5

70 3 0
                                    

"So pwede na ba kitang ligawan?" Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko dahil sa narinig ko.

"I-ikaw? Manliligaw? Sa akin?" Tumango ito.

"Hah? Eh kuya, hindi mo naman siya gusto diba? Bakit mo siya liligawan?" Nagtatakang tanong ni Joan.

"Oh, shut up Joan. Alam mong bata pa lang tayo ay si Alexa na ang gusto ko." Napatingin ako kay Joan, namutla ito bigla.

"P-pierce seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" Tiningnan ko ito ng maigi, iniintay kong tumawa siya o ngumuti at sabihing nagj-joke lang siya. Pero hindi, nakatitig lang rin siya sa akin.

"Matagal na kitang gusto Alexa, since nakilala ata kita. At sigurado akong gusto kitang ligawan."

***

"CUT!" Sigaw ni direk. Nags-shooting kami ngayon, nandito kami sa subic. Yung scene is yung inamin na ni guy na mahal niya si girl at ganun din si girl kay guy. "WALANG CHEMISTRY! IPAKITA NIYONG IN LOVE KAYO SA ISA'T-ISA. ULIT!"

Nakaupo kami ngayon sa harap ng beach. Si Harry ay nasa tabi ko.

"Alexa."

"Hhm?" Napatingin ako sa kanya.

"I love you." Sinabi niya ito na parang wala lang.

"CUT! HARRY AYUSIN MO NAMAN. GUYS MAKE IT REALISTIC KUNG GUSTO NIYO NANG MAG-SWIMMING. Okay?" Napa-aish si Harry, siguro na f-frustrate talaga siya dahil ako ang kapartner niya. Buti na lang at hindi na ako masyadong naiilang sa kanya.

"One more time. Last na sana ito."

Nagsimula na ulit kami.

"Alexa.." Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako dahil kitang kita ko sa mga mata niya na ang dami niyang gustong sabihin, para bang nanghihinayang na gustong mag-sorry.

"Hhm?" Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

"Gusto kita.. Matagal na.." Bakit? Bakit pakiramdam ko totoo tong mga sinasabi niya? Nasa set pa ba kami?

"A-ako rin.." Bakit ganito tong nararamdaman ko? Bakit parang totoong gusto nga namin ang isa't-isa? Nilapit niya unti-unti ang mukha niya sa mukha ko.

Napapikit na lang ako. Hahalikan niya ba ako?

"CUT!" Napaatras ako bigla at napatingin sa paligid.

*claps*

"GRABE ANG GALING GALING NIYONG DALAWA! Ang ganda ng kinalabasan! Whoaaaa! Im so proud of you guys." Natutuwang sambit ni direk Cha.

"Ahm, magbibihis lang ako." Dali-dali akong umalis sa set at dumiretso sa kwarto namin ni Lianne.

Napaupo ako sa kama, pinakiramdaman ko ang puso ko. Bakit ang lakas ng tibok mo? Gusto mo pa rin ba siya?  Alexa, hindi mo na siya gusto diba? Ano ba Alexa, huwag kang ganyan. Hindi mo na siya gusto, yung kanina? Wala lang yun. Wag mong isipin yun!

"Alexaaaa!" Napatayo ako bigla ng marinig ko ang tili ni Lianne pagpasok niya sa kwarto namin.

"B-bakit?"

"WAAAAAAAH!" Tumakbo ito papalapit sa akin at hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko. "OMG OMG OMG I KENNAT! HARRY KISSED ME! AS IN SA LIPS! HINDI LANG SMACK UMABOT NG SECONDS BES! OMGGGGG." Tumalon siya papunta sa kama at nagtititili.

Hinalikan siya ni Harry? So wala lang talaga yung kanina? Hah! Sabi naman kasi sayo Alexa eh!

Tiningnan kong muli si Lianne. Hays, teka! Bakit ka nagseselos? Aba, sino nagsabing nagseselos ako?

Lumabas na ako ng kwarto namin.

Hindi ako nagseselos. Hindi hindi hin---

"Aray!" Muntikan na akong tumilapon dahil sa pagkakabangga ko sa isang lalaki.

"H-harry?"

"Nasan si Lianne?" So ganun? Hindi man lang ako tinulungang makatayo? Tsk. Tinulungan kong tumayo ang sarili ko.

"Ewan ko!" Sigaw ko at nagmamadali akong tumakbo papunta sa beach.

"Alexa? Bakit ka umiiyak?"

"J-jon?" Teka, ako? Umiiyak? Omg, bakit ako umiiyak?

"A-ah, eh uhm. W-wala lang to. Sige alis na ako."

"T-teka!"

OO NGA PALA, HINDI TAYOWhere stories live. Discover now