Chapter 22

1.1K 38 1
                                    


Kim POV

Bigla ko nalang naramdaman ang pagpasok ng bala sa katawan ko.Sa tingin ko ay tinamaan ang puso ko sa pagkakabaril niya.Agad na tumigil ang paghinga ko sa sandaling iyon.Nakita ko si Roger na nakatingin sa akin.

Hindi ko man lang nadugtong ang apilido niya sa pangalan ko.Hindi ko man lang naranasan ang buong pamilya.Sana man lang naramdaman ko kung paano sumaya.

Pero huli na nga ang lahat.Naramdaman ko ang malamig na sahig ngunit wala nakong maramdaman.

Ayoko ng buhay ko pero sa mga oras na ito gusto kong mabuhay ulit.Sa susunod kong buhay gusto kong Makita kitang muli Roger Montez.

Roger POV

Tila tumigil ang mundo ko sa nakita.Mabilis ang pangyayari.Nakita ko nalang ang mabagal na pagbagsak ni Kim sa lupa habang ang mga mata ay malungkot na nakatingin sa akin.Isa lang ang alam ko mas masakit ang nakikita ko ngayon kesa sa mga sugat sa katawan ko.

K-kim...

Hirap ang katawan pero pilit akong lumapit sa kanya ngunit maski ang katawan ko ay hindi na nakikisama at bumagsak nadin ako.Medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha na humaharang sa mata ko.

"K-kim..." tawag ko pero walang buhay ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

Gustong gusto ko siyang abutin.

Hirap na hirap nako at pilit nalang ang paghinga ko .

Ininat ko ang kamay ko at pilit ko siyang inabot ngunit napabagsak nalang din ito sa kawalan ng pwersa.

This is all my fault dapat sa umpisa palang pinigilan ko na siya.Dapat niyakap ko nalang siya ng mahigpit para hindi niya naramdaman ang pag iisa.Dapat sinabi ko sa kanya na hindi pa huli para magbago.Di sana hindi siya nakahiga ngayon at naliligo sa sariling dugo...Dapat kasi damn!

I'm sorry Kim...I'm sorry

.

.

.

.

.Deira

Deira POV

Napahawak ako sa dibdib ko at napatigil sa pagtitipa ng keyboard.Bigla nalang kumabog ito ng malakas.Isang ihip ng hangin ang nanggaling sa labas na tila nagdala ng kalungkutan sa buong paligid.Bakit ganito?Parang may biglang nawala sa akin.Parang gusto kong umiyak ngayon.Bigla konalang naramdaman ang sobrang lungkot.

Ininom ko ang juice sa may tabi ng laptop at saka tumayo sa kinauupuan.Sumilip ako sa labas.Tinangay ng hangin ang buhok ko at naramdaman ko ang pagkalumbay.Huminga ako ng malalim saka isinara ang bintana.Marami pa akong dapat tapusin.Sinilip ko ang aking phone baka sakaling kahit isang text ay may iniwang mensahe si Roger.Araw araw minu minuto akong naghihintay na bumalik siya na kahit sa text man lang ay magparamdam siya.

Agad naman akong napatingin sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa ang isang assassin.

"May pagtatalo na nagaganap sa labas" sabi nito.

Agad naman akong lumabas upang tignan ang sinasabi niya at nakita ko ang head na si Greco at ang pinakahead na si Ms. April Tuastom.

Kunot pareho ang kanilang mga noo kaya naman lumapit ako sa kanila.Napatingin naman sila sa akin.

"We should discuss this in my office" maotoridad na sabi ni Mrs.Tuastom at tumalikod na

Sumunod naman ako sa kanila.

"See?I told you hindi mapagkakatiwalaan si Shin Yamanaka.We need to kick him in Shadow Corp maaring isa rin siyang black ace" sabi ni Mr.Sanchez na ikinakunot ng noo ko

"Be careful Mr.Sanchez baka nakakalimutan mo na traydor ang anak mo at mukhang sayo siya nagmana" matalim ang dila na sabi ni Ms. Tuastom

Hindi ko alam na may ganito palang side ang dalawa.Mukhang sobrang may tensyon sa pagitan nila

"You better watch your word Ms. Tuastom.Si Maxima Reed na kapamilya mo ang Queen ng Black Ace" sabi ni Greco na tila walang pakielam kahit mas nakakataas pa sa kanya ang kausap

Napangiti naman ng asar si Ms.Tuastom sa sinabi ni Mr.Sanchez

"Wala akong kapamilyang traydor" sabi ni Ms.Tuastom at bumaling sa akin

"Ms.Stonera what can you say.Ikaw nalang ang natitira sa five big shadow assassins sabihin mo sakin.Tapat kaba o baka mamaya ay may tinatago kadin"sabi nito

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa skirt ko.Kahit may kilala ako sa kalaban ay tapat akong nanunungkulan sa corp na ito at masyadong nakakatapak ang sinasabi niya ngayon sa akin.

"Iiwan ka ng lahat pero ako ay mananatili sa tabi mo" sabi ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya

Napatango naman siya saka tumingin kay Greco

"I need your opinion.Sinusuggest kasi ni Mr.Sanchez na tanggalin ang bagong head na si Mr. Shin Yamanaka na nanggaling sa kilalang pamilya sa kadahilanang pakiramdam niya ay miyembro ito ng Black Ace" sabi ni Ms. Tuastom at tumingin sakin.

Napatingin naman sakin si Mr.Sanchez at nakatingin na din ito sakin ngayon na tila sinasabing isang pagkakamali mong sagot ay matatapos na ang lahat sayo dito.

Hindi ko pa masyadong kilala si Mr.Yamanaka pero ang taong nasa harap ko at nakatingin sakin na parang isang mabangis na leon ay kilalang kilala kona.Alam ko na ganid siya sa kapangyarihan.

"Walang dahilan o ebidensya para tanggalin si Mr.Yamanaka pero ang pagtratraydor ni Mr.Tanner Sanchez sa Shadow Corp ay sapat na dahilan para tanggalin ang ama nitong nanunungkulan bilang head ng Shadow Corp." sabi ko na ikinalaki ng mata ni Greco

Sigurado akong hindi mapapaganda ang shadow corp kung tuluyan itong mapapasakamay ni Greco.

Puno sila ng katrayduran

"Baka nakakalimutan mo na si Maxima Reed ay isang traydor din" sabi ni Greco sakin

Si Maxima.Hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kanya.Kahit sabihin pa nila na siya ang Queen ay hindi ako maniniwala dahil kilala ko kung sino ang tunay na Queen ng Black Ace.Kilala ko si Maxima hindi siya ganoong tao pero nakakalungkot ang nangyari sa kanya.

"Maxima was accused by the heads of Shadow Corp and was killed a months ago but what people do not know is that Maxima Reed is innocent" sabi ko

Nakita ko ang mas pagkunot ng noo ni Ms.Tuastom at ang pagbangis ng mukha ni Greco

"What do you mean?" tanong ni Ms.Tuastom

Matagal ko itong sinasaliksik at hinahanapan ng ebidensya dahil gusto kong linisin ang pangalan niya

"If you want to know the truth lets discuss this in front of the world" sabi ko

Maaring ako ang pinakawalang alam sa mga nangyayari at hindi nabibigyan ng pansin pero kaya kong Makita ang katotohanan

Revenge of the QueenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant