10

44 1 0
                                    

"Ano yun? Sasabihin mo bang manliligaw ka ulit? Sorry Alexa pero hindi pa rin kita gusto hanggang ngayon." Napaatras ako dahil sa sinabi ni Harry.

"A-anong sabi mo?"

"Gusto mo pa bang ulitin ko? Alam mo, gustong gusto mo talagang nasasaktan eh no? Hindi kita gusto alexa kaya please lang? Hanggang ngayon ba naman ako pa rin ang gusto mo? Tanga ka ba? Ha? Bakit ka nagkakagusto sa taong hindi ka pwedeng mahalin?!"

*PAAAK*

Nasampal ko siya..

"Sino ka para sabihin sakin yang mga yan ha?! Ang kapal din naman ng mukha mo Harry! Kaya kita gustong makausap ay dahil may nagtetext sa akin at alam kong ikaw to!" Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Hindi ako 'yan." Binalik niya sa kin ang phone ko at umalis na siya.

Hindi ko na napigilang maiyak dahil sa nangyari..

"Gusto mo pa bang ulitin ko? Alam mo, gustong gusto mo talagang nasasaktan eh no? Hindi kita gusto alexa kaya please lang? Hanggang ngayon ba naman ako pa rin ang gusto mo? Tanga ka ba? Ha? Bakit ka nagkakagusto sa taong hindi ka pwedeng mahalin?!"

"Gusto mo pa bang ulitin ko? Alam mo, gustong gusto mo talagang nasasaktan eh no? Hindi kita gusto alexa kaya please lang? Hanggang ngayon ba naman ako pa rin ang gusto mo? Tanga ka ba? Ha? Bakit ka nagkakagusto sa taong hindi ka pwedeng mahalin?!"

Aaaargh! Bakit ko ba naiisip yun---- teka?

Bakit ka nagkakagusto sa taong hindi ka pwedeng mahalin?!

Bakit ako nagkakagusto sa taong hindi ako pwedeng mahalin? Anong ibig sabihin niya sa hindi pwedeng mahalin?

Harry, ano ba talaga? Una yug text messages, kahit ideny mo,/alam kong sayo nanggaling ang mga yun. At ngayon?

***

"Honey, sinabi ko naman sayong wala na yun diba?"

"Talaga ba ha Gary? Kasi sa pagkakaalam ko, sa bata ka lang may responsibilidad at hindi kay emma!"

Pagdating na pagdating ko ng bahay ay naririnig ko na ang sigawan ni mom at dad mula sa kwarto nila.

"Wala naman talaga! Nagpunta ako dun para bisitahin yung anak ko at hindi si emma! Promise honey, ikaw lang ang mahal ko. Mag kaibigan na lang kami ni emma at may boyfriend na siya ngayon."

Anak? May anak si dad? Emma? Sino naman yun?

"Umma, a-appa."

OO NGA PALA, HINDI TAYOWhere stories live. Discover now