35: Emergency

5.9K 193 12
                                    

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

HOOK was surprised that Hector let him go easily. Pero siguro, may kinalaman 'yon sa phone call na natanggap nito. Pagkatapos kasi niyon, umalis na ito nang walang sabi-sabi. Hindi na siya nagtanong dahil pagkaalis pa lang nito, sumakay na agad siya sa Pajero niya at nag-drive.

Hindi na niya tinawagan si Melo at North dahil gusto baka hindi siya makapagmaneho ng maayos dala ng pag-alala. Hindi siya puwedeng mamatay hangga't hindi siya nakakasiguro na ligtas na si Melo at ang mga kaibigan nila.

Melo, wait for me.

Mas binilisan niya ang pag-da-drive hanggang sa makarating na siya sa Paraluman Village. Pagdating niya sa bahay nila Sori, naabutan niya sina Wilde at Jooe na nakaupo sa front porch habang nagbabantay. Pareho ring naninigarilyo ang mga ito.

"Wilde, Jooe, is everyone safe?" tanong agad ni Hook paglapit sa mga ito. "Okay lang ba kayong dalawa?"

"We're fine," sabay na sagot nina Wilde at Jooe na parehong halatang mainit ang ulo pero hindi na siya nagtanong kung bakit.

"Melo is in her room in the second floor," sabi ni Jooe pagkatapos ibuga ang usok mula sa bibig nito. "North and Sori are in the living room."

"Go inside and check on them," dagdag naman ni Wilde. "Magbabantay lang kami dito."

Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng bahay dahil halata namang wala sa mood makipag-usap sina Jooe at Wilde. Saka na lang niya itatanong kung ano ang nangyari sa mga ito.

"Sori, 'you okay now?" tanong agad niya sa babae nang makita niya itong naka-lotus position sa couch habang kumakain ng riped mango. Nakikita niyang naka-benda na ang kanang kamay nito kaya nakahinga siya ng maluwag kahit hindi pa ito sumasagot. That's a relief.

Tumango lang si North bilang pagbati sa kanya. Nakaupo sa sahig ang lalaki habang naghihiwa ng riped mango para sigurado sa girlfriend nito.

"Okay na ko, Hook oppa," masiglang sagot ni Sori, saka nito tinaas ang kanang kamay. "Ang galing gumamot at maglinis ni ahjussi ng sugat, eh."

"North used to hurt himself in the kitchen a lot back when he was still a newbie chef so he mastered the art of taking care of minor wounds," sagot naman niya, saka siya huminto sa harap ni Sori para marahang tapik-tapikin ang ulo nito. "I don't know the whole story yet but I'm glad you're safe. Good job, little Sori."

"Thank you, oppa," nakangiting sabi ng babae. "Pero dumating kasi si ahjussi kaya walang masamang nangyari sa'kin." Nilingon nito ang boyfriend, saka ito yumuko para halikan sa pisngi ang boyfriend. "He's my knight in shining armor. Tama ba 'yong idiom ko ngayon, ahjussi?"

"Yes, pillow. Very good," sagot naman ni North, saka umangat ang kamay nito para punasan ang mismis sa gilid ng bibig ng girlfriend nito. "Gusto mo pa ng mango?"

Tumango lang ang babae. Inabot nito ang balat ng manga na wala nang laman. Inabot naman dito ng boyfriend nito ang bagong hiwa ng riped mango. Then, she munched on it right away.

Tumingala sa kanya si North at napansin niya na kahit mukhang kalmado na ito ay hindi pa rin nawawala ang iritasyon sa mga mata nito. "Sige na, Hook. Puntahan mo na si Melo sa kuwarto. I'll sleep here tonight, by the way. Hindi ako makakatulog ng maayos kung wala ako sa tabi ni Sori ngayon pagkatapos ng nangyari kanina."

#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon