Pahina #10

5 3 0
                                    

TEOFILA

Hinihingal na napaupo ako sa daan dahil sa pagod. Walangyang Pancho hindi man lang nagpahabol! Hindi man lang nakahampas kahit isa! Nakakainis!

" Huy! Ano, ayos ka lang? " tanong sakin ng hambog na mukhang hindi man lang napagod o hiningal.

" H-Hambog ka! Pinagod mo ko! B-Bakit ka ba kasi tumakbo?! N-Nakakabwisit ka! " sigaw ko kahit hinihingal ako. Binato ko din ito ng lupa. Umilag naman ito.

" Haha. Kulang ka sa exercise, binibining Tragedy, mabilis kang mapagod. Saka sino bang hindi tatakbo kung nakaamba na yang kamao mong mabuto? " sabi nito at nakangisi na naman sakin. Gusto ko ulit siyang habulin pero hinihingal talaga ako.

" Napaka kapal ng mukha mong hambog ka! Anong mabuto? Loko ka ah! Gusto mo suntukan na lang oh. " inikutan ko ito ng mata. Ang lakas mang alaska.

" Haha. Biro lang, mine. Hindi ko kayang saktan ka. " natatawa ulit nitong sabi. Pansin ko lang ang hilig niya kong tawanan at gusto ko siyang sampalin ng tsinelas dahil doon. Mukha ba kong clown?

" Ah ganon. Hindi mo ko kayang saktan? Pwes ako, kaya ko! " hinila ko siya at kinurot ng pino sa tagliran. Napa aray ito dahil doon. Akala mo ah.

" Aray! Aray! Binibining Tragedy, masakit! Tama na! Aray! Napaka sadista mo... " sigaw nito at nakangiwi sa sakit.

" Ano...sadista pala ah. " sabi ko at kinurot pa siya lalo. Hindi magkamayaw sa pag-aray ang loko. Medyo natutuwa pa naman ako pag nakakaganti ako. Haha.. Nang hindi na natiis ay hinawakan na nito ang kamay ko at inalis doon. Hinila din ako nito palapit sa kaniya kaya natigil ako at napatingin sa light brown niyang mata. Diyos kong mahabagin... sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nanlalaki na din panigurado ang mga mata ko dahil doon.

" H-Hoy! A-Ano sa tingin mong ginagawa mo? B-Bitaw nga! " gusto kong sapakin ang sarili sa pagkakabulol ko. Pambihirang tokwa oh. Mas inilapit nito sakin ang kaniyang mukha kaya napaatras ako pero hinapit niya ulit ako palapit.

At pagkatapos non hindi ko namalayan nakahiga na ako sa lupa at halos mamatay na sa katatawa.

" Loko ka, P-apancho! Haha...tama na...Haha... A-Ayoko na hindi na ko makahinga..Hahaha... " hinihingal na ako at hindi malaman kung saan bibiling dahil sa kiliti.

" Ang sadista mo, mine. Ang sakit ng kurot mo. Ikaw ah. Napapansin ko kapag kinukurot mo ko kung hindi sa mismong abs ko sa gilid malapit dito. Nakita mo lang 'to ng minsan sa bahay niyo hindi mo na makalimutan? Addicted ka sa abs ko no. Haha..." pang-aasar nito na hindi ko matapatan dahil sa hinahabol na hininga.

Hinawakan niya ako sa wrist at hinila patayo. Medyo lambot pa ko dahil sobrang lakas ng kiliti ko sa tagliran at kasalanan yon ng hambog na 'to!

" Tara doon. Pahinga muna tayo bago kita iuwi sa inyo. " pag-aya nito saka ako hinawakan sa siko at hinila.

Iniwan namin ang bisikleta doon at hinila niya ko papunta sa may silong doon. Para itong kubo pero walang tabing. May bubong ito na gawa sa dayami at talahib na pinatuyo. May apat itong kawayan na suporta sa ibaba. Tapos ay mayroon ito doon na maliit pero mahaba na upuan na gawa din sa kawayan. Sa tingin ko ay ito ang pahingahan ng mga nagtanim nitong sunflowers. Naupo kami doon.

" Oh, uminom ka muna. " ibinigay nito sakin ang binili naming softdrinks kanina.

" Salamat. " sabi ko at uminom doon.

Umihip ang hangin at napapikit ako. Sarap din ng hangin dito. Pwede na ding gawing tambayan. Bigla ko tuloy naisip si Ivo. Kamusta na kaya yon? May sulat na kaya siya ulit? Nandoon na ba siya? Sige pagkauwi ko mamaya samin pupunta ako agad doon. Tahimik kong tinatanaw ang mga nagsasayawang bulaklak. Naalala ko na kahit isa sa mga manliligaw ko ay wala pang nagbigay sakin ng sunflower. Puro sila rosas. Eh hindi ko naman hilig yon mana pa kung si nanay. Hilig talaga non ang rosas.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now