Pahina #2

9 4 1
                                    

TEOFILA

" Mano po, nay. " sabi ko at nagmano kay nanay pagkapasok ko sa bahay.

" Kaawaan ka ng diyos. Kamusta araw mo nak? Balita ko'y may kinawawa ka na naman diyan sa daan. " sabi nito at pumunta sa kusina para maghain ng hapunan. Ibinaba ko ang bag at lumapit din doon para tulungan siya.

" Anong kinawawa, nay? Grabe ah. Saan mo naman yan nabalitaan? " tanong ko dito habang inilalapag sa lamesa ang mga plato at kutsara.

" Sabi sakin ni Aling Rosa diyan eh ipinahiya mo daw si Mrs. Tan. Ikaw Teofila ah. Hindi kita pinalaking ganiyan. " seryosong saad nito sakin. Nilingon ko ito at nginitian.

" Si nanay naman. Ikaw nga ang nagturo sakin na kapag nasa katwiran ako ipaglaban ko. Eh nasa tama naman ako kaya ayon ipinaglaban ko lang sarili ko. " Proud na sabi ko at pumunta sa tapat ng ref para kumuha ng tubig.

" Ano ba kasi ang nangyari kung ganon? " sabi nito na hindi kumbinsido sa sinagot ko. Naamoy ko ang mabangong adobo na hinain nito sa mesa. Yeah baby! Adobong baboy with pusit. Hmmn...

" Kasi nay, ganito. Naglalakad ako papunta sa trabaho ng biglang harangin ako ng mga lalaking naka unipormeng itim. Tapos may biglang babae na lumabas kasing edaran niyo lang at bigla akong sinampal ng dalawang beses. Eh kilala niyo naman ako. Nananahimik ako tapos bigla na lang akong sasampalin. So eh di ayon pinaluhod ko sa harap ko saka pinagsalitaan ng mga salitang papasok ng diretso sa kukote niya. Kaya pala ako sinampal nay, eh anak pala non yung manliligaw kong uling kahapon na napaiyak ko dahil ni-reject ko. " Pagsusumbong ko kay nanay na tahimik lang kaya binalingan ko ng tingin.

" Nay? Yoohoo! " Kaway ko kay nanay dahil natulala ito matapos kong mag kwento. Nagulat ako ng umigkas ang kamay nito at hampasin ako sa braso.

" Aray naman, nay! " reklamo ko at hinimas ang braso.

" Ikaw na bata ka! Mali yung ginawa mo! Hindi dapat ganon ang ginawa mo! Hindi ganon ang turo ko sayo diba. Ang turo ko sayo kapag sinampal ka ng dalawang beses ibalik mo ng sampung beses! Pinaluhod mo? Mali! Dapat nginudngod mo sa simento. Grabe ang Mrs. Tan na yan. Anong karapatan niyang sampalin ka ng ganon? Ikuha mo nga ako ng tubig at gamot! Tumataas ang presyon ko! " Namumula ang mukhang saad nito sakin. Halatang galit kaya sinunod ko ang utos nito.

" Oh ito nay, inumin mo na. Chill ka lang. Haha. Nakaganti naman na ko. Relax, sige ka magkaka wrinkles ka niyan. " natatawa kong sabi habang hinahagod ang likod nito.

" Huwag ko lang makita ang Mrs. Tan na yan naku! " natawa na lang ako ulit at iginaya na ito sa upuan at nagsimula kaming kumain ng hapunan.

" Love you, nay. Ngiti ka na. Kalimutan mo na yon. Haha. " sabi ko at sumubo na ng kanin.

" Love you too, nak. Sige na kumain ka ng madami ang payat mo na. " sagot nito pabalik na lalong nagpalawak sa ngiti ko.

----

Sabado ngayon at day off ko kaya naman tinapos ko lahat ng gawain sa bahay bago ako tumulak sa rice fields na tambayan ko.

" Nay! Alis ho muna ako babalik ho ako bago mananghalian. " Sabi ko kay nanay na nagtatanim ng bonsai.

" Sige nak. Mag-ingat ka ah. Huwag kang gagawa ng gulo. Kapag may humarang layasan mo. Kapag nangulit sapakin mo agad." pangaral nito sakin na tinanguan ko at tinawanan. Si nanay talaga oh. 

Alam naman ni nanay kung saan ako pupunta kaya kung sakaling hapunin man ako hindi na yon masyadong mag-aalala.

Sa short cut na ako dumaan para hindi na makaharap ang sino mang manliligaw. Ayaw ko muna ng gulo. Gusto ko ng mapayapang araw. Kahit ngayon lang.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now