XXIII

706 30 2
                                    

Inaamin kong nagtatampo nga ako sa sinabing iyong sa akin ni Jessica. Masasakit ang mga salitang binitawan nito ngunit dapat ay inintindi ko na lamang ito.

Buntis ito, dahil doon ay maaaring nadadagdagan ang galit na emosyon nito sa tuwing nakikita ako. Gayun pa man ay wala akong balak lisanin ang tabi nito kahit sandali. I need to talk to her again. Kailangan para kahit man lang papaano ay maliwanagan ito kung bakit talaga ang dahilan kung baki ako umalis. Napabuga ako. Marahil ay iniisip nitong gusto ko lang na iwan siya kaya ko siya iniwan.

I endured everything, that she was just trying to put on a show just to get back at me. Sinabi iyon sa akin ni Cassidy Jane pagkat nakausap nito ang kapatid niyang si Ethan kanina, kinumpirma raw ng prinsipeng wala silang relasyon ng asawa ko kung hindi pawang magkaibigan lamang.

Half an hour before the ceremony starts, she was in the hall, talking to some people. Ako ay nanatili lamang doon hanggang sa umalis na ang mga kinausap nito at tsaka ko ito nilapitan.

I dragged her to the nearest living room there. Mabuti na lamang at walang ibang tao roon pagpasok namin.

"Ano na naman bang gusto mo?" Asik ni Jessica sa akin.

"I just want to explain my part why I left. We're both emotional earlier that's why I didn't get the chance."

"Mason, I told you, I don't care." Aalis na sanang muli ito nang hawakan ko ito sa braso at marahang itinulak sa pader ipang ikulong ng magkabila kong bisig. Hindi ako papayag na makawala siyang hindi man lang napapakinggan ang dapat kong sabihin.

"I left because I was insecure. I heard you one morning, you were talking with Ethan. I didn't hear everything but I thought I've heard enough. You said I was a low-life and he was your ideal guy, that he's the one who's perfect for you. I was hurt." Pag-amin ko dito.

"Sa unang beses sa buhay ko, na-insecure talaga ako nang sobra. Totoo kasi ang sinabi mo, wala akong laban kung ikukumpara sa kanya. That's why I left. Hindi na ako nagpaalam sa iyo kasi hindi ko kaya. You were happy the day before, and I want that to be the last thing I could remember from the memories we shared. At isa pa, noong sinabi mo sa aking mahal mo ako, nag-alingan ako at sa totoo lang ay nag-aalinlangan parin ako ngayon. Maaaring nasabi mo lang iyon dahil masyadong kang grateful sa mga ginawa ko para sa iyo pero hindi ko na kinontra iyon at tahimik nalang na umalis kinaumagahan." Alam ko kung gaano ako ka-desperadong pakinggan ngayon ngunit hindi ko na ininda iyon. Dapat niyang malaman kung ano ang totoo.

Nakita kong nangilid ang luha nito at tumingin sa ibang direksyon. I could see her partly lips trembling as well.

"What you heard was true. Pero nakinig ka na rin lang, sana ay nilubos mo na. Alam mo ba kung anong sinabi ko kay Ethan pagkatapos noon?" Nanginginig sa galit ang boses nito nang salubungin nito ang tingin ko.

"I said to him that I could never be with him anymore. Wanna know why? It's because my heart belongs to someone who's stupid enough to feel insecurities about himself. That I fell in love to that moron even though I have no plans to." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at bahagyang napaatras.

She loved me, when? Was I that stupid and blinded by my self-doubt for me not to see that? Masyado ba akong nabulagan sa pagaalinlangan ko sa aking sarili? Marahil tama nga si Wilson sa sinabi nito sa akin noong sunduin ako nito sa Sydney. Maybe I was indeed stupid.

Nais kong makausap pa sana si Jessica ngunit agad itong umalis nang makatiyempo itong makawala mula sa akin. Nang lumabas ako sa silid na iyon upang sundan siya, halos pumila ako sa dami ng gustong kumausap dito. Kailangan kong makausap siyang muli.

~•~•~•~•~•

I must really loved her that much, just for me to accept that she was never gonna be mine. I could see that she was really in love with Mason, she never acted like that when she was with me. Siguro ay sadyang nasaktan lang talaga ni Mason si Jessica kay nito natitiis nang ganoon ang lalaki.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon