Pahina #14

5 3 0
                                    

TEOFILA

Tinignan ko ang clock dito sa loob ng coffee shop. Katatapos lang namin labhan at isampay ni Calamity ang mga puting tela kaya ngayon naman ay pinupunasan naman namin ang mga lamesa at upuan. It's already 2:00 o clock in the afternoon. One hour na lang at pupuntahan ko na si Juancho the hambog sa kaniyang opisina.

Inilibot ko ang tingin. Ano kaya ang magandang gawing ayos dito sa coffee shop? Dapat ba namin lagyan ng mini shelves dito sa loob para may entertainment kahit papano ang mga tao dito kapag nagkape sila? Ano sa tingin niyo? Binalingan ko ng tingin si Calamity.

" Ahm.. Calamity. Sa tingin mo ba maganda kung lalagyan natin ng mga mini shelves itong loob ng coffee shop? " tanong ko dito. Huminto ito sa ginagawa at bumaling sakin. Napaisip ito. Kapag nakikita ko 'tong si Calamity parang nakikita ko ang sarili ko sa kaniya sa style ng damit at ugali almost the same hindi kaya nawawalang kapatid ko 'to? Haha. Charing!

" Oo. Siguro nga mas maganda kung mayroon nga. Mahilig din ako magbasa ng libro at adik din ako sa kape magandang combination nga iyon kung sakali. Bakit mo naman naitanong? " tanong nito pabalik sakin.

" Wala lang. Napaisip kasi ako bigla kung ano ang magandang gawing ayos dito sa coffee shop. Kita mo naman diba ang creepy niya. At creepy din ang lugar na pinagtatayuan. Nag-iisip ako ng magandang gawin para maging attractive siya sa tao. Although ang weird din ng mga tao dito. Pero napansin ko kasi na mukhang itong coffee shop na lang ang hindi nag-evolve eh. Kita mo yung mga ibang shop and buildings diyan sa tabi. Ang gaganda at dinadayo ng mga tao. Kaya napaisip ako kung bakit itong coffee parang hindi man lang yata threatened sa kanila? "  sabi ko.

" Kung sa bagay tama ka nga. Ako din nagtataka pero hindi tayo ang magde decide about don diba? Yung mga lintik na mayayaman ang may karapatan about diyan. Hamak na utusan lang nila tayo. Tsk. " biglang sumama ang tono nito ng mabanggit ang about sa mayayaman. Oohhh... I smell something fishy about this girl.

" Galit ka din sa mayayaman? " tanong ko dito. I mentally smiled. Magtatayo na ba ko ng club? Hahaha...

" Din? So meaning ikaw din? " tumango ako sa sinabi nito. Tapos non ay nag kwentuhan na kami about sa mga hinaing namin habang nagtatrabaho. So far iisa lang ang tingin namin sa mayayaman. We both hate them. Matagal kaming nagkwentuhan at napatingin ako sa orasan only to find out na isang minuto na lang bago mag alas tres. Kaya naman nag-paalam na ako kay Calamity para magpalit ng damit at puntahan ang hambog. Nagtataka nga ako kung bakit ako ang kailangan tumulong sa kaniya imbis na si manager. Ano si manager dito props lang?

Kumatok ako bago pumasok tapos ayon nakita ko na hindi man lang nabago ang pwesto nito kanina. Lunod pa din ito sa mga papeles na binabasa at may ilang mug na din ako ng kape na nakita sa tabi nito. Hindi ba siya kumain o kaya umalis man lang sa pwesto niya kanina?

" Boss. " tawag ko sa pansin nito. Hindi ako nito pinansin at focus pa din ito sa binabasa. Kaya lumapit ako sa mesa niya at hinampas ang kamay ko dito. Nagulat ito kaya naalis ang shades pero mabilis pa sa kidlat ang ginawa nitong pagyuko at agad din niya ding pinulot ang shades at isinuot kaya hindi ko din nakita ang mga mata niya. Kumuha ito ng papel at nagsulat doon ng mabilis.

What the fuck is your problem? You startled me!

Aba ang lolo niyo high blood. Sige pagbigyan menopausal na kasi. Tsk. Hindi ko na lang pinansin ang sinulat niya kahit pa may mura doon. Wala ako sa mood para patulan ang katangahan niya ngayon kaya ignore ignore na lang muna saka pagod ako. Umupo ako sa upuan sa tabi ng table niya kahit pa hindi niya ko pinapaupo. Bastos ba? Paki niyo! Nakatingin lang ito sakin kaya nagsalita ako.

" Ano ho ba ang maitutulong ko, boss? " sabi ko at kumuha ng isang file na naka paper clip. Unang tingin pa lang ay makikita mo na isa itong past transactions ng coffee shop. May mga financial statements ito doon.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now