12: Like a Kdrama

7.6K 288 63
                                    

Lol the lack of reaction here. Yong totoo... may nagbabasa ba dito??? Ako na nga lang mag-re-react. Thank you, self, sa pag-update at pag-edit nitong chapter na 'to kahit busy ka sa current MS mo. Sana sipagin ka uli bukas kahit marami kang gagawin. Fighting, LK. #SoriXNorth #selflove #loveyourself #supportyourownwork 😂😂😂

***
NORTH often started his morning with a run, except for bad days, of course. Like what his cousin Hook always told him, he was a fitness geek. Aside from religiously going to the gym twice a week to keep his body in good shape, he also had a strict diet.

Kaya ngayong Sunday morning, heto siya at naghahanda na sa pagtakbo. Pero hindi lang ang pag-e-exercise ang goal niya ngayon.

I'm hoping to see Sori Kim again.

"If you want to see Sori Kim that much, tanggapin mo na lang kasi 'yong offer ko na magpalit tayo ng place at ikaw muna ang mag-alaga kay Gloomy," sabi sa kanya ng pinsan niya na parang nabasa ang iniisip niya. "You love my dog, don't you?"

"I love Gloomy, no doubt, but I can't live here in your place."

Hook just rolled his eyes at him. Halatang may sasabihin pa ito pero bigla itong natigilan at napaderetso pa ng tayo. "Shite. Melody Rose is near," sabi nito, saka napalunok at para ngang namutla pa. "Wilde wasn't kidding when he said I now have the ability to tell when she's near. Damn, mate. I can even tell that she still has the hots for me."

Natawa siya ng mahina habang iiling-iling. "I feel bad for you, cousin."

"Piss off," halatang iritadong sabi ng pinsan niya pero ito naman ang nag-walk out kasama si Gloomy. "My dog has better sex life than I do."

Natawa siya ng malakas.

"Ahjussi, wait lang po!"

Mabilis na nilingon ni North ang pinanggalingan ng sweet at maliit na boses na 'yon. Nakabukas ang gate ng mansiyon kaya nakita niyang dumaan si Sori.

Time to move.

Mabilis siyang nag-jogging palabas. Hindi naman niya kinailangang lumayo dahil ilang metro lang mula sa bahay ni Hook, nakita na niya si Sori na parang batang naka-squat sa harap ng magta-taho at titig na titig sa pagsasalin ng matanda ng taho sa plastic cup.

Huminto naman siya sa pag-ja-jogging para tahimik na panuorin ang babae.

She really looks like a child.

"Salamat po, Manong," masigla at magalang na sabi ni Sori nang kunin nito ang taho nito pagkatapos magbayad. Saka ito tumayo hanag sinisipsip na ang taho sa straw. Palakad na sana ito pero natigilan agad nang makita siya. Huminto rin ito sa pag-inom. "Ahjussi, magandang umaga po sa'yo."

North rolled his eyes at her. "I'm not that old yet, Sori."

"Pero mukha ka nang old sa'kin, ahjussi."

Ouch.

What a rude little girl.

Of course, he was offended. Kaya nga hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang magalit kay Sori. Na kahit pa ininsulto na siya nito ay nakatayo pa rin siya sa harap nito at nagagandahan pa rin siya rito.

I'm mad but I still want to kiss her senseless.

"Ahjussi, dederetsahin na kita," mayamaya ay naka-pout na sabi ni Sori. "May crush ka ba sa'kin kaya lagi mo kong nilalapitan?"

"I like you, Sori Kim," deretsang sagot ni North. "A lot."

"I'm sorry, ahjussi," deretsa ring sabi ni Sori sa kanya. "But I like pretty boys."

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon