19: His Persistence

6.2K 174 12
                                    


NATAHIMIK lang si Melo habang pinapanood si Hook sa kabilang aisle dahil naaaliw siya sa ginagawa ng lalaki ngayon. Nakikipaglaro kasi ito sa isang baby girl na karga-karga ng mommy nitong abala sa paglalagay ng kung anong bote sa basket na hawak nito sa isang kamay.

"Lalapitan mo ba si Hook, Melo?" curious na tanong sa kanya ng corporate woman. "Or is it your turn to hide from him, huh?"

Bago pa sumagot si Melo, natagpuan na lang niya ang sariling naglalakad palapit kay Hook.

"I guess that's your answer," natatawang sabi ni Jooe. "I won't wait for you so just book yourself a ride home, okay?"

Natawa siya sa sinabi ni Jooe dahil himbis na sabihan siyang magpahatid na lang kay Hook pauwi gaya ng inaasahan niya, sinabihan lang siya nitong mag-book na lang ng sasakyan. Pero kunsabagay. Dapat inasahan na niya ito sa babaeng nagturo sa kanya na malakas siya at kaya niyang tumayo sa sariling mga paa kahit dinurog siya ng lalaking minahal niya noon.

That's why Queen Jo will always be my ultimate girl crush.

Sakto ang paglapit niya kay Hook dahil umalis na 'yong mag-ina. Pero ang lalaki, nakangiti at kumakaway pa rin sa baby girl kaya siguro hindi pa siya napapansin.

First, he's a dog lover. And now, he seems like he's also good with kids. May plano ba siyang lagyan ng check ang lahat ng qualities sa isang lalaki na nagpaparupok sa'kin?

"Hi, Hook," bati ni Melo kay Hook na napatingin sa kanya at halatang nagulat nang makita siya. "Sorry, nagulat ba kita?"

Mukha namang nakabawi agad si Hook dahil dumeretso ito ng tayo at tumikhim pa bago nagsalita. "Hello, Melo. Hindi naman ang pagkikita natin dito sa grocery store ang ikinagulat ko. Mas nagulat ako na nilapitan mo ko ngayon after mo mag-walk out sa'kin kahapon."

Nakagat niya ang lower lip niya dahil sa magkahalong pagkapahiya at guilt.

Totoo naman kasing nag-walk out siya pagkatapos niyang sabihin kay Hook na hindi siya makikipag-date dito kung hindi sila mag-se-sex. Unang-una sa lahat, napahiya rin siya sa sarili niya dahil alam niya kung ga'no ka-rude ang sinabi niya rito.

Second, she needed time to digest the fact that man like Hook Rushton who screamed sex was allergic to his own semen and would die if he had sex.

At higit sa lahat, bigla kasi siyang sinipa ng realization kung ga'no niya kagusto ang lalaking 'to. Kasi kahit inamin na nito sa kanya ang tungkol sa POIS na meron ito, hindi pa rin nabawasan ang pagkagusto niya rito. Ibig sabihin lang, higit pa sex ang gusto niya mula rito pero mahirap 'yong aminin dito. Kaya naging harsh siya rito bago siya nag-walk out.

Because if we date for real, we will just both get hurt in the end.

"I'm sorry, I shouldn't have said that," halatang nakokonsensiyang sabi naman ni Hook mayamaya habang nagkakamot ng kilay. Para bang napahiya rin ito sa sarili dahil sa pagiging savage nito sa kanina nang ipaalala sa kanya ang pagwo-walk out niya rito. "I just got worked up when I remembered what happened yesterday. Pero hindi na dapat bini-bring up ang past mistake, 'di ba?"

Marahan siyang umiling bilang pagkontra. "Hindi lang dapat bini-bring up ang isang past mistake kung na-clear na 'yon. Pero dahil hindi pa ko nakakapag-apologize sa'yo, tinatanggap ko ang savageness mo kanina." Nagpaawa siya ng mukha rito. "I'm so sorry for walking out on you yesterday, Hook."

Halatang nag-soften up ang mukha ng lalaki kahit pa humalukipkip ito at bumuga ng hangin habang iiling-iling. "How can I say 'no' to that face?"

Napangiti siya, saka mabilis na bumaba ang mga mata niya para i-check out si Hook mula ulo hanggang paa. Ilang beses na niyang nakita ang lalaki na nakasuot ng formal at semi-formal attire kaya hindi niya napigilang titigan ito ngayong kaswal lang ang pananamit nito.

#NSFW: He Can Tellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن