37: Goodnight, Hook

8.4K 168 47
                                    

Author's Note: Hi. #NSFW: HE WILL TELL is set to be launched at MIBF 2018. It will be held at SMX Mall of Asia. I'll also sign books on September 16 at Precious Pages Booth at Aisle A of SMX Convention Center.

***

NAPANGITI si Hook habang pinapanood ang mahimbing na tulog at mahinang paghilik ni Melo na nakahiga sa isang braso niya at nakayakap sa baywang niya na para bang takot itong magising na wala na siya sa tabi nito. Nasa pagitan pa ng mga hita niya ang isa nitong binti kaya umaasa siya na hindi ito malikot matulog at baka matuhod nito ang junior niya.

His girlfriend looked very satisfied and he was happy and proud to give her that kind of glow. Siyempre, gano'n din ang ipinaramdam nito sa kanya ngayon.

But most of all, I'm relieved that you are safe now, Melody Rose.

Marahan niyang pinaraan ang mga daliri niya sa rib cage ng girlfriend niya. Wala na ang nakita niyang marka dito kanina. Ibig sabihin lang, tapos na ang parusa dito.

Sigurado siya na ligtas na ito dahil ramdam niya na siya naman ang nanghihina at inaantok sa hindi normal na paraan. Mabuti na lang at mahabang oras ang epekto ng pana ni Jooe sa sistema niya dahil naka-ilang round sila ng girlfriend niya. Natawa siya ng mahina habang iiling-iling.

She really missed sex a lot.

Mabilis ding nawala ang ngiti niya nang maramdaman na niya ang pananakit ng bawat kalamnan niya. Ah, wala nang epekto ang pana sa katawan niya. Mukhang sa pagkakataong iyon, ang parusa naman sa kanya ang kumakalat sa buong sistema niya ngayon.

He felt like his consciousness was drifting away now.

"I love you, Melody Rose," gentle na bulong ni Hook sa babae, saka siya pumikit at humalik sa noo nito. "Please live a happy life now."

***

"WHAT?" hindi makapaniwalang tanong ni Melo kina Sori at North na nakatayo ngayon sa harap niya habang nakaupo naman siya sa couch at yakap ang mga binti. "May punishment din si Hook from an Arrowblood kaya hindi talaga siya puwedeng makipag-sex? And it's not because of a mere allergy?" Tiningnan niya si Sori. "Matagal mo na rin ba 'tong alam, Sori?"

"Kagabi ko lang din nalaman 'yon, Melo unni, no'ng ikinuwento nila sa'kin ang sitwasyon," halatang na-gi-guilty na sabi naman ni Sori na nakasilip sa likuran ni North. Takot kasi ang babae kapag nagagalit siya dahil nga mahina ang puso nito pagdating sa mga confrontation. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo."

"Don't be mad at Sori," saway naman sa kanya ni North. "Kahit naman maaga niyang nalaman 'yon, hindi pa rin niya masasabi 'yon sa'yo kasi nakiusap sa'min si Hook na 'wag sasabihin sa'yo ang sitwasyon niya."

Hindi siya nagkomento dahil in-a-absorb pa niya ang mga nalaman niya.

Tanghali na siya nagising kanina dala ng sobrang pagod sa mga ginawa nila ni Hook sa halos buong magdamag na dumaan. Nagtaka lang siya nang subukan niyang gisingin ang boyfriend niya ay hindi ito magising kahit anong gawin niya. Mas lalo siyang nag-alala nang maramdaman niyang hindi normal ang init ng katawan nito. No'n niya naisip na may mali sa nangyayari.

Tinawagan agad niya si Jooe. Pero hindi lang ito ang dumating. Kasama nito sina Wilde, North, at Sori. Base pa lang sa mukha ng mga ito, alam na niyang alam na ng mga ito ang nangyari. Wala na kasing nagulat nang sabihin niya ang kondisyon ni Hook.

Umakyat sina Wilde at Jooe para i-check ang kondisyon ng boyfriend niya (na binihisan din naman niya no'ng nagbihis siya). Sina North at Sori naman ang naiwan sa sala kasama niya at ipinaliwanag ng dalawa ang parusa ni Hook mula sa ex-best friend nitong si Hector Fagestrom.

Na kakambal ni Dante.

"He still saved me even though he knew that he would die if he slept with me," bulong ni Melo sa basag na boses. "Stupid Hook."

Hindi siya emosyonal na tao pero sino ba ang hindi ma-ta-touch sa ginawang sakripisyo sa kanya ni Hook? To think that they weren't even married yet. Come to think of it, marriage never crossed her mind before but right now, she was considering it at that very crucial moment.

He makes me want to marry him.

"What can I do to save Hook?" tanong ni Melo habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina North at Sori. "It was my fault that he couldn't wake up right now."

"I'm glad you know that, Melody Rose," kontra naman ni Wilde habang pababa ito ng hagdan kasunod si Jooe. "Choice ni Hook na iligtas ka kahit alam niyang mapapahamak siya sa gagawin niyang 'yon. Ilang beses namin siyang pinigilan pero hindi siya natinag, eh."

"That's how love usually works so don't blame my friend," dagdag naman ni Jooe. "Even the love squad has no power over his heart."

"I didn't know that he's the hopeless romantic kind of guy until now," iiling-iling at naiinis niyang komento. Siyempre, kinikilig at nagpapasalamat siya sa ginawang sakripisyo ni Hook. Pero malaking bahagi pa rin niya ang hindi masaya sa nangyari. "How's Hook's condition?"

"Bad," matapat na sagot ni Wilde, saka ito sumalampak na upo sa kabilang dulo ng couch na kinauupuan niya. "Hindi tatagal si Hook ng isang araw, Melo. You drained his life force so much that your own life energy had been replenished enough to remove Dante's mark. Naging free ka sa punishment mo dahil sa sacrifice niya."

Nakagat niya ang ibabang labi dala ng matinding guilt.

Kinutusan naman ni Jooe si Wilde na tiningnan ng matalim ang babae. "I told you not to blame Melo. Alam ni Hook ang consequence ng gagawin niya kaya puwede bang irespeto na lang natin ang sacrifice niya? Tingin mo ba, gusto ni Melo ang nangyayaring 'to? Get a grip, man. If you blame my friend again, I will fight you."

"Let's not fight here," mariing saway naman niya sa dalawang Arrowblood. "May alam ba kayong paraan para matulungan natin si Hook? Kung kinakailangan kong magmakaawa do'n sa Arrowblood na nagbigay ng punishment sa kanya, gagawin ko."

"Kahit gawin mo 'yon, wala nang magagawa si Hector para bawiin ang parusa niya kay Hook," sagot ni Wilde. "Kapag nabitawan na naming mga Arrowblood ang mga parusa namin, hindi na namin 'yon maaalis unless may condition ang wielder na kailangang gawin ng pinarusahan. Gaya ng sitwasyon niyo ni Dante Storm. Nagawa mo ang kondisyon ng parusa niya kaya nawala ang marka niya. Pero walang kondisyon ang parusa ni Hook."

"Meron pang isang paraan pero suntok sa buwan 'to," dagdag naman ni Wilde. "Matagal na naming hinahanap ang Arrowlood na may dugo ni Aphrodite. Siya lang ang solusyon para mabura ang parusa kay Hook."

"Uhm... excuse me," singit ni North at nang lingunin nila itong lahat, inangat nito ang hawak na phone. "Hector Fagestrom is calling."

Mabilis na tumayo si Melo at inagaw ang phone kay North na wala nang nagawa kundi ang iabot iyon sa kanya. "Let me talk to that damn brat."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#NSFW: He Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon