Pahina #15

7 3 0
                                    

TEOFILA

" Oh bakit ka huminto? Malayo pa yung kawayan naming gate oh. " turo at sabi ko kay Pancho. Bigla na lang kasi itong huminto.

" Tara mag date, Binibining Tragedy. " biglaang sabi nito na nagpatanga sakin. Ano daw? Tama ba ako ng dinig? Date? As in date na ginagawa ng mag jowa o yung date na araw?

" Huh? Ano kamo? " sabi ko na lang ayaw ko na kasing mag assume siraulo pa naman 'tong hambog na to. Mamaya mapatay ko na siya sa sobrang pang aalaska niya sakin.

" Tsk. Ang sabi ko DATE! Gusto pang inuulit eh. " masungit na sabi nito sakin. Aba't!

" Oo nga date. Anong klaseng date ba? Yung sa mag jowa o yung araw? " sabi ko. Gusto ko siyang bwisitin ngayon. Haha..

" Ha-ha... nakakatawa. Ang ibig kong sabihin ay Friendly date, binibining Tragedy. Ikaw ah crush mo na talaga ko no? Hahaha... " nang-aasar na sabi nito sakin kaya kinurot ko siya sa tiyan.

" Aray! Haha.. Abs ko na naman kinurot mo. Tsansing ka talaga, binibining Tragedy. " tawa siya ng tawa habang kinukurot ko siya napaka bwisit!

" Nako, Pancho, kung hindi lang ako inaantok nakahalik ka na sa lupa ngayon. " sabi ko dito at binatukan siya. Malakas iyon kaya tumama ang noo niya sa manibela ng bisikleta. Shit!

" Hala, sorry! " bumaba agad ako sa bisikleta para tignan ang nasaktang noo niya. Nakahawak siya doon at halatang nasaktan.

" Fuck! It hurts. " daing nito at parang ang cool niya ng sabihin niya yon. Hala ano bang sinasabi ko, nasaktan na nga yung tao. Ipinilig ko ang ulo para mawala ang kalokohan sa isip. Natataranta ako dahil iba ang itsura niya halata mong nasaktan at hindi umaarte.

Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa noo at ako mismo ang humaplos at hinipan ko pa. Nakapikit ito at nakangiwi kaya lalo tuloy akong na-guilty. Nakapa ko din ang maliit na bukol doon. Mukhang napalakas talaga ang batok ko. Sorry naman na-carried away lang.

" Hambog, sorry, ikaw kasi ang kulit mo eh. " paninisi ko dito. Hindi ito nagsalita basta nakapikit lang. Ganon ba talaga kasakit? Kung sabagay sa bakal tumama ang noo niya.

Hayy... baka gantihan ako nito ah. Huminga ako ng malalim. Kahit alam kong nakakahiya itong gagawin ko at sa pagkaka alam ko ay effective. Walang babala kong dinampian ng mababaw na halik ang nasaktan niyang noo na may bukol. Kasabay non ang pagdilat ng mga mata niya at halata mong nagulat sa ginawa ko. Para itong nakakita ng multo. Ako naman ay napaiwas ng tingin.

" H-Huwag kang mag-isip ng kung ano diyan. Huwag mong lagyan ng malisya. Turo sakin yan ni nanay para daw mabilis na mawala ang sakit. At saka pengeng limam piso. " paliwanag ko na hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag at inilahad sa kaniya ang kamay ko.

Nagtataka ito pero kumuha din ito ng barya sa bulsa at ibinigay din sakin. Pagka kuha ko ay walang sabi kong ipinakat sa bukol niya ang limang piso at idiniin iyon sa bukol niya. Para akong gumuguhit ng bilog habang ginagalaw ko ang barya. Napadaing ito at aalis pero pinigilan ko siya.

" Tiiisin mo kung ayaw mong mag mukhang demonyo dahil sa nakausli mong bukol. " sabi ko dito. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa mawala na ang bukol. Nakangiwi pa din ito kahit tapos na.

Umalis ako sa harapan niya at bumalik na ulit sa upuan sa likod ng bisikleta.

" Sana yung labi ko na lang yung tumama sa manibela. Sayang! "

bulong nito na hindi ko nadinig ng maayos.

" Anong sabi mo? " tanong ko at iniyakap na ang kamay sa bewang niya.

" Wala! Ang sabi ko tara na doon sa alam kong lugar na magugustuhan mo para mag date! Itetext ko na lang si Tita at magpapaliwanag ako mamaya. " medyo pasigaw na sabi nito.

TRAGEDYWhere stories live. Discover now