38: Final

15.2K 204 80
                                    

NOTE: THIS is the last chapter of #NSFW: HE CAN TELL (Wattpad Version). Maraming salamat sa pagbabasa. Available na ang book sa mga Precious Pages Store at ibang bookstore gaya ng NBS. Makabili sana kayo ng copy. Salamat. :)

PS: Yep, hindi ito ang ending sa book. Marami pang ganap at SPG scenes bago matapos ang kuwento. At siyempre, exclusive din sa book ang FULL version ng ligawan nina North at Sori. ;)

***

"I WON'T hurt Melody Rose so you don't have to guard her," walang emosyon na sabi ni Hector kina Wilde at Jooe na nakaupo sa magkabilang-dulo ng malaking couch sa condo ni Hector kung nasa'n sila ngayon. "And I won't escape this time. Kapag nagawa ni Melo ang gusto ko, susuko ako sa inyo. Wala naman akong planong takasan ang mga krimen na ginawa ko. I just want to make sure that Abigail is safe before I go."

"I'm sorry but we can't trust the words of a criminal," sagot naman ni Wilde. "Magbabantay kami dito hangga't kailangan."

Bumuga ng hangin si Hector habang iiling-iling. "Fine. Suit yourselves."

"Melody Rose, sigurado ka na ba sa gagawin mong 'to?" nag-aalala at halatang iritadong tanong sa kanya ni Jooe. "Talaga bang aakuin mo ang pana ng isang Aphrodite Arrowblood? Puwede kang mamatay sa gagawin mo. Lahat ng naging biktima nina Dante at Hector, comatosed pa rin hanggang ngayon."

"At magigising silang lahat kapag nagtagumpay ako," katwiran ni Melo. "Hindi ako nagpapaka-hero pero gusto ko naman talagang gawin 'to para kay Hook. Nadagdagan lang ang reason ko no'ng nalaman kong maraming babae din akong maililigtas kung ako ang mapipili ng pana bilang bagong owner niyon."

Pagdating nila sa condo ni Hector kanina, ipinaliwanag nito ang sitwasyon habang tinututukan nina Jooe at Wilde ng pana. Kalmado lang si Hector at umiinom ng earl grey tea habang sinasabi sa kanya kung ano ang kailangan nito.

He needed a new Aphrodite to save Abigail Lewis.

"Anyway, I will die if Hook dies but I'd rather die saving him," pagpapatuloy niya, saka niya binigyan ng apologetic smile sina Wilde at Jooe na halatang nalungkot sa desisyon niya. "Don't look at me like I'm about to kill myself. I promise to come back alive."

"You better do," sabay na sabi naman nina Wilde at Jooe.

"Let's go, Melody Rose," pag-aaya naman sa kanya ni Hector sa halatang naiinip na boses. "Ayaw mo naman sigurong patagalin pa ang "pagtulog" ni Hook, 'di ba?"

Tumango naman siya. "Let's go."

Nauna na sa paglalakad si Hector at sinundan naman niya ang lalaki. Pagdating nila sa pinto ng master's bedroom, pinagbuksan siya nito at pinaunang pumasok. Nagulat at namangha agad siya sa nakita niyang babaeng nakahiga sa kama.

The woman who was sleeping deeply while being engulfed in a purple light looked very beautiful. Para itong prinsesa sa isang Disney movie lalo na't nakasuot ito ng white dress. Ang haba na rin ng deretso at blonde nitong buhok. Kahit natutulog, halatang maganda ito.

"She's beautiful," bulong ni Melo. "Who is she?"

"Abigail Lewis," sagot naman ni Hector na umupo sa gilid ng kama. Pagkatapos, maingat nitong hinawakan ang kamay ng babae at hinalikan iyon. The way he looked at the sleeping beauty already told her how much he loved her. "She's Hook's friend and who's always been in love with him."

Nagulat siya dahil hindi niya alam 'yon. Wala namang nababanggit sa kanya si Hook na babae ng nakaraan nito. At hindi rin naman siya nagtatanong dahil para sa kanya, hindi na dapat inuungkat ang past relationship ng partner kung hindi naman kailangan.

"But Hook turned her down because all he feels for her is admiration," pagpapatuloy ni Hector. "Pero naging mapilit si Abigail. Tinanggap niya ang pana ng isang Arrowblood na may dugo ni Aphrodite. Ang mga pana ng mga may dugong main god kasi, posibleng ipasa sa mga mortal o fellow Arrowblood na mapipili ng pana. Akala ni Abigail, makakaya niyang i-contain ang kapangyarihang ibinigay sa kanya. But unfortunately, her life force was sucked out that's why she fell into a comatosed state. The only reason the arrow still recognizes her as its owner is the respect it had for Melissa Wilson– its original master who chose Abigail as her heiress." Binuka nito ang palad kung saan lumabas ang maganda at kakaibang purple arrow, saka siya nito nilingon. "I forced this arrow out of Abigail's body so it would stop consuming the little amount of life force left in her body. But this arrow needs to be fed that's why I've been looking for mortal women who could replace Abigail as its owner."

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon