Pahina #9

6 3 0
                                    

TEOFILA

Sabado na at eto ako at tinutulungan si nanay na gumawa at magbalot ng mga putong puti. Sa ngayon ay nakaka benteng balot na kami.

Maaga kaming gumising ni nanay para gawin lahat ito. Kaya naghihikab hikab pa ako.

" Teofila, anak. Ikaw ang magdeliver nitong limang balot kay Mrs. Santos doon sa pinagtatrabahuhan mo ano? Ako na ang bahala dito sa iba. " napatingin ako kay nanay na ewan ko pero parang medyo wala siya sa sarili niya ngayon.

" Sige ho, nay, pero ayos lang po ba kayo? Bakit ang tamlay niyo yata. " tanong ko kay nanay matapos maibalot ang huling balot ng putong puti. Medyo natulala pa saglit si nanay bago sumagot.

" A-Ah wala 'to, nak. Inaantok lang siguro ako. Alam mo na medyo tumatanda na. " sabi nito sakin at pumunta sa ref para uminom ng tubig.

" Sigurado ka, nay, ah. Baka naman ho may hindi ka sinasabi sakin. " nagdududa kong tanong dito. Napainom ulit ito sa baso.

" W-Wala ano ka ba. Inaantok lang talaga ako. Sige na tayo ng gumayak ng mai-deliver na natin ang mga ito. " sagot lang nito at tumalikod na. Hindi ko alam pero alam ko na may hindi sinasabi sakin si nanay. Sige sa ngayon palalagpasin ko muna. Saka ko na siya kukulitin.

" Nay, sigurado kang kaya mo na iyan? Pwede pa naman ho ako mag deliver sa iba pa. Ang dami pa niyan oh. " sabi ko at turo doon sa bitbit niyang puto.

" Hindi na, nak, kaya ko na ito. Saka day off mo ngayon tama na iyang dala mo. Sige na alis na para makapunta ka na doon sa tambayan mo. " sabi ni nanay at sumakay na sa tricycle na inarkila para dalin siya sa mga bahay ng pagde-deliveran niya. Balisa si nanay at pansin ko yon. Mamaya talaga pag-uwi ko tatanungin ko siya. Hindi pwedeng ganito at baka mapano pa si nanay.

Tinanaw ko ang tricycle na sinakyan ni nanay. Nung nawala na ito sa paningin ko ay saka lamang ako umalis.

Binaybay ko ang daan papunta sa library. Natanawan ko agad si mang gerry na nagkakape. Ihininto ko ang bisikleta at ipinarada sa gilid.

" Kamusta ho, mang gerry, ito oh puto. Tamang-tama para sa mainit na kape. " sabi ko kay mang gerry at ibinigay ang isang balot na dala. Sinadya ko talaga na magdala ng sobra para ibigay dito. Lablab ko si mang gerry eh kaya ganon. Haha.

" Ay maraming salamat, Teofila. Sa susunod ako naman ang manlilibre sayo. " malawak ang ngiti na sabi nito sakin.

" Ay si mang gerry, oh. Wala ho yan kapalit. Haha. Sige ho pasok na ko ng mai-deliver na ito kay Mrs. Santos. " sabi ko at pumasok na sa loob. Nandito kaya si Pancho? Ilang araw ko na din 'yon di nakikita ah. Saang lupalop kaya naglibot ang hambog?

Habang naglalakad ako ay ipinagdadasal ko na hindi ko makita si hambog #2. Pambihira naman kasi. Saka ko lang napag-isip isip yung mga sinabi ko sa kaniya kahapon. Diyos ko. Anak siya ni Mrs. Santos kaya dapat hindi ko na pinatulan. Tapos yung girlfriend niya nasaktan ko din. Kagabi lang nag sink in lahat nung ka-abnormalan kong ginawa. Kaya sana ay hindi kami magkita ngayon. Di ko kasi alam kung kaya ko pang magtapang tapangan sa harap niya.

Naipon kasi lahat ng bwisit ko. Una late ako. Pangalawa nasaktan yung puwet at balakang ko. Pangatlo ang yabang at hambog niya. Tinawag pa niya kong clumsy. Pang-apat pagiging babaero niya na wala sa lugar. At panghuli isa siyang mayaman! Kaya ayon sumabog ako. Sana talaga hindi kami magkita ngayon.

Mabilis ang ginawa kong lakad papunta sa office ni Mrs. Santos. Baka kasi nandito lang sa paligid yung hambog #2 eh di nagkanda leche leche na. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si Mrs. Santos na sumisimsim ng kape sa kaniyang sosyal na tasa. Nag-angat ito ng tingin sakin. Medyo nabigla ako ng magtama ang mga mata namin. Seryoso ito at ngayon ko lang napansin na ang gloomy ng paligid. Nakakakaba. Hindi ganito 'to nung nag deliver ako sa kaniya dati.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now