Ch. 43 - Don't Change

Start from the beginning
                                    

Hindi namin namalayan dumating na kami sa condo unit nya.

"Hey, I had fun." - tinap nya yung shoulder ko

"Lalo naman ako." - I smiled

"Gusto mo akyat ka muna. Kain muna tayo? Hindi pa kaya tayo nagd-dinner. Haha." - alok nya

"Ah sige. Haha. Okay lang?"

"Kelan ba naman hindi naging okay, 'pag hindi ikaw?" - nakakakilig talaga 'tong babaeng 'to. HAHAHAHAHA.

"Adik ka din eh noh? Hahaha."  - yun nalang nasabi ko. 

"Kileg! HAHAHA. Tara na nga." - naglakad na kami paakyat ng condo nya

"May pagkain ka ba dun sa condo mo? Haha."

"Meron don. Iluto nalang natin."

Pagakyat namin sa unit nya, diretsong kusina. Parehas na din kaming gutom eh.

"Pasta, okay lang? Haha." - tanong nya sakin

"Oo naman. Marunong ka na magluto ngayon ah. Haha."

"Syempre naman. Ako pa."

"Tulungan na kita."

"Hindi, 'wag na. Dun ka nalang sa sala, andon iPad ko, gamitin mo nalang."

"Sure ka?"

"Yup."

"Tawagin mo nalang ako if you need help ha."

"Alright." - she smiled

Pumunta kong sala, at nakita ko yung iPad nya. Syempre, nag-stalk ako. Pictures muna. Nakita ko yung mga pictures nya nung nasa Italy sya. Oo nga, ibang iba na sya. Nakita ko yung mga pictures nya na puma-party, yung mga Italian friends nya, tsaka ewan ko. Yung naging ka-fling nya ata don. AT GRABE, MAS GWAPO PA KO EH.

Nakita ko din yung pictures nya nung pag-uwi nya dito sa Pilipinas, sa school nya, sila Alice, yung tropa... At ang pinakamadaming pictures, sila nung bestfriend nya.

Minsan nga nagtataka ko eh, baka sila na. Pero parang hindi naman. Si Lawrence lang ang may gusto. Pero asa naman yon. Akin lang kaya si Ysabel. Tsaka mas gwapo ko don noh. Muscles palang, eh walang wala na saken yon.

Inalis ko na don sa photos kasi nakakaselos na talaga. Kailangang magkalit yung muka talaga? Kailangang nakaakbay? PBB Teens?

Pinuntahan ko si Ysabel sa kusina, nakatalikod sya. I hugged her from the back.

"Oh. Haha." 

"I love you." - I whispered 

Humarap sya saken. "Talaga? Wala ng bawian yan ha."

"Walang wala na. Sayong sayo ko. Buong buo. HAHA." - hinigpitan ko pa yung yakap sa kanya, ngayong magkaharap na kami

*tsup* Hinalikan nya ko sa labi. Smack lang naman. Hahaha. Kalalaki kong tao, kinikilig ako eh.

"Wag kang masyadong kiligin. Halatang halata ka eh. Haha." - hinawakan nya yung mukha ko

"Ikaw kaya. Hahaha." - sabi ko sa kanya

"Weh? Haha. Saglit lang, tatapusin ko lang 'to. Nagugutom na ko. Hahaha."

"Sige na nga. HAHA." - hinalikan ko sya sa pisngi at pumunta nalang ulit ng sala. Nagugutom na din kasi ako eh. HAHAHA.

' LAWRENCE'S POV

On the way ako ngayon sa condo ni Ysabel. Pano, hindi nagtetext sakin yung babaeng yon ngayon. HAHAHA. Eh medyo nam-miss ko kaya eto. Bumili akong 3 box ng pizza, for sure wala na namang pagkain don yon. HAHA.

Excited na excited akong umakyat sa unit nya.

' YSABEL'S POV

"Dinner's ready." - tinawag ko na si Jelo kasi luto na yung pasta

Pinaghain ko sya.

"Hmm. Ang bango." - naglakad na sya papuntang kusina

"Syempre. Ako nagluto eh. Upo na."

"Da best ka talaga eh." - umupo na sya. Pinagsandok ko syang pasta. Diba, parang asawa lang ang peg.

"Naman!" - I smiled

Umupo na din ako at kumain.

' LAWRENCE'S POV

Malapit na ko sa unit ni Ysabel. Hmm? Bakit kaya bukas yung pinto? May bisita sya?

Dumiretso ako sa loob, parang walang tao, pero may nakalapag na Jansport na bag, kulay gray. Pang-lalaki. Sino yon?

"Ang sarap mo palang magluto eh. Hahaha." - may nagsalitang lalaki

"Wala ka kasing bilib saken eh. Hahaha." - nagsalita si Ysabel

"Meron naman. Ikaw pa." - nagsalita ulit yung lalaki, ewan ko pero parang pamilyar yung boses nya saken. "Pwede ka ng mag-asawa. Hahaha. Ang tanong sino?"

"Ikaw, sa tingin mo sino? Hahaha." - ang saya nung boses ni Ysabel.

AKO? NAKATAYO SA MAY PINTUAN. PINAKIKINGGAN SILA. NGAYON KO LANG NARINIG NG GANITONG KASAYA SI YSABEL.

"Sino pa? Eh 'di ako. Magiging Ysabel Guttierez Yuson ka na balang araw. Gusto mo nga ngayon na eh. Ano? Pakakasalan na kita ngayon. Hahaha." 

YUSON

YUSON

YUSON

YUSON

YUSON

SI ANGELO YUSON YON. SI JELO. 

"Hahaha. Mrs. Yuson na ba, Jelo?" - ang saya ni Ysabel, at hindi ako nagkamali, si Jelo nga yon. Si Jelo yung kasama nya ngayon.

"Syempre. Tayo lang ang para sa isa't isa eh." - nagsalita si Jelo

"Yun naman yon eh. Hahaha."

Umalis na ko. Hahaha. Ayoko lang makaistorbo. Dun sila masaya eh. Hahahaha.

Bumaba na ko dala dala pa din yung 3 box ng pizza.

"Good evening sir. Aga nyo po atang bumaba? Wala po ba dyan si Ms. Ysabel?" - bati sakin nung receptionist. palagi nya kasi kaming nakikita ni Ysabel eh. At himala nga, maaga kong bumaba galing sa unit nya

"Ah eh, nagpapahinga na eh. Pagod ata. Haha. Sayo nalang 'to. I-share mo dun sa iba mong kasama." - iniabot ko yung 3 kahon ng pizza

"Ah, sir? Sigurado ho kayo?" - nagtaka yung receptionist

"Of course. Sa sobrang saya ko ngayon, busog na ko. Haha." - poker face

"Ah, sige po. Salamat." - inabot nung receptionist yung pizza

"Wala yon."

Umalis na ko. 

Masaya na sila eh. Masaya na syang wala ako.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now