Chapter 11: First Target

1.4K 41 3
                                    

Third Person POV

Nagkakagulo ang lahat ng mga assassin sa harap ng Shadow Corp dahil isang bangkay ang natagpuan kaninang umaga.May saksak ito sa tiyan at mga tama ng baril habang nakabalot sa isang puting kumot.Kahapon lang ay nakita pa nila si Jane Santuracas na palabas ng HQ pero ngayon ay isa na itong malamig na bangkay.Kanina parin chinecheck ng mga security ang CCTV ngunit wala ang video ng mga oras na inilagay ito sa harap ng HQ.

"Napakalakas naman ng loob ng taong gumawa nito.Talagang ang head pa ang tinarget niya" sabi ni Mikael isang Detective Chief Superintendent na incharge sa kaso na may kinalaman sa Shadow Corp

"Mukhang malakas na grupo ang may gawa nito dahil hindi naman kayang gawin ito ng mga ordinaryong gangster o mga mafia" sabi ni Jaesuk na nasa hanay na grupo ni Mikael.Isa ito sa pinakamalakas na police officer sa grupo ni Mikael

"Sino?Ang Black Ace?Ano naman ang masamang sekreto ni Ms.Santurcas para patayin siya ng Black Ace?" tanong ni Mikael na napaisip din.

Mga taong may maitim na lihim lang ang pinupuntirya ng mga Black Ace at madalas ay mga may posisyon sa gobyerno at mga kriminal ang pinapatay nila

"Baka naman may kaaway si Ms.Santurcas kaya pinapatay siya.O baka may lihim talaga siyang itinatago" singit ni Sukjin.Isang inspector na nasa grupo din ni Mikael

"Narinig niyo na ba ang bagong grupo ? Ang grupong tinatawag na Red Vindicta?Sikat na sikat ito sa mundo ng mga masasama at kalat na kalat na ang pangalan na ito...May posibilidad na si Bloody Queen ang may gawa nito" sabi ni Jaesuk

Napakunot naman ang noo ni Mikael

"Bloody Queen?Ang leader nila na tinalo ang Devil ng Black Ace?malabo" tanong ni Mikael

"Siguro mas maganda kung makikipagsanib sa atin ang sinasabi niyong Red Vindicta mas mabilis nating mahuhuli ang mga Black Ace" sabi ni Sukjin

"Sira kaba.Mas malabong mangyari yon isa pa hindi na natin sakop ang Black Ace , ang Shadow Corp ang may trabaho na hulihin sila.Kung tutuusin ay kaaway din natin ang grupo na iyon " sabi ni Mikael

"Bakit ?Wala pa akong nababalitaan na masamang ginawa nila" sabi ni Sukjin at napailing

"Meron na ...Hindi pa lang natin alam" sabi ni Jaesuk at tinignan ang bangkay na nasa harap nila

"Parang sigurado ka na may ginawa na sila ah" sabi ni Sukjin at tinapik tapik ang likod ni Jaesuk

Tinignan naman mabuti ni Mikael si Jaesuk.Walong taon nadin niyang katrabaho ang isang ito pero hanggang ngayon ay napakamisteryosong tao parin nito.

***

Nakatingin lang mula sa bintana si Greco.Hindi niya alam kung bakit ginawa ito ng taong pumatay kay Jane at wala siyang clue kung sino ang gumawa nito.Bakante na naman ang posisyon at iniisip niya na si Tanner ang ipalit ngunit kailangan niya pang ikonsulta ito kay April.Napailing nalang siya ...Sana lang ay walang sekretong inilabas si Jane bago ito mamatay.Nalagasan na siya ng isang tauhan...Napakunot naman ang noo niya ng may matanaw na babaeng pumasok sa pinakababa ng building

Zhavria POV

'Ang tagal mong namahinga ' sabi ng taong nasa kabilang linya.Ang devil ng Black Ace

Hindi naman ako sumagot at nakikinig lang .Hindi ko alam kung anong kailangan niya sakin.Kanina lang ay nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ang tawag niya.

Lagi akong nagiisip kung itutuloy ko pa ito o bibitawan ko na ang posisyon ko bilang Reaper ng Black Ace.

Isa pa wala nadin ang Demon ng Black Ace.Nakita ko kung paano niya isakripisyo ang sarili niya para sa babaeng iyon.Nakita ko ang lahat kung paano sila mahulog sa tulay at hindi na muling umahon pa.Hindi ko magawang lumapit dahil napakadaming bantay.Kilalang kilala na ako ng mga ito kahit walang maskara at ang alam nila ay patay na ako.Sino bang magaakala na sa ganong sitwasyon mamatay ang kinatatakutan ng lahat.Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal mo sa isang tao.

'I will declare a war between us and Red Vindicta.So be ready ...Papatayin ang lahat ng nasa grupo niya' sabi ulit ni Kim

Siya ang fiancé ni Tanner dati.Binalaan ko si Tanner na si Kim talaga ang tunay na Queen ng Black Ace.Hindi ko kayang itago lalo na at si Tanner ang kaharap ko.Ang hindi ko lang maintindihan ay galit na galit siya.Nalaman ko na si Maxima pala ang pangalawang babaeng minahal niya pagkatapos ko at sa tingin ko mahal niya parin ito.Kaya siguro galit na galit siya.Sana lang ay hindi ako makalimuran ng puso niya.

"Nakalimutan mo naba ang purpose ng grupo na ito?" Tanong ko.Mukha kasing nakalimutan na niya talaga.Hindi naman siya nakasagot agad

'Alam ko pero isa narin ang Red Vindicta sa kaaway natin.Paghihiganti ang dahilan kaya nabuo ang grupo nila at malaki ang posibilidad na isang tao ito na naghihiganti sa pagkamatay ni Maxima.Alam mo ba ang ibig sabihin non?Isa si Tanner sa target nila' sabi nito sa kabilang linya.

Oo nga pala .Siya ang pinaka unang tinawagan ko ng makarecover ako at ikinewento ko ang lahat sa kanya

"Copy" sagot ko at pinatay na ang phone.Iniisip ko palang na magpakalayo layo na at mamuhay ng tahimik pero sa narinig ko ay bigla nalang nagbago ang isip ko.Hindi ko hahayaan na may mangyari nanaman na ganito.Ayokong mawala ulit sakin si Tanner.

Maxima POV

Hindi na masama.Mabilis kumilos si Shin.Palaki na din ng palaki ang mga kasapi ng Red Vindicta at sigurado akong may ginagawa ng hakbang si Kim.Nakakaramdam ako ng excitement sa kung ano mang gagawin niya.

"Nailipat mo naba?" tanong ko kay Christian.

"Oo lahat ng pag aari ni Greco Sanchez ay nasa pangalan mo na.Bahay at posisyon niya lang sa trabaho ang natitira sa kanya gaya ng utos mo.Si Tanner naman ay wala ng natitirang pag aari niya na nasa pangalan niya pa" sagot naman nito.

Napangiti ako sa narinig.Ibabalik muna natin sila sa kung saan sila nanggaling.

Apat na tao lang naman ang target

Tanner Sanchez

Kim Liaxoa

Greco Sanchez

April Tuastom

Sila lang naman pero kapag may humarang sa daan ko ay hindi ako magdadalawang isip na isama sila sa hukay.Apat na buhay lang ang kailangan ko pero sigurado akong hindi lang apat na buhay ang mawawala kung hindi marami.Ineexpect ko na na madaming makikielam.

Oras na siguro para gumawa nadin ako ng hakbang .

Tanner Sanchez una ka sa listahan.

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now