Agad silang nangilabot, Dark Continent ang isang maliit na kontinente sa South Pole ng Aralon. Kung ang hilaga ay kulay puti dahil sa makapal na nyebe buong taon, ang timog naman sa ibaba ng kaharian ng Gorgona ay purong itim. Sinasabing umaga man o gabi ay walang liwanag na nakakapasok sa lugar. Marami na ang nagtangkang libutin ang lugar subalit puno ito ng panganib at walang nakakabalik ng buhay matapos pumasok sa kadiliman ng kontinente. Isa itong lugar kung saan hindi gumagana ang magic kung kaya't walang sinuman sa makabagong henerasyon ang nagtatangkang humalughog sa lugar. Pinaniniwalan na ito ay lugar ng kawalan at walang hanggang kadiliman. Ayon sa alamat ay dito minsang ipinatapon ng mga diyos si Lucere, sinasabing ang Dark Continent ay ang Void. Subalit walang nakakaalam ng totoo hanggang ngayon.

Sa kabilang banda, ang grupo nina Charmaine ay abalang humihigop ng tsaa malayo sa kasiyahan. Nasa isa silang pribadong silid sa Pavillion of Golds at sa harap nila ay may isang babae, ang marangyang kasuotan nito ay nagsusumigaw at nagdedemand ng respeto mula sa mga tao. Ito ang uniporme ng Council of Magic.

“Would you like some sweets?” alok ng magandang babae at may lumitaw na ibat-ibang klase ng matatamis na pagkain sa lamesa sa harap ng magkakaibigan.

Everyone happily dig in. Na-miss nila ang lasa ng pagkain ng Aralon!

“Habang busy pa kayo sa pagkain, nais kong ipaliwanag ang kondisyon ko.” Saad ng babae sabay higop sa tasa ng tsaa.

“Go on.” Sagot ni Flay habang busy sa pagkuha ng panibagong slice ng cake.. “Javen you should try the red one, it's a Crimsonberry Cheese Cake.”

“That reminds me of Gaia's Red Velvet Cake.” Tanisha

"But it tastes different." Kontra ni Aliya

“Flay wag mong agawan si Alivia.” Saad ni Javen

“This Imperialberry muffins are the best!” komento ni Aliya

“Aliya wag mong i-monopolyo ang muffins. Share some with us.” Reklamo ni August

“Kung ayaw mong ipagdamot ko itong muffins, bakit di mo muna i-share yang biscuits na kinakain mo? Mukang masarap din yan, ipinagdadamot mo samin.” Tugon ni Aliya

At nagpatuloy ang bangayan nila, nanatiling abala si Charm sa paghigop sa kanyang tsaa. Hindi sya nakisali sa pag-aagawan nila dahil alam nyang matatalo lang sya sa bandang huli, sayang ang effort.

“Ehem. So as I was saying, I will help you get a slot for the exam. But in return, you must pass by all means.” Sabat ng babae

“No problem.” Sagot ni Charm

“Chicken.” Aliya

“Keri lang.” August

“Easy" Flay

“Madali lang po yan.” Batang si Alivia

“Kaya naman namin yun.” Javen

“Wala po bang mas challenging?.” Tanisha

“Wag kayong masyadong chill. Kapag hindi kayo nakapasa, I will personally arrest you. Malinaw na tayo dun?” saad at tanong ng babae

“Malinaw.” Flay

“Malinaw na malinaw.” Aliya

“Mas malinaw pa sa karagatan ng Gorgona.” August

“Mabuti naman. Ang badge na ipinakita nyo ay pagmamay-ari ng Witch of Catastrophe, si Eclipse Montregomie, kasama sya sa top 10 ng pinakamalalakas na witch ng Aralon. Limang taon na simula noong huli syang nagpakita at kung totoo ang sinasabi nyo na nasa Gaia sya ngayon at sya ang inyong master, then the five of you are qualified to get a slot for the exam. Pero wag nyong kalilimutan na nasa Search List kayo ng council dahil sa nangyari sa school nyo noon. Kung hindi ko iginagalang si Lady Cassiopeia, marahil ay kinukwestyon na kayo ng Council sa halip na humihigop ng tasa ng tsaa ngayon.” Saad ng babae

WitchcraftWhere stories live. Discover now