2

106 2 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa clinic ako ng building ng company C kung saan nandito din ang meeting place naming mga models.

"Lex, okay ka na ba?" Si lianne na nasa tabi ko at ang iba pang models na nakapaligid sa akin.

"Anong nangyari?" Pinilit kong umupo kahit medyo nahihilo pa ako.

"Yun din ang hindi namin alam eh! Basta nahimatay ka na lang, bakit? May sakit ka ba?" Umiling ako.

"Ewan ko rin kung bakit bigla akong nahimatay eh, basta ang naaalala ko na lang eh sobrang hirap na hirap akong huminga.. Ouch, ang sakit pa ng ulo ko."

"Baka tumama yung ulo niya nung nahimatay siya." Nagtinginan ang lahat sa lalaking nakaupo sa couch sa dulong parte ng kwarto.

Eto na naman, sumasakit ang dibdib ko, sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Tama si Harry, alexa magpahinga ka muna."

"H-hindi ako makahin-hinga." Nagsilayuan sila, yung iba ay umalis na muna dahil mag-aayos pa sila para sa shooting. Tanging si lianne at harry ang natira.

"Uhm, excuse me Harry, pwede bang pakibantayan muna si Alexa? Bibili lang ako ng frappe." Tumango lang si harry at lumabas na si Lianne.

Humiga ako ulit, ang awkward. Bakit sa lahat siya pa ang naiwan dito? At bakit ba kasi nandito siya? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit?

Pinilit kong pumikit dahil naramdaman kong tumayo siya, sana umalis na siya.

"Okay ka na ba?" Napapikit ako lalo ng maramdaman ko ang presensya niya malapit sa akin. Hindi ako sumagot, magpilit kang tulog ka.

"Alam kong hindi ka tulog. Eto oh." Unti-unti kong binuka ang mga mata ko at tumingin sa inaabot niya.

Monde mamon? Alam niya kayang favorite ko yan?

"Magpagaling ka, aalis na ako." Kinuha niya yung kamay ko na ikinagulat ko at nilagay niya dun yung mamon.

***
1 week after

"Alexa ano ba tong mamon dito sa dresser mo?" Napairap ako habang nag t-toothbrush ako.

"Hayaan mo lang yan diyan umma."

"Tsk, expired na to oh! Itatap---"

"WAAAG!" Dali-dali akong tumakbo at kinuha ang mamon na hawak ni mom.

"Ano ba yan, bahala ka nga diyan. Basta bilisan mo dahil pupunta tayo ng mall para mag shopping!"

"Hays, opo sige na umma lumabas ka na at magbibihis na ako."

***

OO NGA PALA, HINDI TAYOUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum