I

2.2K 33 0
                                    

As I look at myself in the mirror I can't help but ask, what kind of goodness have I done in my life to deserve this face? I know I'm blessed and I don't wanna question the Almighty for giving that.

Minsan kasi mahirap din. Hindi madali at madalas nakakasawa na. Kung titingin ako sa ibang tao, naiinis lang ako pagkat hindi ko mapigilang maghanap kung anong kulang. Palaging may something na hindi tama.

Marahil ay palagi kasing kumpleto sa pakiramdam kapag tumitingin ako sa reflection ko. Hindi sa pagmamayabang but when I see myself and realizing the things that I have, ano pa nga bang kulang? Wala na. Iyon ang sa opinyon ko ang totoo. Gayun din ang mga babae sa paligid ko.

And in return, I decide to give back in my own small ways. That's the least I can do for this unfortunate world. Today, I was gonna go to the three different orphanages and make the less fortunate feel better.

I can't help but whistle some random music. To be honest, medyo excited ako ngayon. Seeing those kids greet me with the brightest smiles plastered on their faces, as if there's some kind of warmth that touches my heart.

They made me feel welcome kahit hindi naman nila ako kaano-ano. Na parang parte ako ng pamilya kung ituring nila. I smiled. Medyo may kilig ding hatid sa akin iyon. I giggled more. Mamaya bibilhin ko ang buong toy store para sa mga bata at excited na akong makita kung anong magiging itsura nila kapag nakita na nila ang mga dala ko para sa kanila.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at hindi na nagsuot pa ng masyadong magarbong damit. I don't wanna intimidate the kids like the last time. Nung nakaraan kasi ay napabisita ako sa kanila nang naka-suit.

Medyo 'pormal' kasi ang pinanggalingan kong party noon kaya hindi na ako nakapagpalit pa. Natakot ang mga bata sa akin noon dahil akala nila ako na yung aampon sa kanila, kaya heto't simpleng shirt at khaki shorts lang ang suot ko. And of course, sneakers. Alangan namang magpaa ako papunta doon.

Agad akong nagpunta ng garahe upang ihanda ang SUV ko. Hindi kasya ang toy store kung yung convertible ang gagamitin ko ngayon. The big guy was the one I needed.

Hindi ko maiwasang mapabunga ng hangin nang makita ko ang itsura ng mga sasakyang itinambak ko dito sa apartment ni Wilson, ang best friend ko. Alam kong hindi bagay ang mga sasakyan ko sa itsura nitong apartment niya. It wasn't that bad it's just that, the apartment was too plain for my collection.

Pero ewan ko ba. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, may kung ano sa apartment na ito ang napamahal nang sobra kay Wilson upang sa tagal nang panahon ay dito siya manirahan. Mistulang ganoon din ang epekto ng lugar na ito sa akin kaya't hindi magawang lisanin ito.

Before he married his wife, the princess, hindi talaga niya maiwan ang lugar na ito samantalang matagal na siyang inaalok ng ama niyang tumira sa condominium na pagmamayari ng pamilya nila pero palagi naman siyang tumatanggi. I didn't know about Wilson but he was really weird. But again, who was I to judge?

But now I understand. Sa dami ng mga properties na meron ako, all grandest units and houses, this was the place I always find myself settling in every time. I always hopped in to different places to crash every night. Hindi talaga ako napipirmi. But this particular place, was always my end lane. It was my home. Maybe because apart from the orphans and nuns, Wilson made me feel family. Iyon marahil ang dahilan.

Siya lang ang masasabi kong tumanggap sa akin sa kung ano tala ako simula palang. Kaya nga siguro kahit ramdam kong medyo naiinggit siya sa taglay kong kakisigan at palagi niyang binabasag ang mga trip ko ay ayos lang. He was my brother. Kaya nga lagi akong nagbibigay daan sa kanya at iniintindi siya.

Miske nung nagka-issue siya sa sarili niya ay hindi ko magawang iwan ang tabi niya. Alam ko kasi nang mga panahon na iyon ay ako lang ang meron siya kagaya nung mga panahong siya lang ang meron ako. It was simple as that.
Hindi niya ako iniwan noon nang mga panahong nagiisa na lang ako sa buhay. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya at ganoon parin ang gagawin ko sakaling mangyari ulit ang mga nangyari. But I doubt that. Na-surpass na ni Wilson ang phase na iyon ng buhay niya at masaya na siya ngayon sa piling ng asawa't anak niya. I was very happy for them too. Wilson was nothing but great man and he deserves all that.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon