"Malay ko, kahapon pa yan ganyan" kaming dalawa ni Keith ay curious na.

"Di ba umuwi ngayon si Josh? Dapat masaya yan di ba?" ganun ang pag kaka alam ko sa kanya, excited laging umuwi ang kuya niya.

"Oo nga noh? Bakit nga kaya" sabay ulit kaming tumingin kay Boss. Nanunuod ng t.v pero nag iisip yan ng plan para mag-murder, ganyan yang babaeng yan. PEACE! 

"Mamaya baka magwala pa yan, pipilay pilay na nga gusto pang madagdagan ang mga baling buto niya"sige ako na mayabang. Hahahahaha. Akala niyo takot ako kay Boss noh? Pwes minsan lang! Pagkaharap ko siya ^___^

"Naaalala mo pa ba? Si Jake lang nakakapagpakalma kay Boss dati" tama si Keith. Si Jake lang naman ang may kakayahang magpakalma, at magpangiti kay boss nun. Kainis naman si Jake, hindi man lang sinabi kung paano niya nagagawa yun.

"At si Jake lang ang nakakapag pangiti sa kanya" ang epal na si Dars. Bow :/

"Hoy Keith may naririnig ka ba? Parang may hanging dumaan" Sarap kasing asarin nitong si Darius. Minsan lang mapikon:)

"Ah ganun? Baka gusto niyong isumbong ko kay Boss yang pinag uusapan niyo?'' nakangiti pa siyang demonyo. =_____= Peste.

"JOKE lang yun Dars, ikaw talaga, IKAW PA! hindi namin mapansin ni Keith? Hindi mangyayari yun!" siyempre uto-uto-in muna si Dars.

"Oo nga Dars! Ikaw pa! Bestfriend ka kaya namin!" isa ding bolero tong si Keith.

"Talaga?" ang uto utong si Dars. Bow

"Teka Dars, alam mo ba kung bakit ganyan si Boss ngayon?" curious lang :)

" Si Josh, engage na"

Naibuga ko ang iniinom kong juice. SI JOSH?!!!!! Kaya naman pala ganyan si Boss, yung lalaking mahal niya , malapit nang ikasal, NAKOOOOO. Baka pati si Shiarra naiyak ngayon. Natutuwa kasi ako sa magkakapatid na yan, mahal na mahal nila ang isa't isa. 

Sabay kaming tatlong tumingin kay Boss, pero nakatingin na siya sa amin! O_____O Iwas kaagad kami ng tingin. Pag pinagbuntungan kami ng galit niyan, patay =____=. Hirap kasi nitong si Jake hindi man lang nagsabi ng paraan para maamo si Boss.

"Di ba si Ice ang huling naka usap ni Jake? Di ba nung na hospital si Boss, kinausap ni Jake si Ice? at isa pa, pinaka close ni Jake ay si Ice.." may isip din naman pala si Keith.

Napangiti ako. At least alam ko kung kanino mag tatanong, pero napasimangot ako, ewan ko kasi kung sasagutin ako nung piping yun.

Pumunta ako sa kusina, andun kasi si Ice, kumakain ng spaghetti. Na naman? Parang nung isang araw, bumili siya ng Spaghetti ah..

Tumabi ako sa kanya, abat ang loko napatingin sa akin, =_____= Nag iisip to ng iba.

"Hoy, wag mo akong tingnan ng ganyan Ice, hindi ako bading.." alam kong yan iniisip nitong piping to.

"Oh? anung kailangan mo?"ang taray nito! Nag memenopause ata!! HAHA. 

"uhh.. may itatanung sana ako" 

"Kung mangungutang ka, wala akong pera"YABANG!!!!!!

"Hoy Ice! Mas mayaman ako sayo! Tigilan mo ako.. iba tatanungin ko, tungkol kay Jake." Seryosong napatingin sa akin si Ice. Hindi ko lang ma-feel kung anu iniisip niya.

Hindi siya sumagot. Tuloy tuloy ang pagkain. =____= Takaw! Tumaba ka sana!

"May huling habilin ba? or huling sinabi sayo si Jake noon? Di ba ikaw yung naka usap niya nung gabing mahospital si Boss?"

Tumitig sa kawalan si Ice, bago niya ininom ang tubig sa tabi niya. Nilagay niya ang plato niya sa hugasan at saka tumigil sa may tapat ko.

"Wala" yun lang sinabi niya, na alam na alam ko naman na mayroon talaga. Pero ano?

Ano nga ba ang sinabi ni Jake kay Ice? Bakit ayaw sabihin sa amin ni Ice? Bakit hindi matanggap ni Boss na ikakasal na si Josh? Bakit masikreto si Ice? Ano nang nangyari sa SHOWTIME? Eh sa Princess and I, hindi ako nakapanood.. at higit sa lahat! Malalaman ba ni Nathan kung nasaan si Katerina? ABANGAN. mamaya :)

 Picture of RAJ at the side.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

READ. COMMENT. LIKE.VOTE.BE A FAN :)

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now