"I see," tumango si tito Howard, "I'll pull some strings from my end."

"Po?" Gulat na sagot ni Alexa.

Ngumiti si tito Howard. "Sa tingin mo ba if our family approved of that outdated tradition ay single pa rin ako?"

"So, tutulong po kayo?" Tanong ni Hail.

"Of course," tango ni tito Howard, "I'll back you up, Lady Alexa."

"That's great! Thank you, uncle!" Ngiti ni Alexa.

"I'll make arrangements later, after we eat. Okay?" Malapad ang ngiti ni tito Howard sa direksyon ko.

"Okay po," tumango ako sa direksyon niya, nakangiti rin.

May something sa ngiti niya na nakapag pagaan ng loob ko. Naimagine ko si daddy. Ganun rin kaya siya ngumiti?

Sumenyas si tito Howard sa butler sa tabi ng isang pinto at tumango ito. Pumasok ng pinto yung butler at matapos ang ilang segundo ay lumabas siya kasama ang ilang mga katulong para ilapag ang pagkain sa harap namin.

"Sabi sa akin ng Mama mo mahilig ka sa isda at ng gulay kaya pinaluto ko ang mga paborito mo," sabi ni tito Howard.

Napangiti ako nang makita kong naglapag ang butler ng tinapa, itlog na maalat at kamatis sa may tapat ko.

"Mahilig ka sa tinapa?" Gulat na tanong ni Alexa sa akin.

Natawa ako. "Nung high school ako,"

"Hindi na ba?" Tanong ni Hail.

"Hindi na masyado pero gusto ko pa rin siya." Kumuha ako ng tinapa at naglagay ng itlog na maalat at kamatis sa plato ko. 

"Chopseuy?" Alok ni Mama na hawak hawak yung serving spoon ng ulam.

"Yes po,"

Habang kumakain ay iniisip ko si Raegan. Kumusta na kaya siya? Nakakain na kaya siya ng dinner?

Tahimik lang kami ni Alexa at Hail habang nagkukwentuhan naman sila Mama at tito Howard. Siguro ay marami rin iniisip sila Alexa at Hail katulad ko.

"Baby Kamatis?" Tawa ni tito Howard. "Bakit kamatis?"

"Kasi gusto ni Genesis ng kamatis so ginawan ko siya ng kamatis costume," kwento ni Mama.

Napailing na lang ako na ikinukwento niya ulit yung kamatis costume ko nung bata pa ako pero di na ako umangal dahil gustong gusto niya yung  kwentong iyon.

Nang matapos kami kumain ay ipinakilala ako ni tito Howard kay kuya Fernan, ang head butler ng House Chronos na kanina pa nagseserve sa amin. Para sa proteksyon ko daw ay magiging personal butler ko muna siya. Tutol ako sa una pero wala rin akong nagawa dahil pinilit na rin ni Mama na gusto niyang ligtas ako sa lahat ng oras. May butler din kasi na inassign si tito Howard para sa kanya.

After ng introduction ay hinatid na kami ni kuya Fernan sa mga kwarto namin. 

Malaki ang guest room ko, halos kasing laki lang din ng kwarto ni Raegan sa House Zeus. At dahil hindi ako nagkaroon ng chance na tingnan yung kwarto ko kaninang hapon ay tiningnan ko kung anong meron sa mga pinto sa kwarto.

Ang isang pinto ay nagdala sa akin sa isang CR. Yung isang pinto naman ay para lang sa isang cabinet na wala namang laman. 

Naupo ako sa gilid ng kama ko at napatingin sa kabuuan ng kulay asul na kwarto. Wala itong painting or kahit anong picture. Simple lang ito at walang ibang gamit other than sa tokador sa isang side ng kwarto at sa lalagyan ng TV sa tapat ng kama.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon