Pahina #7

7 3 0
                                    

TEOFILA

" Teofila, ano ba yan. Mapupunit na yang labi mo kakangiti. " biglang sabi ni nanay kaya binalingan ko ito ng tingin  naglalagay ito ng cream sa mukha. Matutulog na kasi kami gabi na at simula nung makuha at mabasa ko kanina yung note hindi na mawala sa labi ko ang ngiti. Iginuhit ko pa nga yung coat, paper bag, saka yung flat tops. Parang nawala lahat yung masamang nangyari sakin kanina. Yung tatlong piraso ng flat tops kinain ko pero yung balat itinabi ko. Inipit ko sa isang libro para maunat.

" Maglagay ka na lang ng cream sa mukha, nay, huwag mo na lang akong pansinin. " sagot ko dito at matik na napangiti na naman.

" Paano kong hindi papansinin eh para kang manyakis diyan na nakakita ng prospect. " sabi nito na nagpawala sa ngiti ko.

" Grabe ka naman, nay, basag trip ka na nga ginawa mo pa kong manyak. Masaya lang ako, nay, huwag mo na lang kasi akong tignan magpaganda ka na lang diyan. " sabi ko ulit dito.

" Ewan ko sayo. Ikaw ha may hindi ka sinasabi sakin. Ano na naman 'tong nabalitaan ko na may mga tao na naman na nanggulo sayo. " pang-iiba nito sa usapan. Tuluyan ng nawala yung ngiti sa labi ko dahil doon. Sino bang chismosa ang mahilig magsabi ng nangyayari sakin kay nanay.

" Ah 'yon ba nay? Eh may humarang kasi sakin na apat na bruskong lalaki kanina. May sinabi sila na nagpainit ng ulo ko at tinangka din nila akong saktan kaya ayon ipinagtanggol ko lang sarili ko. Ayon nakatikim sila ng double kill sakin. " pinaikli ko na lang yung nangyari sakin kanina. Hindi ko na din sinabi yung mga pang-iinsulto nila dahil baka tumaas lang ang presyon ni nanay.

" Very good! Ano sinira mo ba yung mukha? Pinadugo mo ba yung ilong? Binawasan mo ng ngipin? Yung turo ko sayo ginawa mo ba? " Napatawa ako sa sinabi nito. Brutal talaga eh. Mabuti at hindi na nito tinanong kung ano yung nagpa-init sa ulo ko.

" Haha. Yun nga, nay eh. Yung tinuro mo lang sakin yung nagawa ko. Sinipa ko lang yung mga junjun nila. Wala na po akong time para sirain yung mukha nila saka sira naman na. Haha. " Nagtawanan kaming dalawa ni nanay.

" Good job, anak. Basta tandaan mo ha. Huwag mong hahayaan na apihin ka. Basta alam mo na nasa tama ka kay matanda pa yan o presidente ng pilipinas basta nasa katwiran ka huwag mong hahayaan na maapakan ka nila at idikdik sa lupa. " malalim na sabi nito.

" Hala ang seryoso mo naman masyado, nay haha. Pero opo talagang hindi ako papaapi para saan pa at naging anak ako ni Trinidad Agustin kung duwag ako diba? " sabi ko at lumapit dito saka niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako ng mahigpit pabalik.

" I love you, nanay. " sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi.

" I love you too, anak. Sige na tara nang matulog at maaga pa tayo bukas. " sabi nito at ayon nga nahiga na kami at tabing natulog. Yumakap ako kay nanay at sumiksik sa kaniya. Gusto ko talaga yung lagi kaming ganito ni nanay. Masaya at wala masyadong iniisip. Sana wala ng manggulo pa sa buhay namin. 

-----

Tumunog ang alarm ng cellphone ko kaya bumangon na ako. Nagmumog lang ako at hindi muna naghilamos dahil sabi ng matatanda nakakalabo daw ng mata. Ala singko pa lang ng umaga. Maaga akong bumangon para magluto ng almusal. Ako ang taya ngayon eh. Isinangag ko yung kaning lamig kagabi para hindi na magsaing. Kumuha din ako ng hotdog at itlog sa ref para iprito.

Nag-init din ako ng tubig para sa kape na titimplahin. Nakagawian na namin ni nanay na kapag maga-almusal ay may kasamang kape. Nadinig ko din yung potpot ng magpapandesal kaya lumabas ako sa bahay para abangan ito.

Bumili ako ng bente pesos na pandesal kay manong. Pagkatapos non ay pumasok ako sa gate pero may tumikhim. Agad kong nilingon kung sino ito. Si Pancho! Nakatingin ito ng diretso sakin. Tinignan ako mula ulo hanggang paa at dumilim ang anyo kagaya nung itsura niya nung umalis siya ng gabing 'yon.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now