XII

543 21 0
                                    

Hindi ko maisalarawan ang itsura niya gamit ang mga salita. Marahil ay nalulungkot siya, o naiiyak o 'di kaya labis-labis na pighati ang nararamdaman niya ngayong naikasal na siya sa akin. Hindi ko masabi pagkat wala akong mabasang emosyon mula sa kanya.

She just did what was needed to be done and that was that. Parang mas gusto ko pang tinatarayan nalang niya ako kesa nakikita ko siyang ganito, parang isang bata ang napangasawa ko na kaunti na lang ay iiyak na. Ganoon kamiserable ang itsura niya.

"Ngumiti ka naman. Para kang nabubulunan diyan sa itsura mo." Bulong ko sa kanya habang nagsasayaw kaming dalawa.

Simpleng reception lang sana ang napagkasunduan namin ni Jessica, noong una nga ay wala iyon sa usapan kaso ay biglaan dumating si Wilson at iginiit na dapat malaman ng lahat na kasal na ang kaisa-isang kapatid niya.

Inimbitahan niya ang press, maging ang ilang impleyado ng Horecois Industries sa reception na ginanap sa hotel na pagmamayari rin ng mga Horecois. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon sa maikling panahon ngunit may duda akong pinagplanuhan ni Wilson ang lahat. Parang ganoon kasi ang lumalabas sa mga pangyayari.

Napagusapan namin ni Jessica na wag nang palakahin pa ang magiging kasalan sa pagitan namin pagkat may 'duration' nga ang pagsasama namin at walang significance dahil nagpapanggap lang kami, ngunit tila nakatunog naman ang kapatid nito at ipinagkalat sa lahat.

Simple nga ang kasal ngunit tila matagal nang pinaghandaan ang reception. Baka nakatunog si Wilson sa naging usapan namin ng kapatid niya. King ganoon nga, paano naman niya nalaman? Imposible namang si Jessica pa mismo ang nagsabi sa kanya.

Inismiran lang ako ni Jessica at tumingin sa malayo. I sighed silently. Hawak-hawak ko lang siya sa bisig ko ngunit pakiramdam ko ay napakalayo naman niya sa akin.

"Lady Owens, how does it feels like to be the new Countess Bradleystone?" Tanong ng isa sa mga press people nang matapos kaming magsayaw na magasawa. Napagpasyahan naming paunlakan ang ilang katanungan mula sa kanila yamab din lang na naroroon sila.

"To be honest, I didn't think of that 'til you asked me now." My new wife said. Everyone laughed but she didn't.

Parang gusto niyang paikutin ang mga mata niya kagaya nang madalas niyang gawin sa akin. Ni wala itong sense of humor.

"Oh please, don't ask my wife about that. Shes not comfortable talking about those things. You know her." Singit ko, tatawa-tawa. Ayokong isipin nilang isang bato ang pinakasalan ko.

"Lord Owens, paano kayo naging kayo? I mean, everyone was really surprised when we got the call that you're actually getting married today. Ang akala nga namin ay prank call lang. Can you tell us how this all happened?" Tanong naman ng isa pang reporter, pawang sobrang excited at hindi malaman kung anong unang itatanong.

"Well, I've known her since we were little. You guys know that her brother is best buddy. Her brother and I used to hang out all the time. Simula noon, palagi ko na siyang nakikita."

"Then, you fell in love with her?" Sabi pa ng isa reporter.

"No. Not right away. It was more like a typical chasing game men loves to play. 'Yung lagi mo siyang iniinis tapos tatarayan ka niya nang sobra." Naghiyawan ang lahat ng mga reporter na naroroon na tila walang paglagyan ng kilig.

"And then one day, I became more and more infatuated by her and didn't realize when it started. It just happened. Gusto kong palagi siyang nasa tabi ko, hindi ko naman alam kung bakit. Iyin pala, mahal mo na pala siya." Pagpapatuloy ko pa ngunit hindi ko na nabigyang pansin pa ang ibang sinasabi ng mga reporter na naroroon pagkat direktang nakatingin lamang ako sa mga mata ni Jessica.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon