Chapter 19

1.2K 37 0
                                    

Third Person POV

Tuwang tuwa ang isang binata habang tinitignan ang mga kabataan na nagpapatayan sa harap niya.Mga kabataan na miyembro ng Red Vindicta.

"Ganyan nga magpatayan kayo" sabi nito habang may ngiti sa labi na kanina niya pa hindi matanggal dahil sa aliw.

"Ang sampung pinakamatibay na matitira ay ang mga taong mananatili sa grupo" dagdag niya pa habang dalawampu sa limampung underlings ay bagsak na.Hindi niya kailangan ng mahina at hindi niya gustong mapahiya pa sa Bloody Queen lalo na at ayaw nito sa mahina at tinitignan nito ng mababa ang mga taong mangmang

Sinusuri niyang mabuti ang mga ito at pinagaaway para Makita kung sino ang pinakamalakas.Ganitong ganito ang senaryo bago siya makapagtapos sa kursong criminology .

Nagsusuntukan,nagbabarilan,Nagsasaksakan at Nagpapatayan habang ang mga mata ay punong puno ng mga luhang nagbabadyang bumagsak.Alam na alam niya kung paano makakasurvive sa larong ito na minsan na niyang naranasan.

Tumingin siya sa kalangitan.Pasikat na ang araw mamaya maya lang.Magdadalawang araw nadin siyang hindi natutulog.Siguradong kanina pa siya hinahanap ng detective chiefat ni Sukjin.Mga taong walang alam sa mundong ito.Kinuha niya ang phone niya buong gabi na itong nakapatay at wala rin siyang balak umalis sa lugar na ito habang hindi natatapos ang laban.

Napalingon siya bigla ng makaramdam ng isang presensya patungo sa direksyon niya.Nakita niya ang isang binata na may suot ng maskara katulad ng sa kanya.Dati rati ay kulay puting maskara ang suot nito ngunit ngayon ay pula na.Simbolo ng Red Vindicta.

Shin POV

Napalingon agad sakin si jaesuk pagtapak ko palang sa madilim na parte ng gusali.Napangisi ako dahil sa harap niya ay may mga nagpapatayan na mga kabataan take note may isang babae pa na hanggang ngayon ay nakatayo pa.

"Masyado kang malupit pumili ng miyembro" bungad ko pag kalapit sa kanya

"Ano namang ginagawa mo dito?Dapat ay nasa Shadow corp ka at nagmamanman" sabi nito at inalis na ang tingin sakin na parang hindi interesado.

"Madami akong mata" tanging sambit ko at tinignan ang babaeng ngayon ay may kinakaladkad na lalaki.

"interesting" mahina kong bulong

"Do you know what's more interesting?" tanong niya .

Hindi naman ako sumagot

"Today is the day where the two Queens will fight again.It's time to decide who will live and die" sabi nito

"Are you going to watch?" tanong ko

"Of course.I won't miss the best part of the war" sabi niya

Yumuko naman ako.Hindi pwedeng may dalawang Reyna dahil laging magkakagulo.

Maxima POV

Tinatahak namin ni Catalina ang daan papasok ng Underground .Sigurado akong hinahantay lang ako ni Kim na gumawa ng hakbang.Malayo palang sa pinto ay naririnig nanamin ang mga sigaw.Sigaw ng kaguluhan.Mukhang nagaaway na ang mga underlings namin.Naririnig ko ang mga putok ng baril at pagkabasag ng mga baso.

Pagkapasok namin ng underground ay bumungad samin ang mga usok at paikot ikot na mga ilaw habang punong puno ng dugo at bangkay ang paligid.Agad na napukaw ng mata ko ang apat na taong nakatayo sa ibat ibang sulok.

Apat na Black Ace?Mukhang nagrecruit na sila ng bago ng mamatay si Zhavria.

Tumingin naman si Catalina sakin kahit nakamaskara ay nararamdaman ko ang lungkot sa mukha niya.Alam ko ang dahilan pero hindi naman lahat kailangan patayin .Tanging ang babae lang na nakatayo sa gitna ang kailangan patumbahin.Nangangati ang kamay ko na kitilan ng buhay ang babaeng ito.

"Bloody Queen..." Tawag niya sakin sa boses na walang emosyon

"Just remember that I'm always at your side " sabi niya at ngumiti.

Hindi naman ako sumagot

Naghiwalay na kami ng landas.Pipigilan niya ang tatlo at ako naman ang haharap kay Kim.Dumiretso ako kay Kim at mabilis na tinahak ang daan papunta sa kanya.

Agad kong inilabas ang katana ko.Nakita ko ang mabilis na pagharang sakin ng isang Black Ace patungo kay Kim at tinutok sakin ang shotgun.

Walang pagdududa na si Roger ang taong ito.Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.Tandang tanda ko pa kung paano ko nakakatrabaho ang assassin na ito.Kung saan kami ang magkakampi at nagtutulungan pero ngayon ay malaki na ang pinagkaiba.Sakin na nakatutok ang armas niya at iba na ang tinutulungan niya.

Wala na akong pakielam sa mga pinagsamahan namin.Isa lang ang gusto kong mangyari patayin ang mga taong punot dulo ng lahat ng sakit na dinadanas ko.

PAGHIHIGANti yan lang ang sinisigaw ng puso at isip ko.Yan lang.Mabilis akong yumuko at nagpadulas sa gitna ng Makita kong kakalabitin na niya ang gatilyo.

*BANG* malakas na putok ang kumawala dito.

Agad akong tumayo sa likuran niya at pinatama sa mukha niya ang hawakan ng katana.Napaatras naman siya.Malakas ang pagkakatama ko kaya siguradong nagecho sa muscles niya ang sakit.Dumiretso ako agad kay Kim pero isang malakas na sipa ang biglang sumipa sa tagiliran ko kaya na out of balance ako at tumama sa mga lamesa sa gilid.Agad akong tumayo at mukhang ang kapatid ni Catalina ang may gawa non.

Tinignan ko si Catalina na nanatili lang nakatayo sa harap ni Cola at parang nakikipag agawan base lang tsk.

Agad kong hinawakan ang magkabilang paa ng lamesa at malakas na initsa sa papalapit na si Gian.Hinawi niya naman ito patilapon sa gilid niya gamit ang kanang kamay.Damn.

*BANG* *BANG*

Mahigpit kong hinawakan ang katana ko at malakas na hiniwa ang dalawang bala.Malakas ang impact ng shotgun kaya kung tatama ito sa katana ko ng diretso at hindi ko hinawakan ng mabuti ang katana ay didiretso ang patalim nito sakin.

*BANG* *BANG* *BANG*

Sinangga ko naman ang susunod .Kada tama ng bala ay bahagyang napapaatras ako sa impact.

Pagkababa ko ng katana ay nakita ko si Kim na nasa gilid ko na at inilagay ang kamay sa sahig saka ako sinipa ng malakas sa baba.

Naramdaman ko ang dugo sa bibig ko.Kinewelyuhan naman ako ni gian at malakas na kinuha sakin ang katana at hinampas sa mukha ko ng apat na beses at sinipa ako sa may hagdan.

"This is not yours" rinig ko pang sabi niya

Gumulong gulong ako at tila napuruhan ang ulo ko dahil naramdaman ko na ang pagtulo ng dugo mula dito.

Hinwakan ko ang maskara ko na may lamat na.

Sa isang iglap lang ay nakababa nadin si Gian.Kinuwelyuhan niya uli ako at hinampas ng katana ng malakas.Parang sumabog ang labi ko sa ginawa niyang iyon.

"You're messing with the wrong person. You're digging your grave now" malalim ang boses na sabi niya.

Ngumiti naman ako na tila ikinagulat niya.

"Matagal ng nakahukay ang libingan ko" sabi ko at malakas na inuntog siya.
Nabitawan naman niya ko kaya hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at umikot pataas sa ere.Mahigpit ang pagkakahawak ko para makasama siya.Ibinagsak ko siya sa harap ko.

Nabitawan niya ang hawak niyang katana.Pinulot ko naman ito.

"This is mine" sabi ko at siya naman ang kinewlyuhan ko saka hinampas ng katana ng sunod sunod.Napatigil lang ako ng nakita ko sa gilid ng mata ko ang shot gun ni Roger.

*BANG*

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now