Pahina #8

12 3 0
                                    

TEOFILA

Biyernes na at day off ko na bukas. Thanks God it's friday! Yahoo!

" Teofila anak, day off mo na bukas diba? " tanong sakin ni nanay habang kami ay kumakain ng almusal.

" Oho, nay, bakit po? " sagot ko at kumagat sa hotdog na nilagyan ko ng mang tomas.

" Eh mag papatulong sana ako sayo na gumawa ng puto at mag deliver. Alam kong pahinga mo sana yon kaya lang medyo madami kasi ang order. Ano pwede ka ba? " muling tanong ni nanay sakin. Napasimangot ako.

" Si nanay naman oh. Bakit parang nahihiya ka pang magsabi sakin. Aba'y syempre naman po at tutulungan kita. Kahit mag hapon pa yan, nay, walang problema. " sabi ko at ngiti dito.

Napasimangot ako dahil parang isang kasalanan kung hihingi ng tulong sakin si nanay. Si nanay kung minsan inaatake din pala ng hiya.

" Eh syempre naman, nak. Ikaw na nga halos ang gumagawa dito sa mga business natin. Tulad sa pag-aalaga ng baboy natin. Tapos pumapasok ka pa sa trabaho mo sa library mula lunes hanggang biyernes. Sabado na nga lang yung time mo para sa sarili mo tapos ganito. Syempre mahihiya ako, nak. Kahit pa sabihin na anak kita at tungkulin mong tulungan ako hindi naman ibig sabihin non na dapat buong oras mo eh itutulong mo sakin. " mahabang sabi nito. Nginitian ko lang ito.

" Eh basta, nay, kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Wala naman akong ibang pinaglalaanan ng atensyon maliban sayo at sa mga maliit na business natin. " sabi ko dito at uminom ng tubig.

" Iyan pa nga ang isang pangamba ko, nak. Mukhang hindi ko yata masisilayan ang mga apo ko sayo. Tatanda ka yatang dalaga talaga dahil diyan sa pagiging suplada, masungit, laitera, at diyan sa high standards na sinasabi mo. Why don't you give your suitors a chance? Just exclude the riches if you want. Or better yet, try Pancho. He's a good catch. Handsome, simple and ordinary, definitely your type. " sabi ni nanay na nagpasamid sakin ng todo! Ang nanay ko nag english!! Diyos kong mahabagin. It's been ages simula ng huli kong madinig  na nag english ito. Elementary yata iyon noong may nakasagutan itong nanay ng kaaway ko. Nag kasabunutan kasi kami nung anak non eh mayaman kasi yong nanay na yon. At alam niyo naman na bata pa lang ako ayaw ko na sa mayayaman. I have lots of bad experiences with them kaya hindi niyo din talaga ako masisisi.

Likas na magaling talaga si nanay mag salita ng ingles. Ang sabi nga nito sakin na kung nagpatuloy siya sa pag college pagka panganak sakin magti-titser siya at english major ang kukunin.

Kaya nga lang matapos akong ipanganak ni nanay madaming problema ang dumating tulad ng kung paano niya ako bubuhayin eh nung pinagbubuntis niya ko naging labandera siya ng mga kapitbahay para lang maka-ipon para sa panganganak. At hindi na natuloy yung gusto niya na maging titser.

Kaya sobrang mahal ko talaga si nanay. Kapag naiisip ko yung mga panahon na pinaghirapan niya mapagtapos lang ako sobrang nakakabilib. Napaka swerte ko at siya ang ibinigay ng diyos na maging nanay ko. At kapag naman naiisip ko iyon lalong lumalala ang galit ko sa pamilya ng nanay ko at lalo na sa tatay ko. Paano nila nagawa iyon kay nanay. Hindi ko maintindihan. But, change topic na ayaw kong masira ang umaga ko.

Pero sandali tama ba yung nadinig ko? Pancho daw? Handsome? Okay, sige pwede na. Simple and ordinary ayon talaga namang totoo. Pero my type? A big no! Iba ang type ko alam niyo yan. Kahit likod lang lagi kong nasisilayan don malakas ang kutob ko na gwapo siya. At isa pa itong si nanay kung magsabi ng try parang pagkain lang si Pancho na pwedeng tikman. Ay ano ba yan bakit parang ang pangit nung meaning. Tama na nga.

" Nay, bente dos palang ako no. Saka ko na iisipin yan kapag nakabayad na tayo sa lahat ng utang. And, nay, don't you remember? I once tried to date one of them, but it was a failure. He's not rich, he's handsome and gentleman so I dated him. Naalala mo ba yung anak ni Mang Karding? Iyon yon, nay. Nung nag date kami non akala ko siya na. Gwapo saka ordinaryo eh. Kaya lang, nay, nakalimutan ko yung kasabihan na. " Looks can be deceiving ". Eh mukha lang palang gentleman, nay. Ang hinayupak na yon ako na nga ang pinagbayad ng pamasahe namin sa Jeep dahil wala daw siyang barya tapos nung kumakain na kami sa karinderya ang sabi ba naman sakin KKB daw. Kaya ayon nilayasan ko. Kapal ng mukha non eh. Kaya ayaw ko ng umulit. And about don sa sinasabi mo about kay Pancho. We're acquaintances lang. Hindi kami close. Halatang botong boto ka, nay, ah. But don't get your hopes high, mother, he like someone else remember? And I like someone else too. " napainom ako ulit ng tubig sa haba ng sinabi ko kay nanay. Pambihira. Naalala ko na naman tuloy yung una kong date. Si nanay kasi pinaalala pa.

TRAGEDYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ