Chapter 16: One Down

1.4K 40 2
                                    

Third Person POV

Napatingin ang Janitor sa mga patak ng dugo sa may 12th.Napakunot ang noo niya at iiling iling na pinunasan na lamang ang sahig ng basang mop.Pumunta siya sa emergency exit dahil mukhang pati doon ay may mga patak ng dugo at hindi nga siya nagkamali.Paakyat ng 13th floor ang mga patak.Kasi tuyo na ito ay masasabi mong dugo nga ito na galing sa kung sino.Umakyat siya ng 13th floor at sinundan ang patak ng dugo.Papasok ito sa isang apartment doon.Sinubukan niyang magdoorbell ngunit walang sumasagot.Kinuha niya ang walkie talkie na nakasabit sa may tagiliran at agad na kinontak ang guard sa front desk.Ilang beses pa siyang nagdoorbell ngunit walang sumasagot at ilang minuto nadin ang nakalipas.nakaakyat narin ang guard na kinontak niya.

"May mga malalaking patak ng dugo boss kaya kinontak kita baka kasi may iba nang nangyari dito" sabi ng Janitor

Sinubukan naman buksan ng guard ang pinto.Hindi nakalock ang pinto.Pagkabukas ng pinto ay nakita nila ang dalawang taong nakahiga sa sahig habang papaligiran ng dugo.Napaupo ang janitor sa nakita.

Catalina POV

Pinulsuhan ni Detective Chief si Tanner at Zhavria.Pagkatapos ay umiling iling ito.

"22 hours na silang patay.Tuyo narin ang mga dugo sa paligid" sabi ni Mikael pagkatapos ay tumingin tingin sa paligid.

Ako naman ang sumubok para kumpirmahin ang sinabi ni Mikael.

Wala na nga silang pulso at kapwa malamig na ang katawan nila.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.Hindi ko inaasahan na papatayin sila agad ni Maxima.Wala naman ng iba pang gagawa nito kung hindi sya o si Shin .Imposibleng ipagawa niya ito kila Christian at KC at sigurado akong hindi niya ito ipaguutos sa ibang miyembro ng Red Vindicta.

Habang nagtatagal ay mas lalong nagiging mapanganib si Maxima.Ganon nga siguro kapag nasaktan.Unti unti kang magbabago at darating sa punto na hindi mo na makikilala ang sarili mo dahil ipinanganak na ang bagong ikaw.

Tinignan ko ang paligid.Napapaligiran ng mga yellow tape ang buong apartment ni Tanner.Bawat dingding ay may bahid ng dugo.Anong klaseng laban ang nangyari dito?Ayos lang ba si Maxima?Tinignan ko ulit ang bangkay nila.Magkaharap sila sa isa't isa.Nakwento na sakin ni Maxima ang tungkol sa issue ni Tanner kay Zhavria.Masakit sigurong Makita ang minamahal mo na unti unting pinipikit ang mata at alam mo sa sarili mo na ito na ang huling pagkakataon na makikita mo siya.Na ito na ang huling sandali ng buhay niyo.Na hindi man lang kayo tatanda ng magkasama.Sabi nila na pagsisihan mo sa huli ang lahat ng pagkukulang mo sa kanya.Na sa bawat paghinga mo at unting unting paghina ng puso mo ay mapupuno ka ng mga 'sana'.Sana hindi pa ito ang huli.Sana Makita ko pa siya.Sana narinig ko man lang ang mga tawa niya.Sana nakita ko ang pinakamasayang ngiti niya.Napakadaming sana.

"May dugo din dito sa balcony.Pati na sa ibabang balcony ng isang apartment" sabi ni Sukjin

Tinignan ko ang sinasabi niya at tama nga siya may dugo doon.

"Sa palagay ko sinugod ng Reaper si Mr. Sanchez dito.Nakakagulat lang na nagtabla sila ni Tanner.Pareho silang namatay" sabi ni Sukjin

"Mas nakakagulat na nandito sa harap natin ang bangkay ng Reaper na si Zhavria na 22 hours palang ang nakakalipas ng namatay.Hindi ba ay pinatay niyo na dati si Zhavria Kazer.Paanong nandito siya" sabi ni Mikael at tumingin sakin.

"Yan din ang alam ko" sabi ko

"May suot silang parehas na singsing" sabi ni Jaesuk na ikinatingin namin

"Kung susumahin ay mukhang hindi sila naglaban.May iba silang kalaban at natalo sila ng kalaban nila" dagdag pa ni Jaesuk

"Kung ganon sinasabi mo bang magkakampi si Tanner at Zhavria?" Tanong ni Mikael

Tinignan ko naman si Jaesuk na nakatingin narin sakin ngayon.

"Sa tingin ko lang" sabi ni Jaesuk at inalis na ang tingin sakin

"Sino naman kaya ang kalaban nila?" kunot noong sabi ni Mikael

"Mukhang tuluyan ng nawala ang tiwala ko sa Shadow Corp.Una si Maxima at ngayon si Tanner naman...Sino pa sa inyo ang may koneksyon sa Black Ace?" sabi ni Sukjin na nakatingin sakin

"Mr. Magingat ka sa mga sinasabi mo" banta ko sa kanya

"Sinasabi ko lang dahil masyado ng nakakahiya ang Assassins lalo na at anak pa ng Head si Tanner" sabi ni Sukjin at tumalikod na

Malalim naman akong huminga.Puno ng traydor ang Shadow Corp kung alam niya lang.

Lumabas nako ng kwarto.Didiretso ako sa HQ ng Red Velvet.Gumagawa si Maxima ng mga bagay na hindi man lang ikinokonsulta sa amin.

Isa pa Shadow Corp ang kinakalaban niya.Hindi lang basta assassin.Natatakot ako na baka mapahamak siya.

Greco POV

Nahulog sa kamay ko ang phone ng marinig ang balita.

Gusto na ata mamatay ng taong ito at kung ano ano ang pinagsasabi tungkol kay Tanner.Napasarado ang kamao ko.Baka nagkamali lang siya.Tama! Nagkamali nga lang siya.

Pinulot ko ang phone ko.

"Ano ang sinasabi mo?Mukhang nagkamali ka ng balita" sabi ko

'Sorry.Pwede bang pakiabot kay Mr.Greco Sanchez ang telepono?May kailangan siyang malaman tungkol sa anak niya'

Sagot nito

Napahawak ako sa ulo ko .Hindi pwede to!

Napatingin ako sa taong pumasok ng office ko

"Sir .May natanggap kaming balita patungkol kay Death Shado-"

"SHUT UP!!!GET OUT OF MY OFFICE!!!" Putol ko sa sinasabi niya.

Hinampas hampas ko ang lamesa sa harap ko saka itinaob.

This is bullshit! IMPOSIBLE ANG SINASABI NIYA!

IMPOSIBLENG MAY GUMAWA NOON KAY TANNER!

"AHHHHH!!!!!!" sigaw koat sinuntok ang glass window

Imposible!

Pinakalma ko ang sarili ko at lumabas ng office.

"Dalhin mo ko kung nasaa si Tanner" utos ko sa bodyguard sa labas

Tumango naman siya .



***


Greco Sanchez.This is one of your punishment.The most painful thing thatyou will carry as long as you're alive.

-Bloody Queen    

Revenge of the Queenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن