20

7 1 0
                                    

Kung minamalas ka nga naman!

"Simouns!" Sigaw ng teacher at kaagad namang nagtaas ng kamay si Harry.

Bakit kaklase ko siya? At pang-apat na subject na to! Sa unang tatlo ay kaklase ko rin siya! Nakakainis ka naman tadhana oh! Kung noong highschool sana ako ay papasalamatan pa kita ng todo, pero hindi eh! College na ako! At nagsisimula ko nang makalimutan ang feelings ko para kay Harry! Tch.

Nag-focus na lang ako sa prof na nag l-lecture na kaagad sa unahan. Mabuti na lang at nasa unahan ako, hindi ko makikita ang pagmumukha ng Harry na iyon! Nasa likod kasi siya banda hehe.

Nasa canteen kami ngayon ni Joan. Sobrang labo na maging magkaklase kami sa kahit anong subject dahil fine arts ang kurso niya at accountancy ang akin. Pero nangako kami na kapag free time namin parehas ay magkikita kami. At nagkataong wala vacant namin ngayon.

"So ayun nga, galit sila umma kay Jon." Nakwento ko na rin kay Joan yung nangyari sa bar nung isang gabi.

"Pero alam mo ha, hindi kaya gusto ka ni Harry?" Muntik ko nang maibuga yung iniinom ko dahil sa sinabi ni Joan.

"Baliw ka ba?"

"No."

"Bakit naman ako magugustuhan nun? Eh di a nga simula nung elementary tayo never na ako pinansin nun? Lalo na nung highschool!"

"Hhhm, sabagay. Pero malay mo ngayon niya lang narealize na gusto ka pala niya?"

"Nakoooo, Joan tigilan mo nga ako. Hmp."

"Anong pinag-uusapan niyo girls?" Muntik ko ulit maibuga iyong iniinom ko dahil sa pagdating ni Pierce.

"Pierce!" Masiglang sabi ni Joan. "Wala kang klase?"

"Nah, walang prof." Sabi nito at umupo na sa tabi ko. "So balita ko, ekis na yung karibal ko ha?" Tch, minsan hindi ko alam kung seryoso ba talaga itong si Pierce sa akin eh.

"San mo naman nalaman yan?" Tanong ni Joan.

"Narinig ko lang. Hahahaha. Kawawa naman yun. Wala pa sa kalagitnaan, ekis na agad."

"At kapag hindi mo tinigil iyang ugali mong yan, ekis ka na din kay Alexa!" Agad namang natigil sa pagtawa si Pierce.

"Hoy Joan! Bakit ganyan ka? Kapatid mo ko ha!"

"Oo nga, pero bestfriend ko si Alexa. At ayaw kong masaktan siya."

Bago pa mag-rambol yung dalawa ay unti-unti na akong tumayo at lumayo sa kanila.

Pupunta na lang ulit ako dun sa puno. Sana lang talaga wala si Harry dun.

Pagkaupo ko ay huminga ako ng malalim. Phew! Peace!

"Yes ate, I know exactly what you want me to do. I won't. Yes, okay, bye." Boses ni Harry yun ha? Ate? Posible bang si Iris yung kausap niya? Ano naman kaya yong pinapagawa ni Iris sa kanya?

"Alexa?" Gulat na tanong niya nang tumayo siya at makita niyang nakaupo ako. Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya.

"K-kanina ka pa diyan?" Umiling lang ako. "Sigurado ka? W-wala kang narinig na kung ano?"

"Bakit, may dapat ba akong marinig?" Umiling lang siya at umalis na.

Na-c-curious talaga ako kung ano ba yung pinapagawa ni Iris sa kanya. Ano kaya yun? Aish. Wag mo na i-stress ang sarili mo, Alexa.

Last class ko na, at buti naman ay hindi ko na kaklase si Harry dito. Whooo. 

Bago pa umalis ang prof ay sinagot ko ang tawag ni dad.

"Alexi anak, dinner sa bahay ng tita Emma mo."

"Po?" Tiningnan ko ang langit mula sa bintana ng classroom. Alas singko na, sunset..

"Yes anak, nangimbita dahil birthday ni Iris sa susunod na linggo, this is also for the preparations." 

"Okay dad, uuwi na po ako agad."

"No need anak, I asked Harry na isabay ka na." 

WHAT? At ngayon, argh! Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko sa mga nangyayari eh. Paglabas ko ng classroom ay nandun si Jon.

"J-jon.." Nagulat ako kaya napaatras ako bigla. May dala siyang boquet of red roses. Nakakunot noo kong tiningnan iyon.

"Alex... Alexa, I'm really sorry for what happened." Tiningnan ko lamang siya. Sobrang lalim ng eyebags niya na para bang ilang araw nang hindi natutulog.

"It's okay, Jon. Besides I'm still your friend." 

"Still." Inabot niya sa akin yung boquet na nung una ay ayaw ko pang tanggapin. "Alam ko, basted na ako, flowers and frappe para sa pang-aabala ko sa'yo nung nakaraang gabi." Ngumiti ako at tinanggap ko 'yon.

"Uuwi ka na ba? Pwede kitang ihatid, wala akong class today." Bago pa ako makasagot ay nagulat ako sa akbay ni Harry.

"Hindi ka ba aware na bawal ka nang lumapit kay Alex?" 

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Sep 29, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

OO NGA PALA, HINDI TAYOHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin