Chapter 3: Confirmed

1.6K 51 3
                                    


Two weeks later...

Third Person POV

Nagkakagulo ang lahat ng tao sa ilalim ng tulay ng Makita ang isang palutang lutang na bangkay.Sa unang tingin ay masasabi mo palang na lalaki ito ngunit hindi mo na makilala ang itsura dahil bukod sa namamaga ay basag din ang mukha nito na tila tumama sa isang matigas na bagay.

Halos masuka suka ang rescue team habang buhat buhat papunta sa lupa ang bangkay dahil nakakasulasok na ang amoy nito at may mga kung anong insekto sa katawan.

Pagkababa sa lupa ay agad na tinakpan ito ng puting kumot at pinalayo ang mga tao.May isang pulis ang lakas loob na kapkapan ang bulsa ng bangkay na nakahiga.

Nakita nito ang isang pitaka sa isang bulsa at agad na kinuha iyon.

Maya maya pa ay dumating si Catalina at Deira para tignan ang bangkay.Responsibilidad nilang tukuyin at kompirmahin ito.

Papalapit palang si Catalina ay naamoy niya na ang nakakasulasok na amoy kaya naman tinakpan niya agad ang ilong.Hindi na sila lumapit pa sa bangkay at pina-angat nalang ang kumot.Pagkakita palang ni Catalina ay kilala niya na ito.Ito ang suot suot ng lalaking tumakbo papunta sa kaibigan niyang si Maxima.Kahit namamaga at hindi na makilala ang mukha ay hindi naman maipagkakaila sa tindig at sa katawan kung sino ang kaharap nila ngayon.

Pinakita ng pulis ang pitakang nakuha niya sa bulsa ng bangkay.May laman itong sampung libo at isang ID.Nagkatinginan si Deira at Catalina at saka tumango.Napahinga naman ng maluwag si Deira ng malamang hindi kay Maxima ang bangkay.Naniniwala siya kay Maxima ngunit wala siyang magagawa dahil sumusunod lang siya sa batas at wala siyang sapat na kapangyarihan para makielam sa isyung nangyari.

"Confirmed" sabi ni Catalina at tumalikod na.

Sumunod naman na si Deira kay Catalina.

Lumapit naman ang inspector sa pulis at kinuha ang pitaka saka tumawag sa phone.

"It was confirmed.The corpse here belongs to Mr.Damon Creon Scheigner"

Sabi nito sa phone at hindi sinasadyang mapatingin sa babaeng nakasalamin sa taas ng tulay.

Nakasuot ito ng cap na itim at nakajacket.Iba ang dating nito at nagiisa lang sa pwesto sa taas.

Alam niya na nakatingin din ito sa kanya at sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang siyang nakaramdam ng takot kaya agad na nagiwas ng tingin.

'Dalhin niyo na sa morgue yan at huwag kayong titigil sa paghahanap sa bangkay ni Maxima Reed'

Sabi ng nasa kabilang linya

"Copy" sagot ng inspector at ibinaba na ang linya.

Greco POV

"Nahanap na ang bangkay ng lalaking nahulog kasama sa tulay ni Ms.Reed.Kinilalang si Mr.Sche-"

"Stop it!Ang kailangan kong Makita ay ang bangkay ni MAXIMA REED!I need to make sure na patay narin siya !"

Putol ko sa taong kaharap ko.This is bullshit.May chance na buhay pa si Maxima at kung buhay pa nga siya malaki ang chance na sirain niya muli ang plano ko.Malapit nang mapasakin ang buong kompanya na ito at hindi ko hahayaan na masira ito ng kahit na sino.

Napabagsak ko na sa kompanyang ito ang pamilyang S at sisiguraduhin ko rin na mapapabagsak ko ang pamilyang Reed.

Nalalapit nadin ang pagwawakas ng pamumuno mo April Tuastom.

"Wag kayong mag aalala sir sisiguraduhin naming maihaharap namin ang bangkay ni Maxima Reed sa inyo "

Sabi ng taong nasa harap ko.

Dapat lang .Dapat lang talaga.

Pinalabas ko ang agent sa office ko dahil gusto ko muna magpahinga pero may pumasok nanaman ulit.

Napabuntong hininga ako.May inabot naman itong itim na sobre sakin kaya napakunot ang noo ko.

"A letter for you sir" sabi nito

Binuksan ko naman ang sobre .Mas lalong napakunot ang noo ko sa amoy na umalingasaw pagbukas ko ng sobre.Amoy ng isang dugo...

Isang pulang papel ang nasa loob ng sobre...Ay hindi... Puting papel siya na isinawsaw sa pulang pangkulay o should I say isinawsaw sa dugo ang papel.

May nakasulat doon.

Prepare to Die

- Queen

Bigla akong kinabahan sa nabasa lalo na ng Makita kung kanino galing ang sulat.Is this a prank?

"Sino ang nagdala ng sulat na ito sa kompanya?!" Inis na tanong ko

"Hindi namin kilala" sagot nito

"Hinidi niyo kilala?!! HOW COME!!??" pasigaw kong tanong .Bobo ba sila

"Nakita nalang namin na nakaipit sa pinto ng office niyo Sir yung sobre" paliwanag nito

"Then check the CCTV! FOOL!" sigaw ko

"We already done that sir but the cctv was hacked that time.Walang narecord sa nangyari pagpasok sa company at iniimbistigahan na namin ito" sagot nito

Napaupo naman ako.

The CCTV was hacked when someone was entering the headquarter.This HQ has a high security level.Imposibleng mapasok nalang ito ng kung sino sino

"May security sa lahat ng floor wala man lang nakapansin?!" tanong ko

"Wala Sir" sagot nito.

Ako ang pinupuntirya ng taong ito pero sino siya?Paano ko kakalabanin ang taong hindi ko kilala?

Is this is the real Queen of Black Ace?Alam ko namang hindi talaga si Maxima ang Queen, good thing at nagawa naming paniwalain ang mga tangang tao.

Tinignan ko ang sulat at inamoy ito.Dugo nga ang ipinangkulay sa sulat.Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit Queen ang ginawang signature ng Queen ng Black Ace madalas naman na Devil ang iniiwan niyang signature.Posible bang isa itong nagpapakilalang bagong kalaban sakin?

I should be careful.Mukhang malakas na kalaban ang makakalaban ko ngayon.Ano naman kaya ang pakay nito sakin?

Maxima POV

Iniinom ko ang wine sa wineglass na hawak ko habang pinapanood sa mga monitor sa harap ko ang bawat kilos ng mga nasa HQ ng shadow corp.Lahat ng kilos nila pinapapanood ko bawat plano nila naririnig ko.

Napatingin ako sa itsura ngayon ni Greco Sanchez ng mabasa ang sulat na ipinadala ko.Hintayin niya lang dahil buburahin ko na siya sa mundong ito.Hindi ko hahayaan na makuha niya ang inaasam niya.Pababagsakin ko muna sila.Isang pagbagsak na sobrang dikit sa lupa.Bagsak kung saan mas lulubog pa sila.Kukuhin ko ang lahat ng kanila.

Those who want everything every time will lose everything any time...

I will be the new Queen because I'll rule this game. A game where you win or you die.

Paglalaruan natin ang buhay nila at iisa lang ang finish line.Sa kamay ko parin sila babagsak at sa impyerno parin sila pupunta.

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now