8: Bad Joke

7.7K 210 6
                                    

"HI, Melody Rose," bati sa kanya ni North pero mabilis din lumagpas sa kanya ang tingin nito. "Your friend looks upset. Is she okay?"

Mabilis naman niyang nilingon si Sori na napansin niyang nakasimangot na nga habang nakikinig pa rin sa bouncer na kausap nito. "Yeah, she looks upset. Excuse me, I'll just–"

"Let me check on her," putol naman ni North sa sinasabi niya at nang lingunin niya ito, halatang hindi na ito mapipigilan. "Please."

"Alright," pagpayag niya dahil nasa malapit lang naman si Sori. Kapag may ginawa ang lalaking 'to sa best friend niya na hindi niya nagustuhan, madali lang niya itong mapipigilan. "Pakihatid na lang siya rito."

Tumango lang si North, saka ito naglakad papunta kay Sori.

Si Melo naman, umupo na sa bakanteng mesa na nasa tapat lang ni Hook. Siyempre, pumuwesto siya paharap sa lalaki para makatitigan niya uli ito. Hindi naman siya nadismaya dahil kahit halatang nagpipigil ay hindi pa rin ito nakaiwas sa tingin niya.

She flashed him the sexiest smile she could muster at the moment. Pagkatapos, nangalumbaba siya. Alam niya na dahil sa ginawa niya ay lalong bumaba ang mababa nang neckline ng dress niya. She was pretty sure that her movement exposed more of her cleavage because Hook's eyes went down from her face to her chest area.

Napalunok si Hook kaya hindi niya napigilang sundan ang galaw ng Adam's apple nito na mas sexy pa sa ngiti niya. Pagkatapos, tinungga uli nito ang beer mula sa bote na hawak. Hay, iba rin talaga kapag deretsong sa bote iniinom ng mga lalaki ang alak ng mga ito.

Or maybe whatever Hook does just simply look sexy because you know, it's him.

Mabilis namang nasira ang magandang view niya nang may ibang lalaki ang walang permisong umupo sa katapat niyang silya. Guwapo at maganda rin naman ang bulto nito pero dahil sa ginawa nitong pagsalo sa mesa niya kahit hindi ito imbitado, na-turn off agad siya rito.

"Hi, Melo," masiglang bati sa kanya ng lalaki. "I'm Chito. Remember me?"

"No," malamig at deretsang sagot ni Melo kahit nakangiti siya. May photographic memory siya sa mga guwapo pero hindi niya natandaan ang lalaki kaya ang ibig sabihin lang niyon, hindi niya nagustuhan ang first meeting nila. "Are you someone I should remember?"

Tinawanan lang ni Chito ang passive-aggressive remark niya dahil sa kabila ng tanong niya, nanatiling mapagbiro ang tono niya. "We used to be in the same modelling agency, Melo. Unfortunately, you already left the company even before I got the chance to work with you. Pero nagkakasama naman na tayo sa mga after-party noon. But I guess I didn't leave a good impression on you since you don't remember me."

"Maybe that was the case," nakangiting pagsang-ayon naman niya, saka siya uminom ng vodka mula sa basong hawak niya. "So, can I help you with anything? Hindi ka naman siguro makiki-share sa table ko without being invited kung wala kang kailangan, 'di ba?"

"I would just like to congratulate you for being an empowered woman of today," nakangisi at malakas na sabi ng lalaki na halatang hindi naiintindihan na pasimple na niya itong pinapaalis. She could have been more direct but she didn't want to be rude to a former co-model. "Aware ka ba na trending ngayon ang controversial post mo?"

Kumunot ang noo niya. Naka-disable ang comment section ng mga social media account niya dahil kahit marami siyang followers bilang model, marami ring mga bastos na comment siyang natatanggap. "Thank you. But what controversial post are you talking about?"

Nilabas nito ang phone nito, saka ipinakita sa kanya ang picture na pinost niya kanina lang. Sa litrato na 'yon, nakaupo siya sa edge ng tub at nakasuot ng white bathrobe. Hawak niya ang pink and purple bath bomb na si Sori mismo ang gumawa. Pero mukhang hindi ang bath bomb ang naging 'star' sa post niya dahil napansin niya na may nag-edit ng screenshot ng picture at binulugan ang 'laruang' makikita sa bathroom sink sa gilid niya.

It was none other than her favorite dildo standing proud and tall. Well, halos silhouette na lang naman ang sex toy dahil blurred na ang background since siya ang focus ng picture. Siya nga mismo na nag-post ng litrato ay hindi naman 'yon napansin. Pero siyempre, maraming pabibo at fault-finder sa social media.

Bigyan ng jacket ang mga 'yan.

Binaba ni Melo ang baso sa mesa niya. "That's already controversial? Ngayon lang ba sila nakakita ng sex toy sa buong buhay nila? Poor souls."

"Well, you know how "conservative" some Filipinos are," sagot naman ni Chito, saka nito muling binulsa ang phone nito.

"Conservative is different from being narrow and close-minded," sabi niya. Sori is conservative but she doesn't judge me for being sexually active and liberated. She respects my choices and most of all, she doesn't force her virtuous beliefs down on my throat. "But still, they are entitled to their own opinion no matter how ignorant and stupid they sound." And I don't have fucks to give.

Natawa ang lalaki na parang naaliw sa mga sinabi niya. "You are really different from other girls I've met, Melo."

"No, I'm not different from other girls," tanggi naman niya sa medyo malakas na boses dahil lumakas din ang music mula sa first floor. "I'm as much of a woman as the next one." Plus, it will sound ridiculous if I say I'm different since my vagina is not made of cottoncandy for me to act like I'm superior to other women.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng mga babae sa kabilang table (na narinig siguro siya dahil sa paglakas ng boses niya) kaya nilingon niya ang mga ito. Pero hindi 'yon tawa ng pang-iinsulto. Tawa iyon na parang proud ang mga ito sa mga sinabi niya kaya hindi siya na-offend.

Tinaas pa nga ng mga babae ang kanya-kanyang baso ng mojito sa direksyon niya at gets agad niya kung ano ang message ng mga ito kahit hindi sila mag-usap verbally: "You go girl."

Melo smiled at the ladies as acknowledgment. Pagkatapos, hinarap niya uli si Chito dahil ayaw naman niyang maging bastos dito. Napansin niyang tabingi na ang ngiti ng lalaki na para bang hindi na alam kung ano ang gagawin sa kanya.

Oh, well.

Inubos na niya ang lamang vodka ng baso niya. Gusto na niyang deretsahin si Chito para naman maituloy na niya ang pang-aakit niya kay Hook. Pero humirit na naman ang modelo.

"Ah, I almost forgot why I brought up your controversial post," nakangising sabi ni Chito. "Your toy made me think of a joke about my penis. But never mind." Tumaas-baba ang kilay nito sa suggestive na paraan. "'Cause it's too long."

She didn't want to be rude but she couldn't hold back her eyeroll anymore. Pinagpasensiyahan niya si Chito dahil dati niya itong kasamahan sa trabaho. Pero alam na niya kung saan papunta ang usapang 'yon at wala siyang planong i-entertain ito. "You know what? I also have a joke about my vagina."

Lumuwang ang ngisi ng lalaki halatang na-excite dahil siguro iniisip nitong sinasakyan na niya ang pakikipag-flirt nito.

"But never mind," nakangiting sabi niya. "Since you'll never get it."

Mukhang naintindihan naman ni Chito ang "joke" niya dahil bigla itong sumimangot at tiningnan siya ng matalim.

And suddenly, a loud roar of laughter erupted from behind the model (and stifled chuckle from the ladies sitting on the next table).

Napangiti si Melo dahil nag-focus lang ang atensiyon niya sa malalim at manly na boses ni Hook kahit pa ngayon niya lang ito narinig na tumawa. If he laughed at my joke, it only means that he's been eavesdropping on us.

Ohh, someone was really interested in her, huh?

#NSFW: He Can TellOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz