13: Unavoidable

6.8K 221 27
                                    

This is definitely going down the path of my Something Series. Wala sanang maghahanap nito pag nawala na. Hanggang ngayon, may nagtatanong pa rin kung kelan babalik ang Something Hot, Messy, and Scandalous. Ilang buwan naka-post at walang nagko-comment pero no'ng nawala, saka nagsilabasan ang readers daw. :)

***

ST. PATRICK University was Melo's alma matter. At ngayon, bumalik siya sa dating unibersidad nang mag-enroll siya sa graduate school para sa isang teaching course na tinatawag na Continuing Program for Teaching Education (CPTE).

Pero kahit ito na ang pangalawang course niya sa St. Patrick U, ito pa lang yata ang unang beses niyang pagtapak sa premise ng College of Business (CoB).

Not by choice.

"Yah, Nelson Fajardo," sita ni Melo sa "client" niyang kumukuha ng MBA sa CoB dahilan para mapunta siya sa side na iyon ng unibersidad. At oo, Korean expression ang 'yah' (na katumbas ng 'hoy' sa Filipino) na nakuha niya kay Sori. "Bibilhin mo ba ang puppies o hindi? Sabihin mo na agad para naman maibigay ko sila sa ibang interested buyer. Your reservation is long overdue, you know."

Para siyang sinusuntok sa mga sinasabi niya ngayon dahil pinapaalala niya sa sarili kung ga'no siya kasamang pet owner dahil ibinebenta niya ang mga puppy ni Sunshine. Oo, nagbunga ang pakikipag-mate ng Golden Retriever niya no'ng summer. Nanganak ito no'ng August sa apat na super cute puppies.

She initially intended to keep them all but life happened and now, three months after Sunshine gave birth to her babies, she had to sell them. Yes, sell them. Kailangan kasi niya ng pera ngayon kaya himbis na ipa-adopt ang mga tuta ay ibebenta niya ang mga 'yon. Naibenta na niya 'yong dalawa sa mga dati niyang co-model. 'Yong dalawa naman, naka-reserve kay Nelson.

I know– I want to bitch slap myself, too.

"Nakipagkita ka sa'kin at nagpunta naman ako dito kasi ang vague ng mga sagot mo sa'kin," pagpapatuloy ni Melo. Nasa classroom siya ni Nelson (na nakaupo lang sa desk at hindi man lang um-effort tumayo para harapin siya) kasama ang mga kaklase nitong halatang nakikinig sa usapan nila, pero wala na siyang pakialam. Hindi na niya ma-filter ang bibig niya dahil sa stress. "Kaya please, sumagot ka ng maayos ngayon. Bibilhin mo ba ang puppies o hindi? Dala ko ang mga papers nila kung kailangan mo ng proof na may vaccine na sila."

Naka-post sa IG niya ang tungkol sa announcement niya. Marami ang interested buyer pero si Nelson ang unang nag-inquire kaya ito ang binigyan niya ng reservation. Saka schoolmate niya ito kaya naisip niyang mas mapapadali ang transaction nila.

But this jerk is starting to show his true colors now.

Tuwing tinatanong niya kasi ito tungkol sa pagbili ng mga tuta, inaaya siya nitong mag-coffee o mag-dinner. Tumatanggi siya dahil may pasok siya sa mga pagkakataong iyon.

"Why don't we go and grab something to eat first, Melo?" nakangiting alok ni Nelson sa kanya at halata namang nakikipag-flirt ito. He was even looking at her like he was undressing her in his mind. "Sakto kasi kaka-message lang ng professor namin at sinabi niyang hindi siya makakapasok ngayon."

"Sabihin mo muna sa'kin kung bibilhin mo ang puppies o hindi."

"I want to see them in person," sagot ng lalaki, saka ito tumayo at nakangising yumuko para magpantay ang eye level nila. "You can either bring them to my place or I go to yours. Which do you prefer, Melody Rose?"

"Let me straight things up first," sabi niya habang nakapamaywang at pinapaypay naman sa mukha niya ang isang kamay. "You're interested in me and you only used my puppies to get close to me. Am I right?"

Ngumisi ito at umayos na ng tayo. "Precisely. Just for the record, I hate dogs."

"And I don't trust guys who hate dogs," sabi naman niya sa walang emosyon na boses. "Anyway, now that it's clear, aalis na ko. Ayokong magsayang pa ng oras sa'yo."

Nagdesisyon siyang umalis na lang dahil ibang klase ang pagod niya ngayon.

"I know you need money right now, Melo," sabi ni Nelson sa mayabang na boses. "I'm loaded and generous so I can help you financially."

Hindi siya mapagmataas na tao at tumatanggap naman siya ng tulong lalo na kapag kailangan niya. Pero alam din niya kung kailan generous o malicious ang inaalok na pagtulong sa kanya.

Unfortunately, for this matter, it was the latter.

Humarap si Melo kay Nelson na nakapamulsa na at halatang hinihintay ang sasabihin niya. Maging ang mga kaklase nito, lantaran nang nakatingin at nakikinig sa kanila. "You know what? I'm not a cactus expert but I know a prick when I see one." Iminuwestra niya ang suot nitong moss green long-sleeved shirt. "Look, even your green shirt shows your true colors."

Nagtawanan ang mga kaklase nito.

Namula naman ang mukha ni Nelson na halatang napahiya. "I've heard a lot of nasty stories about you, Melody Rose." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa sa malaswang paraan bago ito tumingin sa mukha niya at ngumisi. "Why are you turning me down? As far as I know, I am better than some of the men you've been with. 'Wag ka nang magpa-hard to get kasi ang mga babaeng tulad mo, hindi na dapat nagiging picky."

Natawa siya sa sinabi nito. Nakaka-offend ang ini-imply nito pero mas lumamang ang pagiging ridiculous kaya natawa siya ng ganito. "Oh, Nelson, you poor little boy," iiling-iling na pagsisimula niya sa eksaheradong sympathetic voice. "Why do men like you think that women who sleep around are easy? We have many choices, you know. So why would we choose you?" Inimuwestra niya ito mula ulo hanggang paa. Then, she rolled her eyes and flipped her long hair. "I'm sorry but we don't sleep with men with fragile and toxic masculinity."

Natawa na naman ang mga kaklase nito pero sa pagkakataong iyon, mas malakas na.

Halatang nainsulto si Nelson sa mga sinabi niya at akmang susugurin siya pero pinigilan ito ng mga kaklase nitong lalaki. Saka humarang na rin sa daan nito ang ilang mga babae na lumapit sa kanya. Mukhang pinoprotektahan siya ng majority ng mga estudyante do'n.

Kung sakaling walang pumigil sa lalaki, handa pa rin naman siyang protektahan ang sarili. Komportable kasi ang suot niyang white V-necked shirt, slim jeans, at Espadrilles shoes kaya madali siyang makakakilos kung sakali mang magiging pisikal ang lalaki. Kaya niyang iskaripisyo ang newly manicured nails niya kung kinakailangan.

"Guuurl, you're my new queen," sabi ng isang mestizang babae sa kanya, saka ito umarte na may pinapatong na korona sa ibabaw ng ulo niya. "I don't know who you are but I want to get to know you na. Do you want to join us for lunch?"

May isa pang babae na yumakap sa braso niya at marahan siyang hinila palabas ng classroom. "You need to share your skincare routine to us because, girl, your skin is clearer and brighter than my future."

Kasunod ng statement na 'yon, humirit na rin ang ibang mga babae na nakapaligid sa kanya tungkol sa beauty products at brand ng mga suot niyang damit at accessories.

"Get out of my way, dickheads!"

Ipinaikot niya ang mga mata nang marinig ang pagsigaw ni Nelson no'ng malapit na sila sa pintuan. Mas bibilisan sana niya ang paglalakad pero natigilan siya sa narinig niyang boses.

"Mate, calm down or else..."

Mabilis na humarap si Melo sa pinanggalingan ng pamilyar na manly voice at British accent. Sumalubong sa kanya ang nakatalikod na lalaking may malaking bulto at malapad na balikat na na-emphasize ng suot nitong tailored-fit blue polo. And thank heavens for slim pants.

Because just look at that firm butt.

She was sure it was Hook Rushton so she ran away from him as fast as she could.

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon