matapos niyang iligpit ang payong. Inabot niya sakin yon at kinuha sakin ang bisikleta at sumakay doon. Kinuha niya din ang bag ko at inilagay sa basket.

" Halika ka na umangkas ka na. Mahina na ulit ang ulan kaya dali na sakay na. Takot ka sa kidlat diba? Gamitin na natin 'tong bike mo para mabilis kitang maihatid. Kapag ganiyan pa naman ang panahon at mahina ang ulan malalakas ang kidlat. Kaya dali na. " may pagmamadali sa boses nito. At hindi ako agad nakapag react doon. Si hambog ba talaga itong kasama ko? Napatanga ako sa harap niya.

" Binibining Tragedy, gusto mo pa bang tamaan tayo ng kidlat bago ka sumakay? " muli nitong sabi sakin kaya naman natauhan ako at umangkas sa likod. May bakal pa kasing kadugtong yung bike ko sa likod kaya pwede kang mag-angkas pa ng isa. 

Nagsimula itong mag pidal ng mabilis kaya napakapit ako sa damit nito sa magkabilang gilid. Actually yung kapit ko parang wala din. Bahagya lang kasi itong nakadikit dun sa damit niya.

" Hindi dapat ganiyan ang kapit, mine, mahuhulog ka. Dapat ganito. " Gamit ang kaliwang kamay ay ikinapit niya sa bewang niya ang magkabilang kamay ko in short yakap ko siya.

" H-Hindi naman ako mahuhulog. " sabi ko at aalisin sana ang kamay pero pinigilan niya.

" Don't spoil the dream, mine. " sa tingin ko ay nakabusangot siya kaya naging medyo inis yung sagot. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na ganon ang kamay ko. Hinigpitan ko para wala na siyang masabi.

Nagtuloy siya sa pag pidal kaya mabilis kaming nakapunta sa tapat ng kawayan na gate ng bahay namin. Hindi ko na kinailangan pang ituro sa kaniya kung saan ako nakatira dahil tuwing umaga naman ay nagde deliver siya ng gatas ng kalabaw sa amin.

Bumaba ako sa bisikleta at lumapit sa kawayang gate para buksan. Nakita ko si nanay na nag-aantay sa terrace. Tumayo ito at kumuha ng payong para salubungin ako.

Nag mano ako dito. Pagka angat ko ng tingin ay hindi ito sakin nakatingin lagpas sakin at diretso sa likod ko. Napapikit ako dahil na sa likod ko pa nga pala si hambog.

" Magandang gabi ho, Tita Trinidad. " magalang na bati nito kay nanay. Tita? Feeling close eh no. At saka paano niya nalaman ang pangalan ni nanay?

" Magandang gabi din, hijo. Ikaw ba ang naghatid dito sa dalaga ko? " tanong ni nanay dito. Tumango naman ang huli.

" Maraming salamat kung ganon. Halika pasok ka sa loob at dito ka na maghapunan. " Pag-aalok ni nanay na mabilis ko sanang pipigilan ng kurutin nito ang tagliran ko. Lumapit ito at bumulong.

" Huwag ka ng kumontra, Teofila. Nag magandang loob na nga yung tao na ihatid ka paalisin mo pa. Hindi kita tinuruan ng ganiyan ah. Behave! " bulong ni nanay sakin na parang may kausap lang na isang batang paslit. Sinimangutan ko ito habang hinihilot ang nasaktang tagliran.

TRAGEDYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz