VII

610 15 2
                                    

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng kumot at unan?" Sabi pa ni Mason. Ang kapal talaga ng mukha niya! Halos ipagtabuyan ko na nga siya pero siya itong prenteng humiga sa couch ko, at ang niya pa akong utusan! Napailing na lang ako. Ibang klase talaga siya.

"Kumuha ka na lang doon sa guest room. Ang kapal mo, uutsan mo pa 'ko. Diyan ka na, matutulog na 'ko." Sukat nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.

"May guest room ka naman pala, sabi mo kanina wala akong pu-pwestuhan dito." Reklamo niya pa.

"Well technically speaking, you're not my guest. Ikaw lang naman ang mapilit diyan." Sumbat ko sabay tinalikuran ko na siya at tumuloy na ako sa aking silid.

Alam kong hindi ako makakatulog ngayon gabi ngunit pinilit ko ang sarili ko. I knew I would just end up exhausted in the morning. Lamang ay hindi maari iyon, kailangan kong magpahinga kahit papaano dahil marami pa akong naka-schedule bukas at hindi ako paayag na maantala iyon dahil lang sa nangyari ngayong gabi.

Nang dahil sa hindi nga ako makatulog ay napagpasiyahan kong lumabas ng silid. I saw Mason there, sleeping soundly in my couch. Mukhang kinuha lang niya ang unan at blanket mula sa guest room at dito na lang natulog. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin sa ginawa niya at wala rin akong pakialam. Napailing nalang ako habang pinagmamadasdan ko siyang walang malay na nakahilata sa couch ko.

Napahinga ako nang malalim. Mabuti na lamang ay dumating siya kanina. Kung hindi siguro, marahil ay nadaig na ako ng takot sa loob ko. The fear from the past to be exact.

When he held me in his arms earlier, I felt safe. Pakiramdam na naramdaman ko lang nang iligtas ako noon ng kuya ko mula sa mga tauhan ni Daryl Monde. Muli ay napabuga ako nang malalim. I was so grateful towards Mason but like I've said before, I rather than to admit than in front of him.

Instead of forcing myself to sleep once more, I just stared at the city lights of Metro Primo. Ordinaryong tanawin lamang iyon para sa akin ngunit nang gabing iyon, may kung anong meron dito na nagpapakalma sa loob ko. I somehow felt relaxed.

HINDI NA AKO nagtaka pa nang magising ako ay may narinig akong kung ano mula sa kusina. Nadatnan ko roon si Mason na nagluluto. Nakahubad siya at tanging apron lamang ang nagtatakip sa kanyang katawan.

"Good morning." Nakangiting bati nito nang makita ako. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso bagkos ay nilagpasan ko lamang siya at dumiretso sa silid na dating inookupa ni Dad.

Kumuha ako roon ng masusuot at inihagis ko iyon sa pagmumukha ni Mason nang makabalik ako sa kusina. Hindi ako kumportableng nakahubad siya. Ni hindi ako kumportableng naroroon siya at all!

Umupo ako sa harapan niya at nauna nang kumain kahit hindi pa ako inaanyayahan. This was my house and I didn't see anything wrong with what I did. At isa pa, may kung ano sa mga luto ng lalaking ito na nakakapagpakain sa akin nang na siyang hindi ko madalas gawin dati, hindi tulad noon na purong green juice lang ay ayos na para sa akin.

"Ang aga-aga, nakasimangot ka na agad diyan." Sabi niya. Hindi sa paraang namumuna, bagkos ay tila tinutudyo niya lamang ako. Napasimangot ako lalo.

"Hindi ako nakatulog. Paano, may isa kasi diyang mapilit mag-stay. Hindi ako sanay nang may kasama." Parinig ko pa. Humalakhak lang ito na rinig sa buong palapag.

Tinanggal niya ang apron at isinabit na iyon sa loob nang pantry. Pagbalik niya, tsaka lang niya isinuot ang t-shirt na isinampal ko sa mukha niya kanina. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang katawan niya. Ang dami niyong pilat lalo na sa dibdib, pataas sa kanyang balikat.

Sinaluhan na ako ni Mason hapag. Ako naman ay hindi ko mainitindihan ang nararamdaman ko sa loob. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang awa para sa lalaking katabi ko ngayon.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon