13

23 1 0
                                    

"G-gusto ko lang sabihing.... Alexi.... M-m-mahamahalkitaasdfhsh" Hindi ko na naintindihan yung huling salitang sinambit niya dahil sa sobrang hina na ng boses niya.

"HARRY!" Muntikan siyang matumba, mabuti na lang at nasalo ko siya,kaya heto siya ngayon, nakayakap sa akin.

Teka... Ano bang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng gisingin sila mom para tulungan ako dito....

Aish! No choice!

Pagdating namin sa kwarto ko, na sobrang hindi ko maisip kung paano ko siya naiakyat dito pero nangyari din, eh hiniga ko siya sa kama.

"PHEW! ANG BIGAT MO!" Ni-lock ko ang pinto dahil baka mamaya ay pumasok bigla sila mommy. Maloloka na talaga ako!

Mabuti na lang at maaga ang alis ni mom at dad bukas para bisitahin yung kamag-anak namin sa Subic.

Teka... Ano bang gagawin ko dapat?

Tiningnan ko si Harry na pawis na pawis at mukhang nilalamig na nakahiga sa kama ko.

Dahan-dahan akong pumunta sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at bowl, pati na rin bimpo.

Pagdating ko sa kwarto eh nakabalot na si Harry ng kumot. Sa sobrang lamig siguro kaya nagkumot na siya.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Bakit ka ba naman kasi nagpunta pa dito kahit na alam mong may sakit ka?" Sinimulan ko nang punasan ang mukha niya, hanggang sa braso...

Tingin ko dapat ko siyang palitan ng damit...

Tatayo na sana ako nang bigla nihang hawakan ang kamay ko..

"kajima" Huh?? Korean word yun ha? Na ang ibig sabihin eh 'don't go'... Bakit alam niya 'yon?

"Huwag mo akong iwan please..." Mahinang sambit niya.

"Kailangan mong magpalit ng aaah!" Hinila niya ako dahilan para mapahiga din ako sa tabi niya.

OH MY GOSH HARRY WHAT ARE YOU DOING BA?!!??

Pilit akong nagpupumiglas pero bigla niya akong niyakap.

Shit. Shit. Shit.

May girlfriend ka Harry! Ano bang ginagawa mo?!

"harry!"

"Alexi.. Don't leave me.."

Napapikit na lang ako. Ni hindi ko nga alam kung paanong nahila niya ako pahiga samantalang mukha siyang lantang gulay kanina.

Shit, ang bango niya!

Erase, erase, Alexi! Hindi mo na siya gusto diba?

Aba Alexi! Huwag mo na ngang lokohin ang sarili mo...

Eh pero may girlfriend siya...

Mahal niya ba?

"mahal kita"

"ano?!" Ano na namang pinagsasasabi ito, puro bulong eh tsk, di ko naman maintindihan...

Ilang minuto na ba kaming magkayakap?

5? 10?

Alexi bakit mo hinahayaan ang sarili mo?

Pero... Sobrang tagal kong inantay ang pagkakataong to.. Yung sa wakas, mayakap ko din si Harry.

Ngayong gabi lang... Kahit ngayon lang...

*tiiit tiiiit tiiiit tiiit*

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng phone ko.

Nanlaki ang mata ko dahil ang bumungad sa akin ay ang mukha ni Harry.

Shit... Bakit ang gwapo pa rin niya kahit tulog at may sakit?

Omg! Si mom at dad! Anong oras na ba?

Binuhos ko lahat ng lakas ko para alisin ang pagkakayakap sa akin ni Harry.

Alas sais na! Dali-dali akong dumiretso sa banyo ko at nag toothbrush at hilamos. Nagpalit na rin agad ako ng damit. Nandyan pa kaya sila mom?

Paglabas ko ay tulog pa rin si Harry kaya dumiretso ako sa kwarto nila mom.

"UMMA! APPA???" Nandito pa kaya sila?

Chineck ko ang buong bahay, aba, nakaalis na sila. Nakita kaya nila si Harry? Malamang hindi, kasi kung nakita nila kaming magkayakap sa kama malamang kanina pa kami gising at may black eye pa siguro si Harry.

Nagluto ako ng noodles para ipakain kay Harry.

Pagpasok ko ng kwarto ay tulog pa rin siya. Nilapag ko ang bowl ng noodles sa side table at umupo ako sa kama.

"Ang amo ng mukha mo pag tulog! Sana palagi ka na lang tulog para di galit na mukha mo ang nakikita ko! Ay erase... Ayoko namang tulog ka na lang forevs no, iba na yun.."

"Hhhhm." Paguungot ni Harry.

"Harry?" Tinapik ko siya nang bahagya para magising siya.

"ALEXI? TEKA. ANONG GINAGAWA KO DITO??!!?" umupo siya sa kama ko at tumingin sa paligid.

"Uhm kagabi kasi ano..."

"WHAT THE HECK?! nandito ba ako sa kwarto mo?! Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?!"

"SANDALI!" Sigaw ko para patahimikin siya. "Nandito ka kasi kagabi pumunta ka lang naman dito sa babay, pawis na pawis, hinhingal at bigla kang nahimatay, kaya nagmagandang loob ako para buhatin ka papunta dito sa kwarto ko, at walang ibang naganap except yun okay?!" Pagpapaliwanag ko.

"Mabuti naman. Aalis na ako."

"Sandali! Kumain ka muna."

"Wala akong panahon para diyan." Tumayo na siya at dire-diretsong pumunta sa pintuan.

"HARRY!!" Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya. "Kumain ka muna, baka mamaya sa daanan ka niyang mahimatay."

"Ayoko." Pilit noyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Harry!" Paghabol ko sa kanya.

"BAKIT BA ANG KULIT MO?! MALING MALI NGA 'TO EH! ANG MAPUNTA AKO DITO SA BAHAY NIYO AT ANG MATULOG DITO! AT WALA NA AKONG BALAK PANG MAGTAGAL SA BAHAY NA 'TO! WALA NA! KAYA AALIS NA AKO!"

"HINDI KA MAN LANG BA MAGPAPASALAMAT?!"

"BAKIT?! HINILING KO BA 'TO? HINDI NAMAN DIBA?" Nasaktan ako sa sinabi niya.

Harry bakit ba ganyan ka?! Bakit ang hirap mong intindihin?

"GANYAN KA BA PINALAKI NG MAGULANG MO HA?!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanya.

"HUWAG NA HUWAG MONG IDAMAY ANG MAGULANG KO DITO!"

"EH ANO BA KASING PINUPUTOK NG BUTSI MO? AKO NA NGA TONG NAGMAMALASAKIT NA---"

"Tama na Alexa. Hindi mo pa ba nakikita? Ayaw ko sayo. Ayaw ko nang makita ka pa. Ayoko na! Okay ba?" Sambit niya at dire-diretso siyang lumabas ng bahay.

Shit Alexi, bakit ka ba umiiyak?!

OO NGA PALA, HINDI TAYOWhere stories live. Discover now