"Demigod..." narinig ko ang malamig na tinig ni Eris. Pinatakbo niya ang kanyang kuko mula sa lalamunan ko hanggang sa baba at marahas na inangat ang aking ulo para tignan siya.

Hindi ko gaanong nakikita ang mukha niya dahil sa mga luhang namumuo sa aking mga mata.

"This is what you get." aniya at tinanggal ang kanyang kamay mula sa baba ko. Tumayo siya at tinignan ako na nakaluhod.

"I do not know who and what you really are. But I know for sure you're one of those against us." dagdag niya. "And I'm gonna have to kill you not in the future, but from here."

Hinanda ko na ang sarili ko.

Bumalik na naman kasi ang ala-ala ko dati, sa unang digmaan sa Academy kung saan tinawag ako ni Athena na duwag.

Siguro nga...

Yun ang totoo.

Dahil nanggaling mismo ito kay Athena.

At hinding-hindi ko matutupad ang pangako ko sa aking sarili na ipakita sa kanya na mali 'yon.

Napakurap ako dahil may tumama na nakakasilaw na bagay kay Eris dahilan na matumba siya. Pinunasan ko ang aking mga mata at nakita ang isang lightning bolt na nakapatong sa balikat ni Eris.

Nagtaka ako kung saan nanggaling 'yon kahit nang makita ko na si Trev na tumatakbo papalapit sa'kin.

Imposibleng nanggaling ito sa kanya, diba?

"Stand up." Inutusan ako ni Trev na tumayo.

"A-akala ko wala tayong abilities dito? Bakit-Saan-Paano?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Seryoso niya akong tinignan. "Weapon." matipid niyang sagot.

Weapon...

Naalala ko nung claiming ceremony at siya lang yung walang bitbit na weapon...

Huh. kaya pala...

"We need to get going. Now!" hinatak ako ni Achlys.

"Sa'n tayo pupunta?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Umakyat kami ng hagdan at pumasok sa madilim na silid.

"Do it again." utos niya. "What you did when you broke my trance. Do it again. But this time, you're not breaking anything. You're opening one."

"Opening? Trance?" hindi ko gaanong nakuha ang sinabi niya.

"Yes. But not a trance." kinuha niya ang aking mga kamay. "You need to open your memories."

Halos mabilaukan ako ng hangin sa sinabi niya.

"We have no time!" sigaw niya.

Napalunok ako at nagsimulang alalahanin kung paano ko nasira yung barrier at trance niya.

Dinamdam ko ang aking sarili at hindi ang kapaligiran dahil utak ko ang magiging lugar na co-controlin ko.

Isang beses kong narinig ang malakas na pagkabog ng aking dibdib at kasabay nito ay ang pakiramdam na para bang may yumuyugyog sa'kin. Umiikot pa ang paningin ko at nang bumalik na ito sa normal, nasa sala na kami ng dating bahay namin.

Nakatayo sa harap namin si Mnemosyne. Nginitian niya kami. "Seems like the team is finally complete."

Pinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko.

"The only thing missing is a plan, don't you think?"



Kara's POV

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now