Chapter 18:Two Down

1.3K 37 1
                                    

Third Person POV

Nanginginig ang mga kamay ni Greco habang naglalakad papasok ng morgue.Hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang sarili.Tila pati ang mga kalamnan niya ay nanginginig sa galit.Nagsimula na siyang magsisigaw ng Makita ang nakahigang katawan ng anak na wala ng buhay ng tanggalin niya ang isang puting tela na nakatakip dito.Puno ng lungkot ang galit ang nararamdaman niya sa oras na ito.Gustong gusto niyang ibaon sa lupa at patayin ng paulit ulit ang taong gumawa nito sa anak niya.

Hindi siya makapagsalita sa galit at tila gumuho lahat ng plano niya para sa anak.Napaupo nalang siya dahil nanghina na ang mga tuhod niya.Pagbabayarin niya ang sinumang gumawa nito sa anak.Napatingin naman siya sa katabi pa nitong bangkay.Sinilip niya ito para Makita at kumpirmahin kung totoo ngang magkasama ang anak niya at ang Reaper ng Black Ace at napabuntong hininga na lang siya ng Makita ang bangkay ni Zhavria.Buong akala niya ay patay na ang Reaper ng Black Ace pero heto sa harap niya at kamamatay lang kasama ng anak.Hindi niya akalaing itinago ni Tanner ang Reaper.

Napatingin naman siya sa taong pumasok ng Morgue.Ang bagong head ng Shadow Corp na minsan niyang sinuyo pero tinanggihan siya kaya Makita niya lang ito ay umiinit na ang ulo niya.Lagi itong nakasunod at nakatingin sa mga galaw niya.Hindi niya ito magawang banggain ng harapan dahil malaking pamilya ang pinanggalingan nito.Kahit saksakin niya ang likuran ay hindi niya magawa dahil may mga nakabantay sa likod nito.Sigurado siyang may itinatagong sekreto ang lalaking kaharap niya.

"Nagsama sama ang traydor" sabi nito na mas ikinakulo ng dugo ni Greco

Inayos naman ni Greco ang neck tie niya at nilagpasan ang binata.Wala siyang panahon makipagtalo dito lalo na at madami pa siyang problema na kailangan niyang solusyunan.

"Kung ako sayo sumuko kanalang.Wala kanang laban" sabi ng binata.Napatigil naman si Greco sa paglabas at tumingin dito

"Mr.Yamanaka walang dahilan para sumuko ako.Learn to give respect to others at isa pa magingat ka sa pananalita mo .Hindi moko kilala" sabi ni Greco

Napatawa naman si Shin na ikinakunot ng noo ni Greco.

"Mr. Greco Sanchez ikaw dapat ang magingat dahil ako ang hindi mo kilala.Ako ang pinakadelikadong tao sa Shadow Corp" sabi ni Shin

"Too straightforward Mr.Yamanaka.Wag kang mag alala.Tatandaan ko yan" sabi ni Greco at tumalikod na

"Lahat ng tao sa Shadow Corp ay pinaguusapan kana" sabi ni Shin saka ngumiti at sinipa ang hinihigaan ni Tanner.

Napahinga ng malalim si Greco at humarap muli kay Shin.Pinipigilan niya ang sumabog sa harap nito.

"Galing ka sa mayamang pamilya pero mukhang wala kang pinag aralan Mr.Yamanaka" sabi ni Greco

"Such a pity.Hindi mo man lang mabibigyan ng magandang libing ang anak mo" sabi ni Shin na tila hindi narinig ang sinabi ni Greco at lumabas na ng Morgue

Napakunot naman ang noo ni Greco sa sinabi ni Shin at napuno ng katanungan ang isipan ngunit isang tanong lang ang nangingibabaw sa lahat.

Sino ka Shin Yamanaka

---

Isinuot ng lalaking nasa harap ng salamin ang isang maskara.Maskarang minsan nang naging pagmamay ari ni Zhavria Kazer.Ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip niya ang maging miyembro ng Black Ace.Wala na siyang balak pang bumalik sa Shadow Corp.Hindi niya kayang humarap pa kay Deira o sa mga assassin sa Shadow Corp.Isang traydor ang tingin niya sa sarili ngayon ngunit ayos lang.Gusto niyang protektahan si Kim ngayon.Bagay na hindi niya nagawa dati.Bigla namang may yumakap mula sa likod niya at nakita niya ang repleksyon ni Kim sa salamin.May suot rin itong maskara tulad niya.

"Hindi kaba napapagod?" Tanong niya

"Napapagod saan?" tanong naman nito pabalik

"Sa pakikipaglaban" sagot niya

Mas humigpit naman ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya na tila may kinikimkim ito .

"Hindi ko alam na may nasasaktan ng sobra sa mga ginagawa ko." Sabi nito

Kumalas naman siya sa pagkakayakap nito at humarap dito.Tinanggal nito ang maskarang nakasuot dito at tumabad sa kanya ang maganda ngunit puno ng lungkot na mukha.

"We do the things that we need to do in order to survive but doing that things will hit some people .Tell me kung ano ang mali sa pagbawi , sa pagkuha ng hustiya sa mga nangangailangan. Sa pagbabalik ng utang na loob Sa...tsk nevermind" sabi ni Kim at tumalikod na pero hinatak siya pabalik ni Roger at niyakap

"Walang mali ...Kahit kailan ay hindi yon naging mali.Ang tanging bagay na mali sa mga yon ay ginawa mo sa ilegal na paraan" sabi ni Roger

Napasandal nalang si Kim sa kanya.Nasa isip nito ang lahat kung saan nagsimula ang lahat at hanggang ngayon.Kung hindi kaya siya binenta ng mga magulang niya sa sindikato nasaan kaya siya ngayon.Makikilala niya ba si Deira? Si roger? Si Damon o ang Black Ace?Maganda ba ang buhay niya ngayon.

Pinigilan niya ang luha na nagbabadyang tumulo.Itutuloy niya nalang kung ano siya ngayon.Huli na ang lahat para sa kanya.Hindi niya pwedeng takbuhan ang lahat dahil patuloy lang siya nitong hahabulin.

---

Malungkot na tinignan ni Maxima ang mga bagaheng binubuhat ng mga katulong pasakay ng kotse ngunit agad naman siyang ngumiti ng Makita si Carl.

"Noona! Don't you want to go with us?" tanong ni carl habang bitbit ang pusa.

Gusto man niyang sumama ay hindi pwede dahil may mga bagay pa siyang kailangang tapusin dito.

"Soon" ang tanging naisagot niya

Nalungkot naman si Carl sa sinabi nito pero ngumiti din.

"We'll wait for you Noona!" sabi ni Carl at tumakbo na patungo sa sasakyan.

Lumapit naman si Damon sa kanya na nakabihis din dahil kasama itong aalis ng bansa.

"You'll leave me again" sabi niya na ikinatanggal na ng ngiti sa kanyang mukha

"Of course not.May kailangan lang akong ayusin.Babalik din ako agad" sabi nito at hinawakan siya sa ulo.

Niyakap niya naman si Damon ng mahigpit.Aalis sila ni Carl sa bansa para doon na ilipat si Carl at para ayusin ang mga business niya doon.Nagkaroon ng problema dahil matagal siyang nawala.Ayaw niyang paalisin ang mga ito ngunit kailangan.Gusto niyang sumama pero hindi pwede.

"I love you" sabi ni Damon at kiniss siya sa ulo

"I love you too.I will miss you" malungkot niya na sabi.

Kumalas naman na sila sa pagkakayakap sa isat isa.

"Ingatan mo ang sarili mo para sakin" sabi ni Damon at ngumiti.

Ngumiti naman siya.

"Bumalik ka dito agad.Ako lang dapat ang titignan mo.Alagaan mo ng mabuti si Carl.Please come back safe" sabi ni Maxima.

Tumango naman si Damon at tumalikod na.Wala dito ngayon ang presensya ng King ng Black Ace.Isang Damon Creon Scheigner ang nakikita niya ngayon.Isang edukado at nasa presensya nito ang isang kagalang galang na tao.Isang lalaking nagtataglay ng mga katangiang pinapangarap ng isang babae.

'Sana sa susunod na buhay natin ay normal lang ang lahat.Walang away , paghihiganti o patayan.Magkikita tayo ng ganito.May dignidad at namumuhay ng normal'

Mahinang sabi ni Maxima at tumalikod nadin.

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now