18: Her Reason

6K 167 7
                                    

"IF YOU'RE gonna pout all day, you should have just accepted Hook Rushton's proposal, Melody Rose," sabi sa kanya ni Jooe habang abala ito sa pagbabasa sa pakete ng hawak nitong pasta. "Hindi naman totoong sex lang ang gusto mo sa kanya, 'di ba?"

Bumuga lang si Melo ng hangin habang nakapalumbaba at nakatukod ang mga siko sa handle ng grocery cart na nasa harapan niya. "I like Hook, yes. Pero kung hindi niya maalis ang marka sa katawan ko, hindi na lang ako makikipag-date sa kanya. He will only get hurt when I die."

Ngayon niya naintindihan ang naging desisyon ni Hook noon na saktan siya para siya na ang mismong lumayo rito. Kasi sa pagkakataong 'yon, sinadya niyang sabihin sa lalaki na sex lang ang habol niya rito para ito naman ang masaktan at ma-turn off sa kanya.

Kung mag-de-date kasi sila, posible na lumalim ang feelings nila sa isa't isa. Kapag nangyari 'yon, pareho lang silang masasaktan kapag namatay na siya.

"You're not going to die, Melo," saway sa kanya ni Jooe, saka nito marahang pinukpok sa ulo niya ang hawak nitong pasta bago 'yon nilagay sa cart. "I was in Greece last week to meet up with my parents who have ties with other Arrowbloods. 'Yong mga Arrowblood na 'yon, they asked our family to meet them. They informed us that there's an Arrowblood with Aphrodite's blood that's wrecking havoc here in the Philippines. Bihira lang ang mga Arrowblood dito sa Pilipinas kaya pinatawag nila kaming mga Filipino Arrowbloods para maki-cooperate sa kanila."

"Really?" gulat na tanong niya, saka siya dumeretso ng tayo. "What's happening?"

"I don't know the details," sagot nito habang tinutulak ang cart. "'Yong mga Arrowblood lang na may dugo ng isang main god ang involved sa dangerous affair ng mga Arrowblood. Like I said before, madugo ang agawan ng kapangyarihan sa kanila. They just ask Arrowbloods like me for minor help."

"I'm glad you're from the lineage of a minor god," relieved na sabi niya, saka niya pinalupot ang braso niya sa payat na baywang ni Jooe. Kailangan niya ng suporta sa pagtayo at paglalakad dahil nanghihina na naman siya pero ayaw niya 'yong ipahalata sa kaibigan. "Anyway, anong klaseng cooperation naman ang hinigi nila sa mga Filipino Arrowbloods?"

"To keep an eye on famous, influential, and top female celebrities in the Philippines," sagot nito. "Apparently, sinasaktan ng rogue Arrowblood na 'yon ang mga babaeng maganda, sikat, at successful dito sa Pilipinas. Pero hindi 'yon nababalita sa TV dahil siyempre, protektado ng mga TV network at mga entertainment agencies ang mga talent nila. Saka baka may media blackout din dahil sa impluwensiya ng mga Arrowblood na may dugo ng mga main god."

"That sounds dangerous," komento niya. "Pero hindi na nakakagulat. Medyo insecure naman talaga si Aphrodite sa mga mortal women na pumapantay sa ganda niya, 'di ba?"

"Careful, Melo," pabirong banta ni Jooe sa kanya. "The main gods hate it when mortals mock them."

Tinawanan niya lang 'yon. "I'm not afraid of them."

"I know," nakangising pagsang-ayon naman nito. "Anyway, ngayong na-confirm ko nang may Arrowblood talaga dito na may dugo ni Aphrodite, hahanapin ko siya para pilitin siyang alisin ang marka ni Dante sa katawan mo, Melo."

Mariin siyang umiling bilang pagtutol. "Please don't do that. Kung nananakit siya ng mga mortal, hindi imposible na saktan ka rin niya, Jo. Ayokong may mangyaring masama sa'yo dahil lang tinutulungan mo ko."

Tumango lang ang babae at bago pa niya 'to piliting mangako sa kanya na hindi nga 'yon gagawin, binago na nito ang usapan. "Nag-Google din ako kagabi tungkol sa POIS, Melo."

Hindi naman sa pinagkakalat niya ang sakit ni Hook dahil alam niyang confidential ang mga gano'ng impormasyon. Pero kinailangan niyang sabihin iyon kay Jooe dahil ang babae ang tumutulong sa kanyang maghanap ng bubura sa marka sa katawan niya. Saka ito lang din ang pinagsabihan niya ng tungkol do'n at wala nang iba pa.

Nakokonsensiya siya na hindi nila 'yon sinasabi kay Sori pero wala naman siyang karapatang ipagsabi ang sekreto ng iba kung hindi naman kailangan.

"It really exists, huh?" naaaliw na komento ni Jooe. "Pero ang nakakapagtaka lang eh 'yong effect ng allergy symptoms kay Hook Rushton. Wala akong nabasa na may namatay nang lalaking apektado ng POIS dahil sa pakikipag-sex. But then again, hindi pa naman extensive ang research na ginawa ko kaya wala pa kong na-e-encounter na studies about cases like his."

"I'm doing research about his case, too," sabi naman ni Melo. "Hindi ko naman matanong si North kasi baka malaman ni Hook na dini-discuss ko sa ibang tao ang tungkol sa sakit niya."

"You're still friends with North Whitfield, huh?" komento nito sa boses na halatang nag-iisip. "Does it mean he hasn't changed since the day you met him?"

Tumango siya. "Yes, Jo. Kahit na madalas kaming nag-uusap at nagkikita kapag umaakyat siya ng ligaw kay Sori eh parang hindi naman siya apektado ng marka ni Dante." Napasinghap siya nang may maisip na dahilan niyon. "Tingin mo ba, humihina na ang effect ng punishment niya sa'kin? Saka pansin ko rin na hindi na gano'n karaming lalaki ang lumalapit sa'kin." Iminuwestra niya ang paligid ng grocery store kung nasa'n sila. May mga lalaki ro'n pero wala namang nakatitig sa direksyon niya. Hindi siya nagyayabang. Noon kasi, kahit saan siya magpunta, na-a-attract niya ang mga gago at manyak na malapit sa kanya. "O sadyang disente lang talaga ang mga lalaki dito kaya parang walang epekto sa kanila ang marka ni Dante?"

Kung 'yon nga ang nangyayari, nagpapasalamat siya. Malapit na kasi siyang maubusan ng classy but savage retort sa mga nambabastos sa kanya. Ayaw naman niyang mag-eskandalo at manakit kung hindi kinakailangan.

"I have a theory aside from the fact that decent males are barely affected by Dante's mark," sagot ng babae mayamaya. "Tingin ko, kapag totoong in love ang isang lalaki, hindi na talaga siya naapektuhan ng marka kahit pa madalas kayong may interaction."

"Like North?"

"Yes, North is a very good example of my theory," pagkumpirma naman nito. Nang muli itong magsalita, humina na ang boses nito. "At sana nga tama iyon kasi 'yong isang theory..." Marahan itong umiling-iling at hindi na tinuloy ang sinasabi. "I'm sorry, I was just blabbering nonsense. Wala na pala akong ibang maisip sa nangyayari ngayon."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka dahil halata namang may itinatago ito sa kanya. Pero may nahagip na pamilyar na mukha ang mga mata niya kaya lumagpas ang tingin niya sa babae. "Hook?"

Nilingon din ng babae ang direksyong tinititigan niya. "Yes, that's Hook Rushton."

#NSFW: He Can TellWhere stories live. Discover now