1: Lust at First Sight

23.8K 431 34
                                    

Read. Vote. Comment.

Thank you. ^_^

Note: Naka-private ang mga chapters na may mature scene. Hindi ko na i-a-announce kung ano-anong chapters sila dahil naka-draft na ito. I-a-assume ko na lang na naka-follow na sa'kin ang lahat ng readers ng #NSFW: HE CAN TELL. Nagsabi naman na ko from the start na kailangang naka-follow kayo para mabasa niyo ang private chapters. :)


***

"HI, MISS!"

"Nice booty!"

"They're jiggling!"

Mas binilisan ni Melo ang pagtakbo nang dumami ng dumami ang nakakasalubong niyang mga male jogger na walang tigil sa pag-catcall sa kanya.

Kung makatingin at makangisi naman ang mga lalaking 'to, parang ngayon lang nakakita ng babaeng sexy na nakasuot ng fitted shirt at short running shorts. Idagdag pa na hindi siya naka-sports bra kaya alam niya kung ano ang nangyayari ngayon. May kalakihan pa naman ang boobs niya at maipagmamalaki rin niya ang booty niya na pinaghirapan niya sa gym.

She was fully aware that she had stunning figure but a man shouldn't act like a teenage boy with raging hormones. It was okay to look, but it would never be okay to catcall a woman who just wanted to jog in peace, dammit.

Control your fucking hormones.

Pero hindi rin naman niya masisi ang mga lalaking 'to. Hindi niya 'to sinasabi para i-justify ang pambabastos sa kanya. Alam niya lang kung bakit lapitin siya ng mga manyak.

"My melody, once you walk away from me, you will suffer."

Kinilabutan si Melo nang marinig niya sa isipan ang boses ng lalaking dahilan ng pagiging miserable niya sa dumaang nine months.

Dante.

The handsome, dominant, and powerful but mysterious Dante who made her feel complete only to break her mercilessly in the end.

"You'll attract only the worst kind of men and they will lust after you and do everything to try to own you– so be careful."

Gumapang ang kakaibang takot sa buong sistema niya nang maalala ang huli nitong banta.

"The curse will only stop if you return in my arms, my beautiful melody."

I will never come back to you, monster.

Mariin siyang umiling-iling para alisin sa isipan niya ang memories ni Dante. Ilang buwan na niyang nilalabanan ang iniwan nitong marka sa katawan niya– sa literal at symbolic na paraan. Kailangan na niyang mabura ang lalaki sa sistema niya bago pa siya ang mabura sa mundong ito.

Sunshine!

Huminto si Melo sa pagtakbo kasabay nang paghinto rin ng train of thoughts niya nang makita niya si Sunshine– na nakikipag-mate na sa ibang Golden Retriever! Nasa vacant lot ito na malapit lang sa playground. May mga jogger na dumadaan sa parteng iyon ng park pero thankfully, puro babae naman ang dumaan kaya hindi humihinto para harass-in siya.

Naka-"lock" na si Sunshine sa male dog at wala siyang dalang tubig para paghiwalayin ang mga ito kaya wala siyang choice kundi ang hintayin matapos ang aso niya nang maiuwi na niya.

"My baby is no longer a baby," mangiyak-ngiyak na bulong niya sa sarili habang nakapamaywang at hinahabol ang hininga mula sa pagtakbo niya kanina. "Who's that ugly dog?"

"Excuse me?" halatang na-offend na sabi ng kung sinong lalaki. "Gloomy is not ugly."

Of course, the male Golden Retriever wasn't ugly– in fact, it looked big and healthy– but she was just being a protective "dog mom."

#NSFW: He Can TellWhere stories live. Discover now