Pahina #16

5 4 0
                                    

TEOFILA

" Oh bakit nakabusangot iyang mukha mo? " tanong ko kay Rodora na hindi maipinta ang mukha at hindi ginagalaw ang pagkain.

" Nagtanong ka eh mas hindi maipinta iyang mukha mo! " sagot nito pabalik. Aba't!

" Huwag mong ibahin ang usapan, Rodora. Ano nga ano ang problema mo? " tanong ko ulit. Minsan na lang kami magkita nitong bruha na 'to eh. At nakakapagtaka na hindi siya mabunganga ngayon. Ang tahimik niya at mukhang may problema. Bumuntong hininga ito at uminom ng juice na dala namin dito sa may bahay nila. Tinawagan kasi ako ng bruha na pumunta at miss na daw niya ko. As if!

" Wala. Medyo tampo lang ako kay Pabio. " maikli niyang sagot sakin sabay simangot ulit.

" At bakit naman? " tanong ko. I want to divert my attention on other things kaya sige at makikinig ako sa kagagahan nitong si Rodora.

" Nakalimutan niya yata kasing Anniversary namin ngayon. Ikalawang anibersayo namin. "

" Oh? Pano mo naman nasabi na nakalimutan niya aber? "

" Eh di niya ko binati eh. "

" Para yon lang? Baliw ka, te? "

" Anong para yon lang? Hoy babaeng walang romantic bones. Para sabihin ko sayo ni minsan wala pang mintis sa pagbati sakin iyang si Pabio. Sobrang effort non sakin na hinihintay pang mag alas dose ng madaling-araw para siya ang unang makabati sakin. " mahaba nitong sagot. At gusto ko siyang kutusan dahil sa sinabi niyang wala akong romantic bones. Meron kaya hindi lang halata! Sumubo ako ng chicharon na pinaglangoy ko sa suka bago ako magsalita.

" Tss.. Sayo na nanggaling bruha ka ma-effort yung tao sayo. Eh ikaw ba nag-effort ka na para sa kaniya? Sa sinasabi mo kasi mukhang si Pabio lang ang gumagalaw at gumagawa ng paraan para maging maganda yung espesyal na araw niyong dalawa. Give and take be alam mo ba yon? " irap ko sa kaniya pagkatapos ko. Umirap din siya sakin.

" Anong akala mo sakin laging take lang. Huh! Para sabihin ko sayong babaeng walang nobyo. Kagagaling ko lang sa kanila kanina bago kita papuntahin dito no. May dala pa kong cake na pagsasaluhan sana naming dalawa. May dala pa kong kandila! May pansit malabon! May spaghetti! May putong puti! At may sofdrinks pa! Wala akong tulog maluto lang lahat yon. Tapos ang lagay eh wala don si Pabio. Tinanong ko kung nasaan siya sa mga kapatid nito pero di rin daw nila alam. So ang ending sa mga kapatid ko na lang niya ipinakain yung mga dala ko. Nawalan ako ng gana kainin yung mga luto ko. Kaya sige nga sabihin mo sakin kung wala ba kong karapatan magtampo. " sabi nito at tumingala. Halata namang naiiyak. Napaisip ako sa sinabi niya. Mukhang may karapatan naman siya.

" Huwag kang iiyak diyan at hahambalusin kita nitong platito. Huwag ka agad mag conclude diyan. Mayroon pang walong oras bago matapos yang anniversary niyo. Malay mo may surpresa pala para sayo. " sabi ko na lang para naman medyo gumaan pakiramdam niya. Hindi ako masyadong showy eh kaya dinadaan ko sa banta yung pagiging concern. Alam niyo yon yung cool lang.

" Ewan. Hindi ko alam. Bahala na. Kung meron eh di ang  saya kung wala eh di nganga. Pero maiba tayo. May problema ka din di ba? Hindi naman sasama ang itsura ng mukha mo kung wala diba? So ano yon? Share mo naman. Ano nagdadalaga ka na ba? Bilog na ba utot mo? " tatawa-tawa niyang sabi kaya binato ko siya ng chicharon. Baliw talaga kanina malungkot tapos ngayon tumatawa.

" Ikaw puro kabulastugan iyang lumalabas diyan sa bibig mo. Wala akong problema. Nakikisakay lang ako sa drama mo. " sabi ko pero halata namang di siya naniwala at pinagtaasan lang ako ng kilay. Kaya napabuntong hininga ako. Sabi ko nga sasabihin ko na.

" Okay, fine. Ganito kasi may kakilala kasi ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko ngayon. Ang kwento niya ganito. Yung lalaki daw na malapit sa kaniya eh ang gulo. One time daw biglang nagtext sa kaniya tapos tumawag. Tapos nagulat siya nandon na lang daw sa tapat ng bahay niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Tapos sobrang lungkot. Tinanong niya kung ano problema pero hindi naman sumagot. Tapos non two weeks na nakalipas daw hindi na nagparamdam yung close niyang lalaki. " sabi ko at uminom ng sobrang lamig na sofdrinks. Wooh sarap! Gumuguhit.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now