29: Melo's Past [3]

5.2K 164 8
                                    

[More than a year ago]

THIS IS so unacceptable.

Hindi akalain ni Melo na maiiyak siya sa sobrang galit at frustration pero ang mas nakakainis pa ro'n, wala siyang magawa para baguhin ang sitwasyon. Kaya heto siya, nakaupo sa madilim na gilid ng kalsada habang hinihintay si Sori. Naka-park lang sa tabi niya ang Mini Cooper niyang bigla na lang namatay ang engine. Matagal nang may problema ang kotse niya pero hindi niya napapaayos dahil lagi niyang nakakalimutan dala ng pagka-busy.

Lalo na pagkatapos ng nangyari kagabi lang.

Pagkatapos niyang magpa-medico legal bilang patunay na sinaktan siya ni Dante kagabi, dumeretso siya sa police station para magsampa ng kaso laban dito. No'ng una pa lang, hindi na niya gusto ang malalagkit na tingin ng mga male officer sa kanya na naroon. Mabuti na lang at may female officer do'n at ito na mismo ang nagpalabas muna sa mga kasamahan nitong hindi normal ang ikinikilos. Na para bang hindi makontrol ng mga ito ang libido.

Totoo nga 'yong sinabi ni Dante na dahil sa markang ibinigay niya sa'kin, magiging lapitin ako ng mga manyak.

Napahawak siya sa rib cage niya at naalala na naman niya ang pangit na marka do'n.

Nang magising siya kagabi pagkatapos siyang saktan ni Dante, nakahiga na siya sa sahig habang ang lalaki naman, nakaupo sa love chair habang naninigarilyo. Mukhang na-gi-guilty ito pero hindi na siya naniniwala dito dahil alam niyang magaling itong umarte. Isa pa, mas ininda niya ang pag-iinit ng rib cage niya.

Nang inangat niya ang shirt niya, nagulat siya nang makitang may kakaiba na siyang tattoo.

"Timória," sabi ni Dante kahit wala pa siyang tinatanong. "That's a Greek word that means 'punishment.' Very fitting name for the gift I gave you, isn't it?"

"What gift?" galit na tanong ni Melo dito. "You... you fucking cursed me!"

"That's not a curse– I told you it's a punishment," giit naman nito. "That's what you get for defying a god."

Pagkatapos niyang mag-file ng reklamo sa police station, dumating naman si Dante para harapin siya. No'ng umpisa pa lang, kinabahan na siya sa confidence sa mukha nito na para bang hindi natatakot sa sinampa niyang complaint laban dito.

But she realized instantly where his confidence was coming from: Dante took out his golden arrow and bow. Then, he shot everyone at the police station. Yes, including her.

Pagkatapos, inutusan siya ng lalaki na bawiin ang pagdedemanda niya rito. Labag man sa loob niya, kusang gumalaw ang katawan niya at sinunod ang utos nito. Nang bawiin na niya ang pagsasampa ng kaso, inutusan naman nito ang mga pulis do'n na kalimutan ang paglalabas nito ng kakaibang sandata. Siya lang ang nakakaalala sa ginawa nito.

She felt so helpless and humiliated that she ran away from the police station. Pakiramdam kasi niya, kahit anong sabihin o gawin niya ay hindi niya malalaban si Dante. Sa tuwing naaalala niya ang mayabang nitong ngisi, para bang gusto niyang maging bayolente at saktan ang lalaki.

"He must have god complex," bulong ni Melo sa sarili, saka siya nag-angat ng tingin sa kalsada sa harapan niya. Malapit na 'yon sa Paraluman Village pero walang dumadaang taxi dahil puro bakanteng lote ang nasa magkabilang-gilid ng kalsada. Deadbatt na ang phone niya kaya hindi siya makapagpa-book ng private car. Mabuti na nga lang at natawagan pa niya si Sori bago namatay ang phone niya kanina. Kumain siya sa convenience store kanina pero hindi naman gumagana ang charging station do'n. What's taking Sori so long?

Para bang talagang minamalas siya nang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi niya napansin na masama pala ang panahon dahil sa iniisip niya.

Shit.

Tumayo siya at nagmamadaling lumapit sa Mini Cooper niya para sumilong dahil wala namang waiting shed o establishment sa paligid. Habang hinahanap ang susi ng kotse sa handbag niya, may malakas na busina ang nagpapiksi sa kanya.

What the hell?

May humintong isang black pickup truck sa harapan ng Mini Cooper niya. Kasunod niyon, bumaba ang limang lalaki na tingin niya ay mas bata sa kanya. Based on their varsity jackets, they looked like college students to her.

"Hi, Miss," nakangiting bati sa kanya ng isang lalaki. "Do you need help? Lumalakas na ang ulan. We can give you free ride."

"No, thanks," sagot niya, saka niya binalik ang atensiyon sa paghahanap ng susi ng kotse sa hawak niyang handbag.

Hindi sumagot ang mga lalaking nakapaligid sa kanya pero ramdam niyang nakatingin ang mga ito sa katawan niya. Partikular na sa dibdib niya dahil nakasuot siya ng white blouse. Dahil basa siya ng ulan, siguradong bumakat na ang black lacey bra niya. Siyempre, makikita ng mga ito kung ga'no kalusog ang mga dibdib niya dahil sa pagkapit ng tela sa katawan niya ngayon.

Kids these days.

Nahanap na niya ang susi ng kotse niya sa loob ng handbag niya pero bago pa man din niya 'yon mailabas ay nabitawan agad niya 'yon nang bigla na lang may humawak sa braso niya. Nang mag-angat siya ng tingin, saka niya lang na-realize na bukod sa napapalibutan siya ng mga lalaki ay sobrang lapit na rin ng mga ito sa kanya. Kaya nga 'yon isa sa mga ito ay hawak-hawak na ang braso niya. Alam na niya kung ano ang mangyayari.

"Kung ayaw niyong masaktan, tantanan niyo ko," banta ni Melo sa mga lalaki na sabay-sabay lang natawa. Obviously, they had been affected by Dante's mark. "I'm serious, kids."

Marunong siya ng self-defense dahil noong bata siya, nag-aral siya ng taekwondo. Matagal na rin simula no'ng huling beses niyang nagamit ang martial arts skills niya pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang moves at techniques sa pagtatanggol sa sarili.

I'll show them.

She was about to throw the guy holding her arm in the air when suddenly, something hard hit the back of her head.

Sa sobrang lakas niyon, nahilo siya at mabilis na natumba. Ang sunod niyang namalayan, nakahiga na siya sa malamig at basang kalsada. Kasunod niyon, binitawan ng isa sa mga lalaki ang isang malaking bato. Malamang, iyon ang ginamit na pamukpok sa ulo niya.

It barely registred to her that the stupid guys around her were laughing because it seemed to her that the world was spinning hard.

Pero nilabanan niya ang umaagaw sa kamalayan niya dahil alam niyang sa oras na makatulog siya, may masamang mangyayari sa kanya. Hindi niya kailangang maging manghuhula para malaman kung ano ang plano sa kanya ng mga manyak na 'to. Kaya nga ngayon pa lang, naiiyak na siya sa magkahalong takot at galit.

"Leave her alone, little assholes!"

Medyo nagising si Melo nang marinig ang malakas at galit na boses na iyon nang isang babae. Pinilit niya ang sariling magising at tingnang mabuti ang nangyayari.

When she looked up, she was a pair of black pump shoes in front of her.

Nag-alala siya dahil babae rin ang dumating para tulungan siya. Hindi naman niya ito minamaliit dahil sa kasarian nito. Hindi niya lang maiwasang mag-alala dahil napatunayan na niyang kayang manakit ng mga gagong manyak na 'to.

I don't want her to get hurt because of me...

Binuhos niya ang natitira niyang lakas para bumangon at balaan sana ang babae na umalis na lang. Pero nang tuluyan na siyang mag-angat ng tingin, nabigla siya sa sumalubong sa kanya. Kaya naman pala hindi na rin makakilos o makapagsalita ang mga lalaki sa paligid niya!

The strange woman was holding a golden bow with multiple arrows pointed at each guy. Halatang hindi ordinaryong pana iyon dahil sa gintong ilaw niyon na nagpaliwanag sa paligid.

An Arrowblood?

Sadly, Melo didn't get to witness what happened next because she lost consciousness then.

#NSFW: He Can TellNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ